Posted by: Oliver Lee | June 9, 2010

Run Ollie Run!

Wala akong maisip na title kaya pagtyagaan mo na.

Sumali ako sa fun run ng aming kumpanya na nagpapahirap sa amin na ginanap sa The Fort. Aktuwali, dapat nung May 28 pa to (I think) kaso e nagsabay sila nung family day ng teknolohiyang ginagamit namin sa aming trabaho para pahirapan ang aming weekdays. Buti na lang at napostpone yun at naurong nung Saturday kaya nakasama ako. Ito nga pala ung nagsilbing kick-off ng sportsfest namin na sa hindi malamang kadahilanan ay sinign up pala ako sa badminton (ng hindi ko alam, mga hayup) ng aking mga kaopismeyts.  Hindi ko aatendan at hinding-hindi ako maglalaro dahil may saping “The Flash” ung mga players. Batman lang ako. Mautak, kaya hindi ako sasali, wehehehe.

First time kong sumali sa mga ganitong kaewanan. Hindi ako sporty. Wala akong bahid palakasan sa aking katawan. Pero kung tatanungin mo ako kung ano ang cheat code sa Cobra, kung pano gawing loyal lahat ng characters mo sa Mass Effect 2, at kung paano magstealth kill sa Splinter Cell at Batman Arkham Asylum, may ihaharap akong mukha sayo.

Naglalaro naman ako minsan pag naaya. Badminton (nasali naman ako sa finals nung PE ko ito nung college)….

(kasalukuyan pa akong nagiisip ng sport na nilaro ko for the past 2 years)

….surfing, basketball sa timezone (does this thing count?), Rock Band (dito kahit saan mo ako ilagay pwede ako sa kanta, drums o gitara, bwahahaha) at Dance Mania.

Oh well, on with the kwento. So gumising ako ng 3:30 AM (and where the fucknig hell is my medal?) para imeet sa Pasig sina Apple, Mimi (aking mga officemate), at si Jan (bf ni Apple/barkada ko/college classmate) para may kasabay akong pumunta sa The Fort. Actually, may dalang sasakyan si Jan, makikisabay ako. Hindi ako marunong pumunta sa The Fort, remember? Let alone madaling araw.

So pagdating ng The Fort ay kinuha ko ang aking race bib at tracking strip (ewan ko kung ito talaga tawag dito, imbento ko lang) at saktong umabot sa warmup bago ang actual run. 3K ang sinalihan ko na run. Tumakbo agad tong si Jan kaya wala syang prerun piktyurs. Hindi kasi sya registered runner at hindi rin empleyado samin (well, former) so sumama lang siya para tumakbo.

Mimi and Me

Apple and Me

May kasamang dog ung isang runner. Ung dog ung naka ok sign.

The tracking shits. I mean slips.

So pagsabi ng announcer ng run e syempre para lang may sunog sa likod namin. So nagtakbuhan na lahat at nakijoin na kami. Sa kabila ng hingal, pagod, pawis, at kung ano ano pang shit ay natapos ko naman ung takbo. Hindi naman ako nagcollapse sa finish line. Sayang walang ribbon, tatakbo sana ako ng nakataas ung kamay ko, tapos slow-motion with matching buhos ng drinking water sa ulo.

After the run

Bukod pala sa strip na nakalagay sa shoes namin e may barcode sumthing pa dun sa bib. Kung mapapansin nyo e may punit na maliit ung bib. Si ateng nagtanggal e parang feel na feel ung paghila/pagpunit dun sa barcode, natanggal tuloy ung bib ko. Buti hindi nasira ung bib kasi itatago ko ung bib at strip.

Nakita na rin namin si Jan na sinundan pala ung 5K run, na naligaw, at gumawa na lang ng sarili niyang 5K race track. Nawala daw ung mga sinusundan nya, kaya gumawa na lang siya ng sarili niyang race track. Pati ung iba naming officemate ay nakita namin after the race.

The lovebirds na nakauniform with the colgate smiles. Si Jan parang mascot lang ng Hen Lin, haha (at nagsalita ang hindi singkit).

Me, Jan, Apple, Ms Lors, Mimi, and Chris (seated, tumatae style)

Since ang tagal iannounce na ready na ung breakfast e nagcamwhore moment muna kami sa open field sa harap ng tent na pagseservan ng breakfast.

posing 1

posing 2

Pagod/Gutom na ako

Ang sinerve na breakfast sa amin ay egg, adobo, tapa at syempre rice na may kasamang saging for dessert. Masarap naman ung food, o gutom/pagod lang talaga ako. Basta masarap kumain pag pagod.

Kung akala mo e basa ang buhok ng mga kumukuha ng pagkain dahil bago silang ligo ay isang malaking pagkakamali.

Tebols en chers

Tapos habang nagpapahinga kami at nagkkwentuhan e merong mga nagpapalipad ng RC planes dun sa pinagcamwhore moment place namin kanina. Naiingit ako ng onti. Nainggit ako ng sobra sa kanila at gusto ko ng ganun, kaso kelangan ko pang dumayo ng Fort para maglaro? Pag dito ako naglaro nyan samin e malamang sumabit lang sa kawad ng kuryente. At wala akong pambili ng RC plane, hehe.

RC planes and their pilots

Kanina pala nilabas ung resulta ng takbo namin (at kaya naalala kong iblog ito).:

Isang second lang pagitan ko sa 130. Puro sarado zero sana. Dapat pala binoxout/bigwas ko ung kaharap ko, hehe.

At hanggang kahapon e masakit ang paa namin at parusa ang umakyat/baba sa hagdanan. Un lang, Tenkyu!


Responses

  1. Gusto ko rin mag fun run kaso hindi kasya sakin ang pinamimigay na damit, i hatechit! Dapat nag betlogs shorts ka para more more buldge at hindi jogging pants LOL

    • haha, betlog shorts talaga?
      ayokong maging felix bakat no.
      e di bumili ka na lang ng shirt mo, yaman yaman mo e, =p

  2. lee, karirin na natin ang pagjojogging…game?:D

    • tapos papupuntahin nyo ko ng UP, anlayolayo sakin. Dito na lang ako sa banda sa amin, safe pa, haha

  3. Pilipinas companies are so fun. Ang saya kse dami nyong activities.

    • Bakit, dyan po ba wala masyadong activities?
      Kasi ung dati kong employer, (dansk company un, hulaan nyo, hehe) marami din namang activities, stuff.

  4. ay gusto ko ang bago mong layout… namiss ko tuloy ang yellow pad… ayos yan ah, matapos mag fun run, fun lamon kasunod hehe

    • nagsawa na ako kasi sa green. tapos nakita ko to simple lang, inapply ko na. buti naman nagustuhan mo, =p.
      korek, after fun run, fun lamon ang sumunod, hehe.

  5. matagal ko na gustong magfunrun kaso wala naman aksing funrun na nagaganap dito sa baguio. papatulan ko talaga! hakhak!

    syaks! pumayat ka (ubo ubo ubo)

    • parang ang hirap magfun run sa baguio a, puro mataas, pero malamig kaya kewl.
      gusto mo solmux? hehe

  6. I love it!

  7. ang tanda ko na talaga. slips na pala ang tawag dyan, ok sabi nang slips eh. and akala ko nasa ilalim ng lupa ang power cables ng the fort?

    • actually hindi ko talaga alam tawag dyan, hehe.
      I dunno about ung sa power cables sa the fort, pero wala ako nakitang mga poste ng meralco dun, hehe.

  8. ayan, na-add na kita……..

    at, healthy life-sty-ler ka pala Ollie ha…..me-pa-jogging jogging con fun run ka pa. sama kami minsan.puro bloggers….si Jepoy yung leader.haha. propose ko to minsan.lol

    • frustrated healthy lifestyler, haha.
      oo, ok yang activity na yan. I like to see Jepoy lead a fun run, diba diet-dietan sya ngaun?

  9. tingnan mo nga naman ang blogosphere, pagkaliit liit.
    di ako nakasali sa fun run nato.

    next run, EB tau!😀

    • uy, dgtl o dmpi?
      sige pag nagpafunrun uli hehe

      • dmpi pare.

      • ah sa GCC ka ba?


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: