Posted by: Oliver Lee | June 5, 2010

The “Hacienda Zaide” Adventure — last fart

at ang nakaka-LSS na Korean Song.

Previously on the “Hacienda Zaide” Adventure:

  • Nalate ako sa usapang 1:00PM sa Gil Puyat Station.
  • Came up with names kung ano ang itatawag kay Zaide.
  • Natrapik ng bonggang-bongga sa Sta Cruz, Laguna at ihing-ihi na kami.
  • Muntik ng walang kainin si Ann.
  • Nag-inuman at videoke ng walang humpay.
  • The mystery of the “Oang” song has been revealed.

Adik sa TV much?

Ito nga pala ang unang jeux-tot para hindi ka na mahirapang maghanap.

And that’s what you missed on Glee! I mean, the “Hacienda Zaide” Adventure.

****

Natulog kami ng maaga,  (mga 12am-ish) kasi 6am ang calltime na magising para sa aming trip for Sunday. Bumalik kami sa taas na bahay at natulog kaming mga boys sa sala (at inangkin ko ang sofa, haha) at ang mga gels sa kwarto. Naiwan nga pala ang kapatid na bunso ni Zaide at ang kambal dahil hindi pa sila tapos uminom at magvideoke.

Nag-alarm si Zaide ng 6AM at ako ang nagising. Very rare moment. Ako ang unang nagising sa kanila. Again, a very rare moment. Tipong Discovery Channel exclusive special – “Oliver wakes first”.  Ang hindi lang special dun ay hindi ako tumayo agad, haha. Saktong 6am ay lumabas si Ate Zaide at pinatugtog ng napakalakas mula sa kanyang celphone ang nakakaLSS na Korean Song. Actually, nung last night habang dinner at habang nagvivideoke ay pinapatugtog na ito. With matching dance moves. Kaya it’s safe to say na ito ang naging official soundtrack ng trip na ito. Nung pagkagising ko lang narealize na Korean Song pala siya nung pinilit kong pakinggan at intindihin ang lyrics. A not so wise move.

uuuy, sasayaw yan

Tinamaan ng hang-over si Zaide, sumakit ang ulo. Amazingly, sa akin e feeling lang ng lightheadedness, hindi naman uncomfortable. Again, another Discovery Science moment. At dahil nga tinamaan ng hangover si Zaide at sobrang sakit ng ulo, nagpakita ng pagmamahal si Ate Zaide sa kanyang kapatid. Inilagay ang maingay na tumutugtog na celfone sa tenga ni Zaide. How sweet.

So after naming magising, tumayo at iligpit ang pinaghigaan (I have this amazing talent of folding my blanket habang nakahiga) ay kumain kami sa labas ng masarap at mainit na lugaw. Actually, arrozcaldo un (ang lugaw diba pag nilagyan ng manok, arrozcaldo na tawag?) pero gusto ko lang lugaw, e kaya lugaw ang itawag natin, k?

After kumain at magtake ng anti-allergy medication dahil nagkakaroon na ako ng mapa ng Pilipinas sa aking katawan dahil sa pag-inom kagabi (oo, ganun ako katatag. umiinom kahit allergic, haha.) ay inenjoy ko ang scenery ng Hacienda Zaide.

Da Hauz. Kumakain kami lugaw/arrozcaldo

Do your own caption: Ilagay ang pangalan ng iyong kaaway dito

Ito ung daanan papunta sa bahay. Andun sa dulo pa ung main road.

After kumain ng lugaw/arrozcaldo ay naghanda na kami ng aming mga gamit para pumunta sa Taetae Taytay Falls. Oo, akalain mong asa Majayjay ang Taytay? Ay naku day!

Sabi ni Tita Carmen (na mother ni Zaide, na ang totoong pangalan sabi ni Ate Zaide ay Nora. Confused much? Me too!) e damit na lang daw at towel ang dalhin namin. Bilang mabait na bata e hindi ko dinala ang celfone ko (at sabay sabay nating ipagdasal ang pagputok ng utak ng kumuha ng telepono ko) so hindi ko nadocument ung mga nangyari. Buti na lang at may dalang camera tong si Zaide at Ann so may maisshare ako senyong pix. Nakalimutan ko din ang sling bag ko kaya nakilagay ako ng gamit kay Ann, so bilang ganti e ako ang nagdala ng bag nya habang nagppiktyur si Zaide at Ann.

Pero syempre bago kami pumunta dun, isang group piktyur muna. Nadagdagan kami in the presence of Shane, the litel girl malapit kay Zaide.

Group pic with Tito "Oang" singer riding horsey at the back. Hatawin nang lumaki.

So paglabas namin ng Hacienda Zaide, ay naghintay kami ng tricycle para maghatid sa amin sa paanan ng Bukal. Ito ang isa sa mga super amazing moment ng trip namin.

Nung pagkasakay namin ng tricycle (bale apat ata kaming tricycle), inilagay lang ni Manong Driver sa On ung key ng motor. Umandar kami ng hindi gumagana ang motor. As in super clean, walang usok, walang ingay. Umandar kami pababa hanggang paanan ng Bukal. Pwedeng pwede na silang awardan ng “most environment-friendly” award sa ganitong klase ng transportation nila. Sobrang naamaze lang ako, haha.

So nung asa paanan na kami ng Bukal, saka lang pinaandar ni Manong ang motor ng tricycle nya. Akala ko tapos na ung adventure, hindi pa pala. Ung bridge kasi na papunta sa terminal papuntang Taytay falls e nasira. Nadestroy sya nung bagyong Santi at hanggang ngayon ay inaayos sya,

Biglang tumigil ung tricycle na sinasakyan namin dun sa area na un. Akala ko tapos na ung ride, hindi pa pala. Ang ayos kasi namin sa tricycle e tatlo kami sa loob( ako, Ann at Kim), tapos si Zaide at David sa likod ni Manong Driver. Pagstop nung tricycle, bumaba ung magkapatid. So bumaba din ako. Tapos biglang dumating ung tricycle nila kambal. Sakay daw kami dun sa upuan sa likod ni Manong Driver. Un pala e maglalakad na lang ung kapatid para makatawid. So dalawa ung asa carriage (Ann at Kim) with our bags, tapos kami ni Kambal sa likod. Nung narealize ko na ung gagawin, kinabahan ako ng onti. Ito ung graphical representaion (read as drawing ko) nung itsura nung lugar kaya pagtyagaan mo, ok?

Weeee!

Feeling ko sumakit ang ulo mo sa drawing ko so ganito un. Paliko kasi ung bridge na asa right namin,  pacurve sya to the left. Tapos ung daan na yan, asa front namin, tipong straight from point A to point B. Tapos asa left e malalim na bangin, un ung green area sa drawing ko.

Naramadaman ko na lang na nagslide ako papunta kay manong driver ng nakaharap ako sa bangin, bumababa na pala ang sakay kong tricycle. Paunti-unti ang baba nya, siguro iniisip nya ang entertainment value ng pagsakay sa tricycle nya so nilagyan nya ng suspense. Tapos nung asa bandang patag na kami (ung gitna) biglang nag rev up si Manong. Parang ung buong pwersa ng tricycle e nilabas na ni Manong. Si Manong Driver biglang humarurot at umabante, naupo dun sa bakal (lalagyan ata ng gas un) ng motor. Naslide ako paatras sa inuupuan ko, tapos si Kambal sabi sakin umabante daw ako kasi ung bigat ng tricycle e mapupunta sa likod (baka nabigatan lang sakin, hihi). Upuan ko daw ung inuupuan ni Manong kanina. So with all the force of the Jedi e pinush ko ung sarili ko paabante para upuan ung inuupuan ni Manong originally.

Bridge under repair

Success naman kaming nakatawid at tuloy uli ang byahe. Nga lang, medyo nakalimutan ko na inuupuan ko pala ung upuan ni Manong so slightly syang umaatras. Nafeel ko naman na gusto nyang maupo sa foam so umatras ako ng onti.

Nakarating kaming lahat ng safe at sound sa terminal papuntang Taytay. By the hour din ang alis, unless mapuno agad ung jeep.

Terminal going to Taytay

Wala naman masyadong adventure sa jeepney ride. Magaganda ung view pero dahil siksikan sa jeep (hindi lang kami ung nakasakay) e hindi ko sya naenjoy at hindi ko din makukunan kahit gusto ko. Ung siksikan pala e tipong may nakaupo sa may bungad ng jeep, nakasabit, nakaupo sa bubong. Ayun, so mali ung siksikan na term, ang tama ay “hitik, liglig, at umaaapaw”.

Pagdating namin sa Taytay ay may 30 minutes of walk pa na kailangang gawin papunta sa picnic area. Picnic area pa lang un, wala pa dun ung falls. Medyo naenjoy naman namin ung paglalakad kasi maganda ung view. Kung matatakutin ka sa heights, exempted ka last sentence.

Me and Zaide

The Group

Ito ang babagsakan mo kung mangahas kang tawirin ung railings. Effective dito ang quote ng MMDA na "Bawal Tumawid, Nakamamatay."

Sa kalagitnaan ng aming lakarin, biglang nagkaroon ng stream sa aming left side. Ung tubig ay galing sa falls, at sabi ni Kambal, ginagawa daw ito para sa irrigation system ng mga farmers malapit sa area. Nung dati daw e hindi pa sementado (ung nilalakaran namin) at wala pang railings sa gilid ung papunta sa falls so lalakaran mo mismo e stream at maputik na daan. Pag nadulas, babay world.

Linaw No?

Aun ung stream sa likod namin. Epal ung asa dulong grupo. Panira ng moment

Malapit na kami sa Picnic Area

Dyan pa lang e malamig na ung tubig. And when I say malamig e freezer-type water ang lamig. Sabi ni Zaide e nafeature na daw ito sa isang tv show at parang may title ung falls na one with the coldest waters sa ating bansa. I think hindi drinkable ung water kasi ung mga pawis, ihi at kung ano pa mang nadagdag simula sa may falls e extra flavor na ng tubig na yan.

Pag diniretso mo ung path e un na ung papunta ng falls. Ngunit ang aming tatahakin ay ang picnic area so lumiko kami paright. Ung mga parang cottages sa taas na picture, un ung papuntang picnic area. Actually, hindi sya cottages e, rooms lang. Hindi pa ata tapos ung pagpapaayos sa lugar. Project nga pala ng government yan. Local government din ang nagmamanage and operate sa lugar. May entrance nga pala na P20 sa place, pero wala kaming binayaran kasi may batak yung mga kasama namin sa mayor na nameet namin, hehe. More on this later.

Bago mo marating ung picnic area at “cottages”e tatawid ka sa kanilang hanging bridge. Kung meron kang takot sa heights, tawagin mo na lahat ng diyos na kilala mo pati si Spongebob. May mga nanttrip pa na tumatalon-talon (us included) pagdating sa dulo ng bridge kaya ung mga asa gitna e feeling nila e titilapon sila sa bridge (syempre naranasan din namin to, gantihan lang). Ayun, paglagpas ng bridge, ung iba samin may vertigo na, haha.

Baka kasi makalimutan mong "Hanging Bridge" ang name nung Hanging Bridge

Wala na kaming pakialam sa mga tumatawid. Maghintay sila, camwhore moment namin to.

Hanging Bridge uli

Ang dakilang PA. At pagkain ung hawak ko kaya bawal akong mawala, haha.

View from the hanging bridge

Papunta sa Picnic Area

So after namin marating ang aming table, nilapag na namin ang mga gamit namin. Nilapitan kami ni Mayor na family friend ng mga pinsan ni Zaide. Bale may isa pang backstory kung bakit kami nalibre sa loob bukod sa family friend nila ang mayor, pero that’s another story to tell, next time na un. Astig yung mayor kasi hindi mo aakalaing mayor pala siya. Walang bandang sumusunod at sumisigaw ng “Andyan na si Mayor!” Simple lang siya, tapos hands-on carpenter. May mga ginagawa sila para dun sa place e. Kung hindi pa sinabi samin nina Zaide at ng pinsan nya na un ung mayor, aakalain lang namin na trabahador sya sa lugar. As in madumi ung shirt, may hawak na martilyo, ganun. Parang construction worker lang sa lugar. Naisip ko lang, sana lahat ng pulitiko ganun. Nakikita ng mga bumoto sa kanya na nagttrabaho siya. Kahit weekends dinedevote para sa lugar na pinangakuan nyang pagsisilbihan.

Piknik!

Man-made pond, or para susyal e water feature, sa harap ng picnic area namin at isang syoke

The cottages, view from our area. Di pa ata tapos ung mga rooms

Shayne! O di ba, ayos sa pose?

Isang group picture bago pumunta sa falls

Going back, nagprisinta ang Kambal (as in silang dalawa) na magpaiwan upang bantayan ang aming mga gamit at magluto ng aming kakainin pagbalik mula sa falls. So pagiwan ng gamit, balik kami sa Hanging Bridge at dun sa sinasabi kong path na may stream sa gilid para makapunta sa falls. Tinest namin ni Ann kung gaano ba talaga kalamig ung lamig ng tubig sa may stream.

Medyo pinainit ko ng onti ung tubig

Ayan, matinong picture na

Dyan pa lang sa stream e sobrang lamig-lamig na ng tubig. So naglakad na uli kami ng mga 5 minutes siguro. May mga campers nga pala malapit sa falls. Dito pala kami dapat magcacamping (diba dun sa part one sabi ko dapat magcacamping kami) kaso ginabi na nga kami kaya aun. Ung mga campers, sinasabit ung mga 1.5 softdrinks nila at binababad sa stream para lumamig.

Me and Zaide with the campers atdabak.

At ayun na nga, narating na namin ang Taytay Falls. Mas malamig ang tubig dito kesa sa stream. Sa sobrang lamig e hindi ko nagawang basain ang buong katawan ko. Tumayo lang ako literally at naglakadlakad. Ayokong biglain ung temperatura ng katawan ko at baka mamaya e bigla na lang akong maghypothermia sa lamig. Alam ko naman na wala na kayong pakialam sa mga sasabihin ko kaya andito na ang mga piktyurs.

Da Fols! Ito nga pala ung pangalawang falls na napuntahan ko sa buong buhay ko. First ung sa Baler, hanapin nyo na lang ung post sa archives ko.

Hanapin nyo ko....

Posers!

Naliligo sila, Nagbababad lang ako

Mas malamig sa parteng to

Harap ng falls. Dami nagcacamping

Aun so after nilang maligo, at ako magbabad, ay bumalik na kami sa picnic area. Nagihaw sina Kambal ng tilapia at may dala silang kamatis mula sa farmville. Nagkaasaran pa nga ng onti (mawawala ba naman un) kasi ung pinitas nilang kamatis e bite-sized. As in maliliit. Bakit un daw ung kinuha at hindi ung malalaki. Pero actually mas gusto ko ung pinitas nila, hehe. Mas madaling kainin e saka makakarami ka ng kamatis.

Nung kumakain na kami e saka narealize na hindi kami nakapagbaon ng toyo. Buti na lang at may kabatak nga na mayor ang mga kasama namin so humingi ng toyo kay Mayor. Meron kasing parang lutuan dun, tapos nanghingi na lang ng toyo ni mayor. Nagbuhos kami ng toyo ni mayor sa isang plato at nilagyan ng kamatis para pagshare-an ng lahat. Kumuha ako ng kutsara (na nag-iisa lamang. nagkamay kaming kumain) at hinalo ang toyo ni mayor at kamatis. Tapos kumuha ako ng toyo ni mayor at nilagyan ng onti ang aking kanin para masarap. Masarap kumain ng kanin na may toyo ni mayor. Ang toyo ni mayor ang nagpasarap ng aming tanghalian. Ang toyo ni mayor, bow!

Pagkatapos kumain ay nagpahinga kami ng onti at bumalik uli sa falls. Wala ng picture kasi gusto ng maligo ni Zaide kaya wala na kaming pornographer. This time, medyo nakapagadjust na ung katawan ko kaya nagbasa na ako mula ulo hanggang paa, haha. At dahil nga kaya ko ng basain ang katawan ko ng hindi masyadong nilalamig, tinry kong magshower sa falls. Aun, masakit lang naman. Para lang naman akong nabatukan ng maraming kamay kaya umalis agad ako sa ilalim ng falls.

Pagkatapos maligo e bumalik na uli kami sa aming picnic area upang magayos at umalis na. Hindi na kami nagbanlaw (tama ba ung term ko?) kasi malinis naman ung tubig. Hindi naman sya pool or beach kaya oks lang, walang feeling malagkit or something. So after magpack e tumahak na kami paakyat papunta sa parking area at terminal ng jeep. Pagdating namin sa parking area e nakita ko ang isang pagkaing di ko inasahang mapapasmile ako ng sobra-sobra. Namiss ko to kahit kakakain ko lang nito nung isang linggo sa SM. Scramble.

Scramble! Galing na kami sa malamig nyan ha, hehe

Syempre naubos ko na ung sakin nyan, hehe

So after magscramble e sumakay na kami ng jeep papunta sa terminal ng mga tricycle pabalik ng Bukal. E nagpupuno pa ung jeep (as in nagpupuno hanggang bubong) kaya bumili muna kami ng hotdog worth P3 sa may ihaw-ihaw malapit sa terminal.

The many faces of eating hotdog

Aun, sa wakas ay napuno din ang jeep. After sometime e narating namin ang terminal ng tricycle papuntang Bukal. Ngunit subalit datapwa’t,  hindi kami bumaba sa mismong terminal kundi sa simbahan. Gusto kasing kunan ng aming resident pornographer ang simbahan kaya sinamahan muna namin sya. Well, sinamahan ni Ann, nagkukuha sila ng picture. Ako, may nakita akong nagtitinda ng freshly made banana-que at gulaman, so alam nyo na.

The tsarts.

Side of the tsarts

Simbahan ng Majayjay

Front of the tsarts

Kambal at the plaza sa front ng tsarts

Ang plaza

Ayun, after magpiktyurpiktyur e nagtricycle na kami at tinahak na naman ang daan. Oo, dumaan uli kami dun sa dnrawing ko kanina, pero prepared na ako at alam ko na ang gagawin, hehe.

Tapos ayun, pagdating sa bahay ay kumain muna kami ng hinandang ispageti at naligo para lumuwas na pabalik sa Maynila. Kahit sa activity na ito ay may adventure pa rin na kaakibat, particularly kay Ann. Nawalan ng tubig nung naliligo sya, hahahaha. Buti na lang bumalik after ilang minuto, ayaw naming magigib.

After makaligo at makaayos ng lahat ay nagpaalam na kami at nagpasalamat sa mga kamag-anakan nina Zaide. Habang naghihintay ng tricycle na maghahatid sa amin sa terminal pabalik ng Sta Cruz, piniktyuran ko muna ang Bundok Banahaw na kita mula sa daan ng Bukal. Hindi ko akalain na ito na ang huling piktyur na huli naming kukunan (nagdrama?).

Shall I see you again? Ito nga pala ang huling piktyur na kinunan ng celfone kong si Preston, waaaah.

Sa ngalan ni Ann (award?), kami ay muling nagpapasalamat sa Pamilya Zaide at sa kanilang kamag-anakan sa mainit na pagtanggap sa amin. Hinding hindi namin makakalimutan ang mga masasaya at makukulit na ala-alang aming nabuo sa bakasyong ito. Maraming salamat po sa pagbukas ng inyong pintuan sa amin at pagbigyan kami na makisaya sa inyong pamilya. Hinding hindi namin naramdaman na kami ay bisita lamang, kundi parang parte na rin ng inyong pamilya. Lubos po naming inaabangan ang araw ng muli nating pagkikita at pagsasama sa inyong napakasayang lugar. Peace out!

*****

Ang post na ito ay dedicated sa aking nawalang celfone kung saan kami huling nagsama for an event. Marami tayong napagsamahan at sana ay sumabog ang utak literally ng taong kumidnap sayo. Preston (yan ung pangalan ng model ng celfone ko), kung nasaan ka man ngaun, sana ay masaya ka dahil pinamercy killing na kita sa NTC.

Ang aming last shot together habang kinukunan ko ang Bundok Banahaw. Picture taken seen above.

Advertisements

Responses

  1. Putakels sa susunod iklian mo ang post mo ha, nahilo me…

    Anyhow carabao, nung unang sawsaw mo sa tubig na malamig hindi ba na hypothermia ang betlogs mo?! hihiih Parang nainggit ako sa tayo ni mayor na binahog mo sa kanin. At kelangan puro pag papacute ang ginawa mo sa picture taken?! Dahil dyan na walan ka ng celfon..

    Kthanxbye…

    • ayoko! kelangan tapusin ang kwento. Baka mawala sa memorya ko. Parang debriefing lang to, haha.
      At sabi kasi ni Mommy Ayie damihan ko din ang pix, kaya humaba.
      at epal ka, samahan mo ko sa pagdadasal na pumutok ang utak ng kumuha kay preston

  2. love the last paragraph.. 🙂

    • hayup! ahhaha

  3. Prang toilet lang yung drawing mo ah…

    Ang laki ng toyo ni Meyor!!!!!

    • alam mo namang wala akong skill set sa writing let alone pagddrawing.
      yes, toyo ni mayor rocks!

  4. holy shit. BEG! hahahaha
    btw, random bloghopping.
    exchange links? just give me a heads up back at my blog. thanks! 🙂

  5. haha ang kulit ng blog mo na ito, ngayon ko lang nabasa hehe. At least nakuhanan ko kayo ng moments ni Preston at buti RIP na cia through NTC 😀

  6. I SO LOVE visiting your site (with emphasis yan) kasi parang ang saya saya. Parang ang relak relak. Parang hayyy. Basta ganun. hihihih

    • akala mo lang masaya… *sniff
      haha, jokelang! tenkyu! buti naman at napasaya kita ng onti.

  7. […] Last weekend ay bumalik kami sa super exclusive at prestihiyosong Hacienda Zaide nina… well, Zaide. Hindi ko na iddocument kung pano pumunta at kung ano anong what-nots dahil nacover ko na un dati dito at dito. […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: