Posted by: Oliver Lee | June 1, 2010

The “Hacienda Zaide” Adventure — first fart

at ang misteryosong kantang “Oang”.

Ito nga pala ang aking summer starter and ender at the same time, haha.

Last Friday (o Thursday ata un, di ko na matandaan) ay inimbita kami (ako at si Ann. Naka self-imposed exile kasi si Jen ngaun dahil nag-iipon daw sya, booo!) ni Pornographer Zaide sa prestihiyoso at misteryosong lugar nila sa Majayjay, Laguna. Since wala naman akong gagawin this weekend at wala man lang akong swimming/out-of-town adventure (actually, nung isang linggo pa ako nagseself-pity/parinig na wala akong bakasyon ngaung summer) ay agad akong umoo. Nagpaalam ako sa parents ko nung Friday night.

Me: Pa, alis ako bukas, overnight. Punta ako ng Laguna.

Papa: Ok.

Answeet diba?

Let's go somewhere!

So pagpatak ng 12nn ng Saturday ay umalis na ako sa aming lungga upang pumunta ng Doreteo Jose station ng LRT. Ang usapan kasi ay magkikita kami ng 1PM sa Jollibee Gil Puyat Station. As expected (na hindi ata inexpect ni Zaide) ay dumating ako ng 1:30 PM. Hindi ko din alam kung bakit, hayup. Ang estimated time of travel ko mula sa amin hanggang Gil Puyat ay 45 minutes, accounting na ang traffic mula sa amin hanggang Avenida (kaya siguro ako nalate kasi may accounting. Hayup na accounting yan). Ayaw akong lubayan ng aking super talent na malate.

Pagdating ko sa Jollibee, kasabay namin ang pinsan ni Zaide na si Pia (Phia or Fia, tama ata lahat ng spelling e) at ang kanyang boyfriend balladeer-turned-rocker (more on this later) na si John ay sumakay na kami ng bus papuntang laguna (Sta. Cruz ata ung plakard ni manong sa Bus na sinakyan namin). P132 ung bus fare namin from Gil Puyat to Sta Cruz, Laguna.

Ang unang una naming napagusapang tatlo ay kung ano ang itatawag namin kay Zaide. Surname nya kasi un. Ako ata ang dahilan kung bakit Zaide ang tawag sa kanya ng buong klase namin. Sabi ko kasi sa kanya dati, pag Ronald ang tawag sa kanya, hindi unique. Saka may kaklase pa kami na katukayo nya, kaya Zaide na lang ang itatawag ko sa kanya. Besides, the “Z” will make it sound cooler, parang Shaider lang na slang. So “Zaide ang itawag sa akin” ang naging istorya at the rest ay history. Isisingit ko lang, nakwento nga pala sakin ng ate (which from here we will call on Ate Zaide) nya na pag may tumatawag sa phone nila e ganito minsan ang usapan:

Caller: Hello, pwede po kay Zaide?

Receiver: Sinong Zaide?

Hindi lang ata ako ang nakaisip na surname ang itawag.

Going back,  kapag tinawag ko syang Zaide ay magtitinginan sakin ang lahat ng miyembro ng pamilya niya. Kaya nagcross off kami ng names na pwede naming itawag kay Zaide:

  1. Zaide
  2. Zai (hindi pwede to, long story)
  3. Kupal (kilala nyo na siguro kung sino nagsuggest nito, hehe)
  4. Ronald (medyo naweirduhan kami, masyadong maraming letters)
  5. RAZ (nickname niya sa Maersk. Mas ok to, isang syllable lang. Ako nga pala noon ay OLY, hehe)

After napagagreehan, RAZ ang itatawag sa kanya sa bakasyong ito (na i think e hindi naman namin masyadong nasunod).

Stupid Rain!

Habang nagaasaran (or to put it straight, gawin ang hobby na asarin si Ann. wala kasi si Jen) at mag Tekken 6 sa PSP (na inaamin ko namang bano ako dahil hindi ko naman masyadong nilalaro ito) ay biglang naginepal ang clouds in the sky. Biglang umulan ng malakas habang kami ay nasa kahabaan ng SLEX (as if naman mababasa kami). Camping kasi ang usapan sa isang undisclosed location (hindi pa sinasabi sakin kung saan exactly ung place. or nalimutan ko lang. o hindi ako nakikinig nung inaya ako. basta camping lang ang alam ko nung mga oras na yon). Buti na lang at tumigil din agad ung ulan kasi malayo layo pa ang aming lalakbayin at ayaw naming matrapik.

Sumakit ang pwet namin sa mahaba-habang upuan kaya pinktyuran namin si Ann habang nakangangang natutulog (ganyan kami kabait na kaibigan). Habang ginagawa pala namin ito e tinatawanan kami ng foreigner (American ata) na katabi ni Zaide, hihi. Buti na lang tinanong lang si Zaide kung anong model ung camera nya dahil kung hindi e malamang sa malamang e pinalo na ni Zaide ung kamera nya dun sa porenger para hindi dumugo ilong nya sa pagiingles.

Bumaba kami sa bayan ng Sta Cruz. Hindi ko alam kung saan kami bumaba exactly, basta along the highway un. After bumaba, ay sumakay uli kami ng jeep (amounting to P10 each) papunta sa terminal ng Majayjay upang sumakay uli.

Jeepney ride

Habang nasa jeep ay patuloy pa rin ang mga asaran at kulitan ng biglang nakaranas kami ng isang sanamabits na trapik. Huling linggo nga pala ng May at Santacruzan fever sa buong Pilipinas. Ang malupit pa dyan e dalawang simbahan ang dadaanan namin at pareho silang may version ng Santacruzan. At ang mas malupit pa dyan e ihing-ihi na kami. So imaginin nyo na lang ang mukha namin habang kami ay nagpipigil na magburst ang aming gall bladder. Kaya habang nakastop ang jeep at naghahanap ng milagrosong daan na pwedeng tahakin ni manong driver ay tahimik lang kaming tatlo. Isang mortal na kasalanan ang magpatawa noong mga oras na iyon. At ang mas super malupit pa dyan e nakikipagkwentuhan si Manong Driver sa mga Manong Driver ng katabi naming jeep o tricycle na makatabi namin.

Buti na lang at brief ung mga usapan nila at onti lang ung mga nakausap nyang Manong Drivers. Onti lang siguro friends nya. At maypagkahawk eyes din pala si Manong Driver. Nakakakita sya ng mga daanan kung saan pwede syang lumikoliko para makarating kami agad sa pupuntahan namin (siguro najejerbs na sya). Hindi ko alam kung may pagkaKnight Bus ung sinakyan namin pero ultimo sa masisikip na daan e naipasok at nakaharurot sya ng onti.

Pagdating namin sa terminal ng Majayjay ay naghanapay nay kamiay ngay jeepay naghanap na kami ng jeep. May oras pala ang trip sa Majajay. 6pm ang last trip. Nges hoo Guess what kung anong trip ang nasakyan namin, hehe. After naming ibaba ang gamit namin sa jeep (binantayan ni Phia at John ang gamit namin; nakalimutan ko na din kung magkano ung fare. P30 ata.) ay nagmadali kaming maghanap ng CR. Buti na lang at hindi masyadong malayo ung CR sa terminal.

Pagsakay namin ng jeep e may pagkagago din ung mga barker (sorry ha kung may natatamaan). Pinipilit nilang punuin ung jeep at pinagsisiksikan ung tao sa loob. Actually, mixed ung feelings ko dito. Una e kelangan din namang umuwi nung kung sino man ung sasakay so no choice talaga siya. Kaso kawawa naman ung mga pasahero sa loob (at ang init pa). Aun, in the end e kalahating pwet lang ung nakaupo nung malas na pasahero for the duration of the trip, which I think took more than an hour bago bumaba ung mga maagang bumaba, which is kami.

Madilim na nung nakarating na kami sa Majayjay. Bumaba kami sa paanan ng street ng Bukal (un ung name nung place) kung saan ang aming destinasyon. Pataas ang lugar. Bundok kasi ung place e. So pumara kami ng 2 tricycle upang lakbayin ang aming patutunguhan. Sobrang dilim at medyo onti lang ung lampposts so nagsisilbing liwanag lang ang ilaw ng tricycle.

After some 20 minutes (I think) ay narating na namin ang prestihiyoso at eksklusibong Hacienda Zaide. Baka batukan ako ni Zaide, hindi talaga siya hacienda (or is it? hmmmm.). Ako lang ung nagbinyag na Hacienda Zaide para kewl, hehe. Pero may farm sila, saka manok, baka, horses. Real-life Farmville (Buti walang naggift sakin ng bricks). Medyo madilim na pala nun kaya as much as I want to check ung paligid e hindi ko magagawa (un kasi ung una kong ginagawa pag may pinupuntahan akong lugar) kaya nagresign ako na bukas ko na lang gagawin un.

Front of da haus. Si zaide ung epal sa gitna, hehe

Nalimutan ko na ung explanation kung bakit may itlog. Something to do with the flowers. Or nangingitlog talaga ung halaman, i dunno.

Pagdating namin ay inalok na kami ng dinner ng Nanay at Lola ni Zaide, na simula so post na ito ay RAZ na ang itatawag ko (Hindi ko ieedit, tignan ko kung ilang beses ako sasablay — Edit: Ayoko na, nahirapan ako.). Kasabay ang kanyang mga kapatid at pinsan ay tumulong kaming ilabas ang ulam, kanin, stuff kasi sa labas kami kakain para presko. Ito ang masaya, si Raz e hindi agad nasabihan ang kanyang nanay na kasama namin si Ann, sa ate nya lang ata nya nasabi. Si Ann kasi ay member ng INC. Guess what kung ano ung nilutong ulam.

Inihain na ang dinuguan na niluto ng kanyang nanay. Buti na lamang at mayroon pang ulam na pritong tilapia at talong at yun ang hinandang ulam para kay Ann. Medyo kinabahan kaming tatlo dun, kala kasi namin e walang mauulam si Ann, hehe. Pero onting kaba lang, alam naman namin na may baong pagkain lagi si Ann. Dalawa ung dala nyang bag, parehong malaki. I’m sure isa dun ung food supply nya. I bet the larger bag, hihi.

Mayroon din palang isang ulam na hinanda (feeling ko tinakot lang nila si Ann e, haha) na ang tawag e Yapyap. Ngaun ko lang sya nakita at masarap sya hehe. Sabi ni Zaide at ng kanyang pinsan na si Kambal (hindi ko alam kung sino sa Kambal, collective na ung tawag sa kanila e) ay gawa daw iyon sa papaya so mali ang aking hinalang gawa sya kay James Yap. Feeling ko e either bulol or may something na paghihirap sa pagsasalita ng papaya ung nagimbento nung putaheng yon kaya naging Yapyap ang pangalan. O baka naman may nasarapan lang sa luto nya at nung tinanong nya kung masarap e ang nasabi nung tumikim ay “Yap! Yap!”.

Anyway, tinanong ko si Zaide kung paanong ginagawa ung Yapyap at ito ang kanyang shinare:

Yapyap

How to make Yapyap – Zaide’s version

  1. Balatan at I-julienne (hindi ko alam ung tagalog nun. hiwain ng manipis?) ang papaya.
  2. Iluto.

At iyan ang paraan ng pagluto ng Yapyap, Ronald Zaide style.

At pagkatapos naming magdinner ay pumunta na kami sa bahay ng tita niya located sa ibaba ng bahay ng lola nya. Kasi asa mataas na lugar ung bahay nung lola nya, tapos asa medyo lower part nung lugar ung bahay nung tita nya. Basta ganun. Imaginin nyo na lang. May dalawang bahay, ung isa asa taas, ung isa asa baba.

Anyway, nagpunta kami dun para uminom at magvideoke ng walang humpay. Syempre nung una e hiya hiya pa kami. Belters pala itong si John at ang boyfriend ni Ate Zaide na si Rob (na nalimutan ko na kung bakit binansagan syang “Kapitan Gets Bakit?”). Kaya pala kami sinama ni hinayupak ay para ipangsabong sa mga songers na ito. Buti na lang at mang-aawit si Ann at ako ay isang frustrated wannabe songer.  Mang-aawat lang ako.

Walang nagsabi sakin na may ganitong kanta ang Aerosmith

Ann is a songer

Ate Zaide is a songer too

Kapitan Gets Bakit

Habang kami ay umaawit ay nagtimpla si “Kapitan Gets Bakit” (KGB, cool initials) ng aming inumin. Hindi ko alam ung exact na timpla nung aming ininom pero ang alam kong ingredients ay Sprite, Gin, Tubig at Juice. May level level pa pala un para hindi mo maramdaman na tinatamaan ka na. Basta alam ko ung unang juice e orange, tapos pineapple. Ayun, nung umepekto na ang inumin e naglabasan na ng mga tunay na kulay at nawala ang hiya. Imbis na umiwas sa tagay ay agawan na. At nagsimula na ang partey. Nagsimula na ring maging rocker si John with matching screams na sa song. Kung nung una e puro love songs ang kinakanta, aba’y nung nakainom e puro rock na. At hindi pa nakuntento, ung mga love songs, kinanta rin pero may scream na.

Noong wala pa kaming tama. Pindutin para lumaki

May Tama ka! Look at 'em rosy cheeks and chinky eyes. Pindutin din ng lumaki

Jeepney Driver, Jejemon Boy, and a Russian Syndicate Member

Hindi na ako nagiisang singkit

So habang namumula na kami sa lasing/tawa/kanta, dumating ang infamous tito ni Zaide na si Tito Obet (or Abet? Basta I bet may “bet” un sa dulo). Kwento sakin ni Zaide, kahit daw hindi nakainom ung tito nya ay parang lasing daw kausap. Syempre, nag goodevening kami at nakipagkwentuhan(?) ng onti, at tawa ng tawa si Zaide sa likod. Mabait ung tito nya, pero tawa kami ng tawa hehe. Lasing na din kasi ako kaya ata nagkaintindihan kami.

Titong nakablue while singing Oang

Tapos ung pinsan nya (which is si Kambal na nakagreen), pinakanta ung tito nila. Pinapakanta niya ung laging kinakanta ng tito nya sa videoke. Ang kwento kasi nung pinsan nya (na si Kambal din na nakagreen), isang araw daw e nagiinuman/videoke sila at pinapalagay sa kanya ung kantang “Oang” sa videoke. So nagtanong si kambal kung ano ung “Oang”, kasi wala naman sa listahan ng mga kanta. Kaya kinanta nung tito niya ung kantang “Oang” para marecognize nya. At ito ung kanta:

Yan ha, alam mo na rin ang kantang Oang. Sulat ko muna ung last fart, k?

Sinusulat ko pa ung last fart. Wait lang.


Responses

  1. Yung yapyap papaya cia na niluto sa suka yun ang ntatandaan ko😀
    Ayaw ko na uminom next time, dahil panira at panggulo lang ng buhay! LOL

    • wotsuu….

  2. Hanggang stupid rain image pa lang ang nababasa ko. papasok pa ko ng office at nasa TV pa yung new video ni miley cyrus (i’m not a fan pero bago kaya interesante). Ayus yung napapalingon lahat ng pamilya nung Raz pag tinatawag mo sya by his surname. Zombies lang? hehe. Later na ang the rest of the reading.

    • Nangyari actually, tas saka ko lang narealize na hindi lang pala siya ang kasama kong Zaide, hihi.

  3. Ayus! naghanap ka talaga ng “Oangaling… galing kong sumayaw.. galing kong gumalaw…” hahaha!

    • bakit mo nilagay ung lyrics? mawawala ang mystery ni Oang! hahaha

  4. LOL @ nangingitlog na halaman parang ngayon lang ako nakakita nyan… yan ba ang eggplant?

    • haha, natawa naman ako.
      Un nga ata ang tamang tawag sa kanila, eggplant. =p

  5. Isa na ata ito sa pinakamasayang post mo na nabasa ko–promise walang skip read, nakakatuwa eh.

    Kapatid ko pala si Ann. hehe.

    More pictures, more post pa please. Kakamiss lalo ang pinas.

    • INC ka din Mommy Ayie?
      Ginagawa ko pa ung kasunod na post e, hehe. Popost ko soon as matapos.

  6. Yes po, INC din ako. Intay ko ang kasunod. =)

  7. […] Hindi ko na iddocument kung pano pumunta at kung ano anong what-nots dahil nacover ko na un dati dito at […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: