Posted by: Oliver Lee | May 19, 2010

Hotter Summer Nights and a weird election related news

Dinayo ko ang napakalayong kaharian ng The Fort para umattend sa carshow/driftshow/launcing ng FHM100 na pinamagatang Hotter Summer Nights 3. Nakaplano na ito since pa noong unang carshow na dinaluhan namin (read it here).

Bago ako dumiretso sa mga piktyurs, kkwentuhan muna kita. Oo, pnpwersa kitang basahin ang kwento ko. Mababaog ang hindi magbabasa ng kwento ko at didiretso sa piktyurs.

Noong unang panahon…..

.

Dalawa kasi dapat ung carshow na pupuntahan namin. Ung una e ung asa Makati, ung pangalawa sa The Fort. Ang balak ko e didiretso na lang ako ng The Fort at un na lang ang aattendan ko. Gumana na naman ang aking ultra-superb and oh-so-reliable na internal compass. Ang alam ko, which is tama naman, e asa Taguig ang The Fort, walang problema dun. Ang problema lang e hindi ko alam kung saan ang Taguig. Buong akala ko e nasa Rizal un. Sa araw-araw na pumapasok ako sa trabaho, sumasakay ako ng bus na ang dulo e Rizal. Akala ko kasi “Cainta” at “Taguig” ung asa plakard dun sa bus (ano ba tawag dun?), un pala, “Cainta” at “Taytay” pala un. Kala ko kasi pwede na akong dumiretso na lang doon.

Ok, so anyway, since narealize ko na wala sa Rizal ang Taguig, at kung asa Rizal man siya e hindi ko pa rin syang alam puntahan, pupunta na rin ako dapat ng Makati para may kasabay ako. Nalate ako sa dapat na 1pm na usapan na meetup sa Makati. Si pornographer Zaide ung nagpunta dun saka ang bago naming friend na pornographer at officemate nyang si Rodel. Sabi ng ate (english yan, dudugo ilong nyo, haha, nanira?) ko, magtaxi daw ako. E ayokong nagtataxi ng hindi ko alam ung pupuntahan. Baka mamaya nakarating na ako ng Mars di ko pa alam. Saka I’m on a tight budget! (ain’t I always?)

Well, anyway, tinawagan ko na si Zaide kasi magpapasundo sana ako sa Glorietta na lang kasi nga hindi ko alam pumunta dun sa hinayupak na Fort na un. Kaso, didiretso na raw sila sa The Fort at magtataxi. Ang hassle naman kung magpapahintay ako sa kanila. Buti na lang, may iba pa akong friends na pupunta dun kaya tinawagan ko si Ann at isa pang pornographer na si Ron since pupunta rin sila sa The Fort. Napagkasunduan naming magkita sa SM Makati since manggaling sila ng Trinoma at magttren sila.

After magkita-kita sa SM Makati, sumakay na kami ng bus from Makati to Market Market (don’t ask kung san sa Makati. feeling ko may warpzone lang doon at may mga magical bus going sa The Fort). Actually, sa may NBC tent ung carshow (or likod ng NBC Tent to be more exact). At biglang naghello ang problema, walang nakakaalam sa amin kung saan sa The Fort ung NBC Tent (mahirap lang kami kaya di namin alam kung saan un. Kulang na lang e maglagay sila ng mahirap sensor around The Fort, tapos magrerelease sila ng hounds na pag di nakaamoy ng pera sa iyong mga bulsa’t pitaka e bigla ka na lang lalapain). Ang alam lang namin e Market Market. I maybe dumb, but I’m not stupid, alam ko ung Market Market (kasi may nakasulat na malaking Market Market sa taas nung bldg saka sa paligid, hehe. Yabang ko pa kasi ako ung unang nakakita, =p).

Buti na lang meron kaming nakasabay na pornographer photographer. Hindi namin sya nakilala ng personal, pero sa ganitong deskripsyon e napagagreehan namin na photographer sya:

  1. Fisherman’s hat = check
  2. Vest = Check
  3. Khaki Shorts = Check
  4. Camera Bag = Check
  5. Shades pamPulis = Check
  6. Bigote ala Mr Suave = Check

kaya umagree ka na din. Inabangan namin sya na bumaba ng bus. Tapos susundan na lang namin, stalker-style.

Kaso mo, sa sarap ng kwentuhan naming tatlo, hindi na namin napansin na bumaba na pala si Mr Photographer. Kaya aun, pagdating na nung bus sa Market Market, bumaba na kami. No choice kaya tanong sa guard kung paano pumunta sa NBC tent. Sabi ni manong, sakay daw kami ng tricycle.

Ang kewl nung tricycle sa the fort, 6-seater, sayang di ko napiktyuran. first time kong makasakay ng ganun. Buti na lang at walang masyadong sasakyan dahil feeling ko e standout na standout kami sa orange tricycle na sinasakyan namin, tapos ung magiging mga kasabayan namin mga magagarang sasakyan.


From the likod ng tricycle

Apat na pala ung gulong nung tricycle so hindi na tama ung TRIcycle ang tawag sa kanya. So QUADcycle na ang tawag ko sa kanya.

After ibaba kami ni manong quadcycle sa malapit sa NBC tent e sinundan na lang namin ang Tugs! Tugs! Tugs! at nakita na namin ang mga nakaparadang sasakyan at mga nagseseksihang models.

After lumibot libot at makita ang mga naggandahang mga sasakyan e nagutom kami (actually kami lang ni Ann, haha, nangiwan na kami. Stomach rules over friendship) kaya hinanap namin ang nearest McDonalds courtesy of Google Maps, hehe. Take note, tnyaga naming hanapin ang McDo (nakita kasi namin to nung nakasakay kami ng quadcycle) dahil feeling namin e kapag kumain kami sa mga nearby resto sa NBC tent e hindi na kami makakauwi dahil wala na kaming pamasahe.


Hungry + Tired ain’t a good combination

At after kumain, bumalik na kami para kitain si Mond, tumingin ng marami pang cars, manood ng Drift Show, panooring sumayaw ang EB Babes, at ang launch ng FHM 100!

Tapos na akong magkwento, hindi ka na mababaog, at walang kwenta ang pagcover ko ng event na ito, haha. I didn’t even take pictures that day. I just took videos of the drift car events that took place that night. Eto na ang pictures courtesy of our resident pornographer Zaide, Rodel and Ron. And one of the amazing drift car videos that I took that night. At since may adjective na amazing ung video at ako ang kumuha (yes, bias is thriving here), mauuna ung video bago ung pix nila.


Pakihinaan na lang po audio nyo, hehe

****

Pasensya na. Dedicated dapat ang post na ito para sa Hotter Summer Nights na dinaluhan namin. Kaso, I just read the weirdest election-related news earlier.

Akalain mo ba namang mabasa ko ang news na ito sa GMANews.tv.

Nais ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr. na ipagbawal sa gagawing canvassing sa boto ng mga kandidatong presidente at bise presidente ang pagbigkas ng salitang “noted” na naging pamilyar noong 2004 presidential elections.

“We should not only ban (the use of) ‘noted.’ The one using that word should be exiled to Timbuktu, wherever it is,” pahayag ni Pimentel nitong Miyerkules.

– From GMANews.tv

E anong gagamitin nating word? E kung iyon ung pinaka-apt na word na dapat gamitin within the halls of congress e. Diba nga pinagalitan pa ninyo ung mga senators noon (Jamby?) dahil hindi sila gumagamit ng words appropriate for a senator, o as you have called it, “unparliamentary”.

At kung naging uso at napundi ka sa salitang nasabi noong 2004 elections, e ano naman? Dapat ba e ipatapon na rin sa Timbuktu ang mga “Jejemons” dahil marami na rin ang naiinis sa kanila.

I have nothing against the Senate Minority Leader. My point being, banning a word just because you got tired of it, you don’t need to call the attention of the media, or raise it to them, whatever. Ever heard of the book thesaurus?

May suggestion ako. Ito gamitin niyong word in lieu of noted, para masaya canvassing nyo:

Keribels

.



Responses

  1. Asteeeeeeeeeeeeg! Alabet!!!!

    At lumileyer na ang porma natin ah! ang landi!

    • ganun talaga. minsan umiistayl! hahaha

  2. skip read aq sori nman! ang haba e! ahaha..

    hoist oliver! pasaway ka.. nasa top10 p nman kta tpos gnyn ang pix mo!! bwahhhhhhh

    • hala ka! hindi mo ba alam na may sumpa ung post na ito, haha. basahin mo ung 2nd paragraph.
      sori naman sa pix. pagod+gutom nga daw kasi ako. walang time magpacute, ahhaha.
      onga salamat naman at pasok ako sa magic 5 mo, haha.
      papagawa ako ng tarpaulin samin, isasabit ko =p

  3. Hehehe. Naspecial mention yung name ko… Hehehe. Yabuts, see you next time ulet!!! Oist, yung COSPLAY this coming June na yun di ba? Text text na lang.

    Nga pala,
    Kulet ng ‘KERIBELS’… Hahaha! Apir!

    • opkors! we will be present sa cosplay na yan.

  4. At hindi ba naisip ni Pimentel na ang statement nya ay insulting sa mga taga-Timbuktu. Kung isang foreigner ang nagsabi ng “The one using that word should be exiled to the Philippines, wherever it is” malamang galit na galit na naman ang mga Pilipino.

    Suggestion kong ipalit sa noted ay “Kyembot”

    • korek!
      magpasurvey kaya tayo ng pwedeng ipalit sa noted? hahhaa

  5. oh, tumbling lang mula samin ang the fort. dimo sinabi, dapat sinabi ko sayo san ang daan patungo sa paroroonan. hehe

    • sori, hehe. hindi ko naman po alam na isang tumbling ka lang sa fort.
      mayaman ata si choknat, magaganda ung bahay malapit sa thefort e, hehe.

  6. Pumopogi. Skip read muna, dalaw lang kita. =)

    • napasmile naman ako dun.
      Un lang word na un, ok na ako Mommy Ayie, haha.

  7. at binasa ko nga sya ng buong buo sa takot kong mabaog! nanakot pa kasi e! haha! kamukha mo lang yung logo mo! wehehe

    • hahaha.
      ako nagdrowing nyan! (at yan lang ang kaya kong idrawing, andami kayang attempts nyan) =p

  8. wow..hanep yung mga cars..

    ai isa pa yang si pimentel sa mga racist.

    wahh..

    oi xlinks tayo tol..thanks

    mwah..

    • opkors, waynat.
      salamat sa pagbisita!

  9. FHM 100!🙂
    btw, i am randomly bloghopping.
    exchange links?🙂

    • sure Arvin! thanks for visiting!

  10. naku sa susunod kasi magtanong dito online alright? magtanong sa mga henyong tulad namin nang di ka nawawala.

    • hehe, hiya ako e.
      saka akala ko alam na nung mga kasabay ko, hindi naman pala.

  11. Stressed out lang siguro si Pimmy hehe. Alam mo naman ang work nya kaka-stress. Sana nga lang di na sinasalo ng media. Waste of space and time.

    • yeah, well you have a point. pero kasi minsan hindi na din natin alam baka mamaya e nagpapapampam lang sila.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: