Posted by: Oliver Lee | May 18, 2010

qwik apdeyt

nasusunog na pala ung building namin, tuwang-tuwa pa akong ginagawa ung trabaho ko (kasi naman, isang problema na lang tapos na ung program na ginagawa ko).

tapos ambagal pa ng PC kong magsave at magshutdown.

ako ata ung huling lumabas sa floor namin (at nakuha ko pang magCR, hahaha)

paglabas ko nangangamoy na sa lobby (asa 16th floor pala ako. ung sunog e asa 29th floor) tapos may usok usok na. parang fog lang sa baguio. tapos amoy kuryente/goma/sumthing.

ansakit sakit tuloy ng paa ko. nagstairs kami from 16th floor to 4th floor. may access na kasi sa katabing mall ung building namin sa 4th floor.

kasalukuyan daw nirereview ung cctv recordings. ayon sa mga nakakaalam, nagsimula ang sunog dahil may nagtapon daw ng upos ng sigarilyo sa basurahan ng cr ng girls.

so un ba ung “sumthing” na naamoy namin na nasusunog? eeew.


Responses

  1. hala… ingat sa ingat!

    buti oks ka… kampai na!!!

    • salamat!
      ok naman, nasudden exercise lang sa fire exit hehe.
      buti rin e naagapan agad ung sunog.

  2. baka may nag-iihaw lang ng isaw sa building niyo kaya ganun hwahahaha pero tenks ke Lord pa rin dahil walang napahamak sa inyo hehehe

    • daya naman nun kung ganun at hindi namimigay =p
      at sa cr talaga sya nagihaw? haha

  3. haha, chill na chill lng ah. haha! at yung “something”, nakuu, ang baho nman tlga nun pag nsusunog! yaikks!

    • oblivious lang haha.
      mas kawawa ung mga asa upper floors, samin onti lang ung usok e.

  4. nasunog yung pasador nila ate. Tsk!

    • bakit tsk? parang nanghinayang ka, haha

  5. naku at least alam nyo nang babae ang culprit.

    • at ewan ko kung nahuli na ba nila


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: