Posted by: Oliver Lee | May 15, 2010

Immaturity

Dahil ba hindi ka sumunod sa dapat at nararapat na gawin sa isang sitwasyon, ito na ba ung dapat na itatawag?

Dahil ba hindi ka sumunod sa tintingalang idealismo ng lipunang kinabibilangan mo ngaun, ito na ung klasipikasyon mo?

Kaya siya tinawag na idealismo dahil binuo sya ng mga idea ng iba’t-ibang tao. Nagkataon lang na marami kayong naniniwala sa ganitong pananaw kaya un ung nangibabaw. History is written by the winners sabi nga nila. ‘Tang nang majority wins yan. E pano kung ayaw ko? At wala namang masasagasaan kung hindi ko susundin ung idealismong un? Hindi pa rin pwede? Mali ba ako?

Pano kung ung idea na sinasabi mong dapat mangyari, ung sinasabi na dapat gawin sa isang sitwasyon e labag sa loob mo. Immature ka na? E labag nga sa loob mo, tapos gagawin mo parin. E di parang pinarusahan mo lalo sarili mo?

May mga bagay kasi na hindi na dapat sabihin o ipaliwanag. Hindi porke’t naimbibe mo ang properties ng mushroom e may utang na sau ang mundo na ikwento ang lahat ng nangyari nung hindi ka pa sumusulpot. Hindi ko utang sau un. At lalong lalong hindi ko rin responsibilidad na gawin un. Sana nakikiramdam. Alam ko walang pakiramdam ung mushroom pero hindi ka naman mushroom diba (although you look like one, and not those cute ones found in cans. more of the types that looks like wood) ?

At since ikaw ung may alam ng mga dapat gawin sa mga natatanging sitwasyon, e sana inapply mo. Para alam mo ung mga linyang hindi dapat tapakan.

Ok lang nung una e, kasi nga wala ka, palalagpasin ko dapat e. Pero nag tinikling kang gago ka e.

Buti na lang marunong akong magtype, at least dito ko nailalabas. O yan ha, I conformed with the fucking ideals of what I should do in certain situations.

At buti na lang e may nagaya saking kaibigan na manood kanina ng “Here Comes the Bride” (panalo si angelica, “Apir apir apir… Hindi na uso yan… Wisik wisik na lang… Masdan mo ang beauty ko… Tataas ang kilay mo…”, LSS ampotah). Kahit papaano e naiwasan kong magmunimuni sa mga nangyari.

Palalagpasin ko na dapat e.

Kaso naalala ko.

Putang ina.

That ideal enough for you?


Categories

%d bloggers like this: