Posted by: Oliver Lee | May 13, 2010

Random thoughts: JejoNoy, Election Thoughts, Indelible Ink, and Birthday

Sa huling tala ng GMANews.tv (sa GMA ako tumitingin kasi may direkta silang link sa COMELEC servers, saka maganda ung Election Dashboard nila e, hehe) where 84.02% na ng ER’s ang natatally (partial and unofficial), nangunguna sa bilangan si Noynoy sa pagkapangulo at si Binay naman sa pagkapangalawang pangulo.

I really love this representation

Medyo malaki na ung lamang ni Noynoy kay Erap, maglalaro sa 4M – 5M na din. Pero kay Binay at Mar halos 1M lang. Pwede pang humabol. Remember the Gloria vs FPJ thingy?

Anyway, kung si Binay ang mananalong vice president (sya lang kasi ung may catchy name e), angganda ng magiging combinations ng pangalan. Talo si Villaroyo. Ito ung mga napagusapan sa office:

  1. JejoRap – Binay at Erap. Parang Chicharap lang.
  2. JejoVi – Binay at Villar.
  3. JejoBo – Binay at Gibo.
  4. JejoDon – Binay at Gordon.  (ito ung pinakagusto ko, haha. parang pokemon lang)
  5. JejoPer – Binay at Perlas. Parang pagerper ang tunog, haha. (natutunan ko ung pagerper kay Mommy Ayie)
  6. JejoDdie – Binay at Villanueva.

Ito malupit…

JejoMby – Binay at Jamby. Pasok pa din ung jingle ni Janby.

Jejo-jejomby, Jejo-jejomby, Jejo-jejomby Madrigal!
.

****

Kung si Binay ang mananalong VP, kung ang America si Obama ang First Black President, si Binay ang First Black VP ng Pilipinas.

Ipahawak na sa kanya lahat ng departamento, huwag lang ang Department of Energy. Pag nagkabrownoutan, hindi natin sya makikita para sisihin. (ok, ok, hindi ako maputi, pero don’t you just love cracking those jokes?)

On a serious note, sana sa DILG sya. Mukhang mas applicable sya na hawakan ang department na un.

****

Biruin mo, 2nd si Erap sa tally. Pag siya ang nanalo, for sure pahiya tayo sa International community. EDSA EDSA dos ang Pilipinas tapos sya pala uli mananalo na presidente.

Gotta hand it to Erap though, lakas pa rin ang hatak niya sa tao.

****

Isang malaking clap-clap sa ComElec for a very successful election. Understandable na may glitches kasi 1st time, but all in all it was a good run. At least alam na nila ung gagawin sa susunod na election. Sana mas marepaso nila para sa 2013 senatorial elections e smooth sailing lahat.

Clap-clap din sa mga teachers, volunteers at MMDA na nagtatanggal ng campaign materials ngaun. Sila ung mga unsung heroes natin.

****

Ok naman ung election experience ko. Bali ung whole voting process ko e umabot lang ng 10 minutes. Wala kasing pila sa presinto at SIRA SI PCOS!

Ni hindi ko man lang natikman ang matamis na “Congratulations!”

Pinahulog na lang sa may drop box sa PCOS ung ballots namin to feed later.

Hindi ako in.

****

Nung bumoto pala ako e kulang na lang e idip ung daliri ko sa Indelible Ink. Ewan ko kung anong trip nung teacher pero parang sayang saya sya sa pag lagay ng ink sa kamay ko. Kala mo di kita kilala?! Naging teacher kaya kita nung 1st year HS ako (may ibibigay sana akong clue kaso baka nagbabasa un hehehe)! Anong trip mo sa daliri ko Ms. F_____?!

May 10 - nagswimming sya sa Indelible Ink

Hanggang ngayon meron pa rin.

May 12 - Ink or Booger?

Sabi nung officemate ko, ung kaibigan nya daw, pagkatapos maglaba, nawala na ung ink. Try ko din daw para mawala. Sabi ko ok lang, kahit magtagal na sya. Magaalibi na lang ako na napukpok ako ng martilyo.

Gusto ko na syang palitan ng pangalan na “Indestructible Ink”. Dapat “The Incredible Ink” e kaso hindi sya green. Teka, may sipon pala ako ngaun, hmmmm…..

****

Birthday pala ng tatay ko ngaun. Haberdey Papa! At since eligible ka na for a senior citizen’s discount, kumuha ka na ng Senior Citizen’s Card para ma take advantage na natin ang discount, bwahahaha!

Bday boi and Sachi


Responses

  1. yey base aq!!
    at salamat sa mga kababayan na nagpatrol kaya nging maayos at wlang dyaan ang nangyri.. eh lahat ba naman nakatutok eh ewn q nlang kung my mandaya p!!
    prang patay lng ang kuko mo ayyy!lol

    happi bday ky padir🙂

    • hay, lahat sa bahay wala ng indelible ink. ako na lang meron.
      pepentelpenan ko na lang ung kuko ng aso namin para hindi ako nagiisa, hahaha.

      • wahhhh nandamay kapa tlga!! ahaha (kawawang aso) ehehe

  2. sabi nga nila… once you go black you can never go back… kung ang us may 1st black president tayo may first black vice president din🙂

    ayoko ng bumoto, parang may patay na kuko hahahaa

    • ampangit, parang may namuong dugo sa loob tapos blue na blue pa rin ung skin sa dulo. Avatar? hahaha

  3. Hahaha grabe naman yung edible ink andami dami. Halos binura nya yung kuko mo. Anu yan, cutics???

    • haha, edible ink?
      baka may production ng avatar sa skul namin, akala nya studyante uli ako kaya nlagyan nya ako ng mdaming edible ink na yan!

  4. Buti ka pa matiwasay na nakaboto! Ang saya at ang indelibol enk mo ang dami dami. Anu kaya kung ang sperm cells ay naging indelibol enk san kaya ito mag mamantsa? LOL

    • secret…. hahaha.

  5. Sure kang indelible ink pa rin yan? Baka naman pasa na yan.. =D

    • iniisip ko nga kung pinagttripan lang ako sa bhay e. Tipong pag tulog ako, secretly nilang kinukulayan ung daliri ko.

  6. hala hahah, JejoMby ang pinakapatok hahaha

    • ayaw mo ng JejoRap at JejoDon? =p

  7. clap clap din sa yo at pinag-isipan mo ang mga combo names. and yes, marami pang fans yang si erap. dahil ang mga nasa probinsya ay pilipino rin. wala nga lang sila sa net kundi nasa palayan, mga iskinita at palengke. that’s the beauty of democracy. masu-surprise ka na lang hehe.

    • haha, hindi lahat un e galing sakin. Usapan lang sa office, hehe

  8. At dahil comments off ka sa latest post mo, dito ako magrereact haha. antigas ng ulo ko. galet na galet uminom ka muna gatas tanggal yan. tapos mag new post ka uli pero yung may comments na alright? asus


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: