Posted by: Oliver Lee | May 7, 2010

Tanong ver. 2

May version 2 sya dahil nagamit ko na pala ung title na “Tanong” dati.

Tuwing makakasalubong ako o makikipagkita sa isang dating kakilala, ung tipong matagal ko ng hindi nakita, alam na alam ko na ung mga itatanong nila sa akin. Kahit pala sa mga social networking sites tulad ng Facebook, ito rin pala ung mga panimulang bati (what the hell happened to hi’s and hello’s people?). Ok, hindi naman sa alam na alam na tipong psychic-like pero meron na akong vaguest hints ng itatanong nila. Siguro kung magkakaroon ako ng P100 kada bibitawan nila ung mga tanong nila sa akin, andami ko na sigurong pera ngaun.

Unang Tanong: “Antaba mo na ngaun a! Bakit antaba mo ngaun?”

.

Ito ung asa top kung irarank ko ung mga tanong. Kung mala-Family Feud e sya ung top answer. Sa totoo lang, hindi naman ako naooffend dito. In fact, may onting smile at proud feeling (pero onti lang un) na nararamdaman kapag binabanggit ang mga nasabing salita (wag mo na lang pansinin ang tyan. I’m “trying” to work on it, ok?). Sinasagot ko na lang ng “may pangkain na kasi ako ngaun” para medyo mabigyan ng sagot ung tanong na bumabagabag sa kanila.

Hindi ko rin naman sila masisisi. Dati kasi e sobrang payat ko. Borderline to tingting na. Tipong pag tumagilid nawawala, ala Kim Chiu. As in para akong inatake ng tipus/malaria/dehydration/starvation all in one go. Ayoko ng magpost ng piktyur dito, mahal ko pa buhay ko. May mapanhawakan man lang akong dignidad (kung meron man) kahit onti, hehe. Ganito, para mapicture out mo kahit konti kung gaano ako kapayat, ito ung exact words ng bestfriend ko (sya ung panghuling comment, na hindi ko alam kung saang lupalop ng mundo nagcoconcert-concert ngayon):

Isang Napakabait na Facebook Comment

Ginamitan pa ako ng medical term na kelangan kong iresearch. Pramis, niresearch ko pa yan nung sinabi sa akin kung ano yang Marasmic na yan. Suffering from a disease daw called marasmus

Marasmus /ma·ras·mus/ (mah-raz´mus) a form of protein-energy malnutrition predominantly due to prolonged severe caloric deficit, chiefly occurring in the first year of life, with growth retardation and wasting of subcutaneous fat and muscle.

– from Medical-Dictionary

Nag-nursing lang at nagbasa ng medical books, may bago ng term na panlait. At least na apply nila ung pinag-aralan nila diba? O eto pa isa.

Ganged up on Facebook

O diba, ambait nila? Caption pa lang ulam na. Tapos nanay ko si Angelina Jolie? Un ba perks nun?

Pangalawang Tanong: “Saan ka na nagttrabaho?”

.

Generic itong tanong na to hehe.

I think lahat naman tayo, nung pagkagraduate ng college (sa mga grumaduate na ng college, sana makarelate ka, sa mga hindi pa, read the future, haha), inisip kung ano ba ung gusto nating maging. Un tipo bang, ano ba talagang career ang gusto ko. Lalo na sa kurso na tinapos ko (At kung ako si Marian, ang sasabihin ko ay “I’m an Information Technology”), sobrang daming choices on what field to practice. Mahal ko naman ung kurso ko, at un naman talaga ung gusto kong kunin, pero, un nga, hindi ko alam kung anong tatahakin kong landas. Anong mangyayari sakin after kong gmraduate?

Sa pagkakaalam ko, ako ung unang nagtrabaho sa amin pagkagraduate. As in one week after graduation, nagtrabaho agad ako. Ayoko kasing matengga sa bahay, mamamatay ako sa bagot. Tanda ko pa, May 1 ang start ng aking buhay empleyado. Labor day na labor day diba?

Ung current ko ngaun is pangatlong lipat ko na na trabaho. To make it clear, pangatlong kumpanya, pangapat na trabaho. Weird ba? Ganito kasi un.

Nung pinasok ko na ung work na inapply ko sa present company ko, dun ko na narealize na un ung gusto kong gawin. Ansaya diba? Not only was I enjoying what I was doing back then, I was also making a name for myself na. Kumbaga sa negosyo, nagkapuhunan na ako. Tapos aun nga, kung kelan maganda na ung takbo ko, saka naman ako napunta sa kung ano mang meron ako ngaun. Nagkaroon kasi ng something something sa department. Naging magulo, kahit ako ayoko na ding makisawsaw. Come what may. Nadissolve ung department namin. So ang nangyari, bagong job assignments. Hindi naman ako makapagresign kasi natali ako.

Ang weird kasi kung ano ung hindi ko inaapplyan at pilit kong iniiwasan na type of work nung nagaapply apply ako, andun ako ngaun sa kalagayan na un, ginagawa ang trabaho na pinilit kong layuan. As in tinuturn down ko talaga dati ung ganitong klase ng work. Hindi ko rin alam kung bakit ba ako hinihila ng ganitong tipo ng trabaho. Kaso, since ung type ng work na un ung pinakamalapit sa expertise ko, and I was practicing it albeit minimal, un na ung binigay sakin.

Don’t get me wrong, kahit papaano e gusto ko rin naman ung ginagawa ko. Nageenjoy naman ako (uuuy, sabay bawi, pero pramis totoo to) and I’m learning new things. Mahal ko ung trabaho ko ngaun dahil nauutilize niya ung utak ko ng isandaang porsyento, haha. Natutuwa rin ako sa sense of accomplishment na nakukuha ko pag may natatapos akong mga projects (at binibilisan ko talagang tapusin ung mga projects kasi may ipapadagdag sila, walang mintis un. At para makapagbloghop/FB agad ako, hehe), at may paminsan-minsang petiks mode din pag walang project, haha.  Itinuturing ko na lang na blessing in disguise ang nangyari sakin. Una, kahit papaano e hindi ako nawalan ng trabaho nung nadissolve kami. Hirap kaya walang trabaho ngaun. Pangalawa, I have two paths to follow.  Mas marami na akong options. Pagdating ng araw, makakapamili ako kung anong landas ang gusto kong tahakin.

Pangatlong Tanong: “”?

.

Wag na ung pangatlong tanong, kthnxbye!


Responses

  1. Una, may pait ka sa tanong number 1 hehe😛 pero aminin mo mas okay na may laman ng konti kesa naman tingting!
    Pangalawa, Oo nga, bakit ganun? minsan sa ayaw natin tayo napupunta pero narerealize natin in the end gusto din natin pala hehe🙂
    Pangatlo, parang gusto ko ako magsimula nung pangatlong tanong!!! hahaha =))

    • Point-by-point talaga?
      Una, totoo ung sinabi ko at walang halong ampalaya un. Huggable na ba?
      Pangalawa, i have no effin idea.
      Pangatlo, shaddap or imma moderate dem comments here.

      • Guys, pinaka-interesting yung 3rd question…!

  2. So nasang field ka ng Information TechnologIST?! Isa ka pang Network Specialty (parang ulam lang) NOC, Or isa kang Programming? Or isa kang humble na IT Infrastructure support?

    • Kasalukuyan pong ako ay isang programming, haha

  3. ung unang tanong… ganyang ganyan din ang mga tanong saakin ngayon… hehehe hindi ka nag-iisa! may kasama pa yung “ANONG NANGYARI SAYO?” sarap batukan hehe

    • oo nga, yan pala ung kakamping question nyan. Kumbaga sa ulam, yan ung sabaw. “Ang taba mo ngaun? Anong nangyari sau?”

  4. Third question! Third question! Third question! repeat 100x

    • so ilabas ang pagiging programmer? haha. Isa lang ang katapat nyan sa language namin.

      EXIT.

      • Haha! Cge Oracle version..

        BEGIN
        FOR x IN 1..100 LOOP
        DBMS.OUTPUT.PUT_LINE(‘Third question!’);
        END LOOP;
        END;

        Nxt time na yung C and Java hahaha!

  5. ang boring nung first two questions😀
    ung third anu ba? no idea at all *rolling eyes*

    • and lets keep it at that, tenkyu.

  6. I have the same problem sa question number one. Tama lang ang katawan ko noon pero ngayon pati mukha mo lumobo, ang unang reaction ng mga long lost “friends” ay “Ang taba mo!”

    Ayun, hindi ko na sila friends. Hahaha

    • Pinagiisipan ko pa kung ganyang path din ang tatahakin ko tulad ng sayo, hehe.

  7. Sakin hindi na ko na gugulat dahil ganyan din ang tanong parati. Pero alam mo ba na sabi nila as you age papuntang mid twenties dyan daw nag ga-gain ng weight talaga ang YP’s, not sure though kung merong basis ito…

    hihihi

    Kthanksbye

    • actually, napansin ko nga din.
      pinagisip mo ko dun a.
      at tignan natin kung merong chant o ritual na pangontra, haha.
      sige, ireresearch natin yan, hehe

  8. 1st question: “san ka ngayon”?
    — trabaho? lugar ba ang inig sabihin?

    intriga ako sa 3rd question hahahah

    • more of trabaho i think.
      applicable lang ung lito kung work o place kung sa chat kayo naguusap hehe.

  9. ahaha.. dhil sa mga skulmate q ang nsa fb q.mdlas na unang tanong maliban sa musta ahaha ay “san ka ngyun?”.. eh kc naman eh sinakop na ata ng pinoy ang buong mundo! watak watak! ahahah..

    happy mothers day sa mommy mo =)

    • haha, worldwide ba?
      apimadersday din!

  10. kinakarir na yan kthanksbye na yan ha. pareho pala tayong toothpick nang bata bata pa. kaya naman ngayong sinasabihan akong tumaba rin ako eh compliment talaga. parang lubos na akong tao. nag maersk ka daw pala dati?

    • yes. nagmaersk ka din ba?

  11. minsan ayoko ng tanong na “bakit antaba mo ba?” lalo kung nagpapapayat pala. lol

    • ansarap batukan sa noo no? hahahaa

  12. Oi! Wala ka bang bagong post…? Nilalamangan ka na ni Ann… =D

  13. di. si kaibigang ahmer ang taga dun. tinext lang sa akin.

  14. dahil ang building ko ay sa tapat lang ng wynsum dati. pero nasa makati na ko now eh.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: