Posted by: Oliver Lee | May 3, 2010

Random Thoughts: Memory Retention, Ordering at Starbucks, and Banana Mango High School

Pinapangunahan na kita, isa itong napakawalang kwentang post. Wala kasi akong magawa. Kaya mabuti pa ay magpunta ka na lang sa mga porn sites at baka magenjoy ka pa. Susubukan ko lang magsulat ng kung ano ung unang papasok sa utak ko, tapos titignan ko kung ano ung mangyayari.

Pakinggan mo na lang ito habang nagbabasa ka. Maganda ung lyrics. Makakatulong sa iyo. Pramis!

***

Binisita ko ung website ni Andoyman at nainggit ako sa post nya. Lahat kasi ng detalye at pangyayari, pati mga pangalan e natandaan nya. Sabi ko nga, para lang syang pumapak ng MemoPlus Gold sa sobrang detailed nung kwento nya nung meetup with xG.

Wala akong talentong ganun. Matandain ako sa mukha, pero hindi sa pangalan. Lalo na ung pag di ko laging nakakasama o once ko lang nakasama. Hindi ko din alam kung bakit ako ganun. Minsan may tatapik na lang or maghi or magsmile na natatandaan ko naman ung mukha pero hindi ko matandaan ung name nya. Minsan matatandaan ko na lang ung name niya kapag tapos na kaming maghi or kumustahan or pag nakalayo na ako. “Ah, si blank un!”

Swerte minsan pag galing sa trabaho tapos may ID o nametag na nakasabit o nakadikit. “Hi! I’m _____. How May I Help You?” Andun na e, basahin ko na lang di ba? Malas kung employee number lang nakasulat sa ID. Malas din pag nanghiram lang pala sya ng nametag. Or may kulang na letra dun sa nametag nya.

Pag naalala ko naman e inuulit ulit ko na ung pangalan, haha. “Alam mo ____,”, “Oi ______,” at kung ano ano pa. Buti na lang e sa mga instance na may nakakasalubong ako na hindi ko matandaan ung pangalan e hindi nila ako tinatanong kung ano ung name nila. Kasi magiisip ako ng pinakamabahong pangalan na papasok sa utak ko para ibansag sa kanya. “Ping Guerrero”, “Jogalyn Dimagiba”, “Rey Piñoco”, “Anabelle Lot”, at “Beny Bilang” ang magiging isa sa pangalan ng magcchallenge sa akin na alalahanin ang pangalan niya. At paninindigan ko un. Tipong pagorder sa Starbucks o sa kung ano ano pang establisyimento na kumukuha ng pangalan mo tuwing oorder ka, un ang ibibigay ko.

***

Balikan ko lang pala ung Starbucks chuchu na sentence ko kanina. Ung isa ko kasing friend, nakwento nya sakin na minsan e nanttrip sila sa Starbucks. Tipong “One Choco Frappe For Ever“, “One Tall Sumthing (sensya na Choco Frappe lang alam ko) For Yu“, o “One Something Something For Mi“.

Wala, nashare ko lang. Baka may naiisip ka pa kasing pwedeng idugtong pangtrip sa Starbucks.

Ang laki ng naitutulong ko sa lipunan no?

***

Nagpunta pala ako ng Quiapo kanina. Sinamahan ko ung friend kong si Batchi para magpagawa ng salamin. Gusto ko din malaman kasi kung saan sa Quiapo nagpapagawa kasi mas mura dun. At syempre since asa Quiapo na kami ay nagcheck na kami ng mga dibeedi. Wala akong magustuhan na magandang panoorin. Gusto ko din kasing tapusin muna ung series na pinapanood ko bago ako magsimula ng iba. Bilang pagbigay-galang sa Lost at 24 e tatapusin ko muna sila bago ako magaccomodate ng bagong shows (nice, ang gandang pakinggan a). Meron na pala akong isang nakalineup at un ay Fringe. Pnpwersa na kasi akong panoorin un ng mga kaopismate ko sa kadahilanang kailangan nila ng tigadownload ng bagong episode. Bumili na ako ng season 1, kaso di ko pa siya pinapanood. Wala din naman akong makitang anime o cartoons na gusto ko. Naghahanap ako ng season 2 ng Futurama kasi sira na ung DVD ko. Talk about overusage.

Speaking of Anime, naghahanap ako kanina ng DVD ng Mojacko at Dual. Kung alam mo yang parehong anime na yan, kewl ka sa paningin ko. Kaso wala, matagal na din kasi. Ung Mojacko gusto ko, kung meron, e ung tagalog na DVD. Maghahanap na lang ako sa net ng Dual (pinapalabas siya dati sa AXN at sa Animax nung bago bago pa lang ung cable channel). Baka meron sa torrents, hanapin ko na din lang. Sana meron nung english version.

Nga pala, kung naghahanap ka ng gustong mapanood na short na series, tipong 12 eps lang, inirerekomenda ko ang “Shimokita Glory Days”. Japanese midnight show siya based on a manga. It’s about a guy who needs to review for a college entrance exam but to make ends meet, he has to live and serve in a house with five beautiful women. Naglipana sa torrents ang palabas na may english subs. Kung napanood mo na ito, apir tayo. Kung hindi pa, hala sige magdownload ka na. Pramis ko sayo, apir na apir ito. Hindi siya bastos, under sya ng category na sex-comedy.  Ok, slightly bastos sya, may onting nudity, pero comedic ung effect. Kung hindi pa rin kita naconvince dun, dalawang salita lang ang masasabi ko sau para panoorin mo sya — “Sora Aoi”. At para hindi ka mahirapan, narito ang mga link.

***

With connection sa above, nakita ko lang ito sa youtube. Andyan si Sora Aoi, Mag-enjoy at ma-LSS ka sana:

Banana Banana, Mango Mango, Banana Banana, Mango Mango, High School! High School!

O diba! Anong binatbat ng Viva Hot Babes + Sex Bomb + EB Babes + Ba Ba Boom Beauties + ASF Dancers natin combined?
Takdang Aralin: Bilangin kung ilan ang nagpeace sign sa dulo ng MV.

Advertisements

Responses

  1. Sakto lang… naghahanap din ako ng walang kwentang babasahin eh.. =D

    • buti naman at nakatulong ako sa yo

  2. wahh.. buti k nga ntatandaan u p din ung feyz! aq nga kht neym or feyz hnd q mareremember! maliban nlang kung crush q! ehehe.. tska kung my katanda tanda sa feyz nya! ahaha.. oo! gnun aq kaulyanin! filing q nga minsan my sumthn na s brain q at gnun aq 😦

    gndang umaga jan sau olyabut!

    • Ganun? Sadyang maliliit ang kapasidad ng utak natin? haha!

      Good “Insert-time-of-day-here” din sau dyan! (i think madaling araw na senyo as per time of writing ko)

      • wahahah. prang cnb mong zzzzz.. tayo!! ahaha..

        ulyanin lang!! ahaha

    • Borderline, hahha

  3. nyaha..natutuwa lang ako sa mango, banana, high school!!!! sabog ang viva hot babes at warak ang sex bomb dancers!

    nga pala…exlinks tayo ! nyehe

    • ayus ba? hehe
      ok, xlinks it is!

  4. hahaha… tama ang sinabi mo hihihih

    • alin dyan? hehe

  5. magmemorize ng pangalan di ko talaga kakayanin. nakakalimot talaga ako.
    waaah!
    may problema na nga kasi ata memory ko eh!

    yung starbucks shiznits mo! ewan ko sayo! wahahaha!
    ang productive mo!

    dibidis! ay grabe lang ako magshopping ng dibidis. wasak ang bulsa! hakhak!

    • Wow, I am not alone!
      Sa ganyang paraan lang ako makakatulong sa lipunan, hehe.

  6. adik! ahahahaha
    :p
    pumapak ng memoplus ka dyan! ahahaha

    • Totoo naman e, haha

  7. Mahaba nga. hehe

    • ang alin? haha

  8. One mocha frappucino for FREE : )

    • oi bago yan a, haha. Magamit nga.

  9. Natawa naman ako sa name na Jogalyn, magamit nga sa Starbucks pang-trip.

    • Hehe. Dapat isama mo ung surname ha. Malapit na Haberdey mo! san tayo?

  10. hahahha! ttry ko yang tips mo about starbucks. hahaha adik lang, at yung banana, mango,highschool video, masyadong pinagpala ang mga chikabebe! walang panama ang mga viva hot babes!

    • astig diba?
      walang panama ung mga local natin

  11. Oist ang tagal ng susunod mong post hindi ko alam i kokoment ko dito eh ahahahah

    • May ginagawa ako, wait ka lang dyan, haha. =p


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: