Posted by: Oliver Lee | April 24, 2010

Ang Alamat ng Plastic Bag

Isang araw (which is ngayon) e dinayo ko ang napakalayong kaharian ng Trinoma dahil sa isang rason:

.

.

.

.

MAY T-SHIRT AKO FROM CHIKSILOG.COM!!!!!

Isa ako sa mga makakapal ang mukhang nagkaroon ng t-shrit sa pakontest nya. So ayun nga, dinayo ko ang kaharian ng Trinoma dahil doon magmemeet akording sa email at ako ay nabiyayaan ng stub number :


Wag mo ng iprint, gamit na yan

So ayun, anyway, nakarating ako ng Trinoma ng 1630H (kung tama ang tantya ko). 1500H- 1700H daw kasi ang distribution of shirts (parang sportsfest lang, haha). So paglabas ko ng MRT, pumasok na ako ng Trinoma at naglakad-lakad. Nung nakarating na ako sa may bilog (na hugis-itlog, damn that song stuck in my head) e pagtingala ko e nakita ko ang Coffee Bean and Tea Leaf kung saan daw magkitakita.


Love Letter kuno

Ang sabi ko sa sarili ko: “Wow, hindi umandar ang pagkatanga ko at likas na walain. I actually was able to find the place without getting lost!”

So umakyat na ako at tumungo sa Coffee Bean. Tapos syempre tingin-tingin ng taong may dalang malaking plastic bag. Expect ko kasi may makikita akong babae na may dalang plastic bag with t-shirts sa loob. Nung nakita ko ng lahat ng tao na nakaupo dun e walang dalang KAHIT ANONG bag, nag-alala na ako.

Buti na lang may concierge sa may tabi ng coffee bean. So nagtanong na ako.

Oliver: Miss, san po ung upper deck.

Concierge Lady: Ano po ung upper deck?

At kinabahan na ako. Inisip ko kung ilan ang Trinoma sa Pilipinas. So iniba ko na ung tanong ko.

Oliver: May iba pa po bang Coffee Bean dito?

Concierge Lady: Sa may garden po, diretso lang po kayo.

So, ayun, hindi pa rin pala nawala ng panandalian ang aking walain powers. So naglakad na ako at nakita ko na ung Coffee Bean sa may garden. Ang masaya dito, madaming tao. May mga bag namang dala ung iba. Purses, backpack, sling bags, pero wala akong nakikitang PLASTIC BAG! Pasensya na, yun talaga ung ginawa kong pananda para makita sya. Sa sobrang katalinuhan ko, naisip ko ang following:

1. Hindi ko pnrint ung stub. Sinave ko lang sa cellphone ko kasi sira ung printer namin.
2. Wala palang sinabi kung saan mismo sa coffee bean. Sa loob ba, sa labas, sa may mga puno.
3. Wala ding sinabi kung anong suot nya (kulay, anong damit).

And last but not the least….

4.  HINDI KO KILALA SI xG!
.

.

Hindi ko alam kung ano itsura, amoy, kilos, pananalita o kahit ano pa mang pisikal na aspeto meron sya. Pano ko aalamin kung sino sya sa mga taong nakaupo sa loob at labas ng Coffee Bean. So dahil narealize ko ng onti ang aking kabobohan, pumasok ako sa loob at chneck kung may mga dalang plastic bag ung mga tao. Ganun din ang ginawa ko sa mga taong nakaupo sa labas. Syempre, pasimple lang ako kasi baka pagkamalan akong isnatcher or sumthing.

So dahil umandar ang aking pagkaeng-eng, pumasok muna ako sa loob ng katabing powerbooks at baka maambunan ako ng talino ng mga tao dun. (BTW, andun sa loob si Jon Santos para sa book signing ng bago nyang libro kaso nahiya ako saka andaming tao, hehe).

Tapos inisip ko kung pano ko kaya malalaman kung sino sya sa mga tao dun. Inisip ko si Leonard, friend nya kasi si xG. Kaso asa Singapore un, at baka hindi naman sya online. Tapos inisip kong replyan sa email si xG, kaso pano pag hindi nya agad nabasa. So inalala ko ung site nya. May twitter nga pala siya! Baka meron dung detailed instructions!


Chiksilog.com

Ang nakalagay lang e asa Coffee Bean na sya at handa ng mamigay ng t-shirt.

WTF! Pano to? I just keym hir por nating?!

So ang ginawa ko e tumambay ako sa may railings dun sa may garden sa tapat mismo ng pinto ng coffee bean. Meron palang isang grupo sa may labas na parang nun lang nagkita kita (tsismoso ampf) kaso wala namang namimigay ng t-shirt, at wala din ako nakikitang plastic bag sa mga gamit nila.

Binuksan ko sa aking trusty celfone at naglogon sa twitter. Nagfollow ako para ma DM ko sya, kaso biglang may nangyari.

May nakita akong pumasok na babae (pwede na akong P.I., haha) na may hawak na maliit na papel. Tapos may pinuntahan sa sulok, pinakita ung papel. Naaninag ko na may maitim (sa papel! May maitim sa papel!) tapos may mukha. Logo ni xG. SCORE!

So lumapit na din ako at buti na lang e tama ang hinala ko, haha. Finally, nakuha ko na din ang t-shirt ko, na-meet ko si xG at iba pang bloggers. Natuwa ako kasi ang friendly friendly nila, hindi ako naOP. Partida, hindi ko pa nabibisita ung mga blog sites nila, ung kay xG lang, haha. Aun kwentuhan lang ng kung ano ano at palitan ng kanya kanyang war stories. Syempre may piktyur taking:


Hindi ko inaasahang ganyan pala talaga itsura nya.


Isa pa. Para sure lang.


Aun o naging si Anne Curtis! Hahaha!

Salamat xG sa treat at t-shirt! Pramis nagenjoy ako sa pagtambay. Buong akala ko e kukunin ko lang talaga ang t-shirt, di ko inexpect na mageenjoy ako at magsstay kahit inaaway na tayo ng guard ng Coffee Bean dahil sa Krispy Kreme, haha. Salamat din kay Andoyman at Yeye (nahiya ako, ako lang ung may mahabang address, ggawa na din ako ng easy-to-remember na address) saka ung magkapatid na bloggers (nalimutan ko ung name nyo, Sori! Di kasi kayo nagstay e, yan tuloy ^__^), nagenjoy ako pramis! Ito pala ung shirt:


Papaframe ko dapat to e, hehe


Isusuot ko to bukas!

Nga pala, ung plastic bag ay nakatago sa likod ng upuan kaya di ko nakita.

The End!



Responses

  1. Puntangena baket ako hindi ko nakita sa XG!!! Kras na Kras ko pa naman sya… haist!

    • kaw e, di ka sumali. E di sana nagkita na tayo para malibre mo ko, ehhe

      • Eh kasi hindi ako umabot, nakita ko yung shirt mo sa facebook! Parang Maluwag kaya dapat extra small ang hinigi mo para bumakat ang mga maskels mo ng kaunti. GO!

      • pinaluwagan ko talaga. ayoko ng masikip. ang init init ngaun e, hehe

  2. Naks naman haha! Nkita ko ung pinaghirapan mo na entry dati🙂 congrats!

    • maraming salamat! At may bago na akong damit, =p

  3. wahahaha. ayos ayos ayos. buti at hindi ka masyadong nawala wala ako. pero kung ako dyan malamang nawala na ako kasi kasi kasi hindi pa ako nakakarating sa ano eh sa trinoma. hakhak!

    ang ganda ni ate xg! hakhak!

    • anne curtis no? haha.

  4. di ako maka-relate pero ok lang. kasi alam ko yang kaharian na yan. at talagang di mo na kinolor correct ang balat ni anne curtis.

    • hindi ako marunong magphotoshop. tamang cut and paste lang ang kaya ko, hehe.

  5. Cute ng shirt. :)))

    • Thanks kay xG. at thanks din po sa pagbisita, bisita kayo uli, =p

  6. Naks, congrats YABUTS!!! Clap clap clap! Apir!

    • Aha! Ikaw pala si Moxy! Kilala na kita! Kelangan na nating iactivate ang friday club, miss ko na ang malalamig nating “friends”.

      • haha si mond yan nagcomment na yan! =)) nanalo ka pala sa contest ni XG kongrats!!😛

  7. hehehehe…

    siguraduhin mong itatago mo yang tsert mo… dahil CA-CARNAPIN KO YANG TSERT MO BUHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!!

    • e pano pag suot ko? kasama ako sa karnap mo? hehe

      • hinde… maiiwan ka… selective carnapping ang tawag jan hahahah

  8. naksss. congrats! ang cute nung shirt! hehe

    • yes. tenkyu!

  9. NAKS! Congrats! Hindi lang dahil sa Tshirt! pati na rin sa pagkakakita mo kay xG!

    Now u know na nagkalat sa internet ang pic at video nyang si Xg sa youtube, kaso iilan lang nakakaalam na cya si Xg! ehehehehehehehe

    Humanda kayo this year may pasabog kami ni Xg na gagawin! hopefully matuloy!

    • Haha! Pinagkwentuhan ka namin. Hindi ka daw nya bbgyan ng tshirt kasi wala kang entry.
      At kung ano-ano pa…. hahahaha

  10. naaalala ko pa yung mga panahong ayaw ni shena magpakita sa mga tao. nung anti-social pa siya. ngayon unti-unti na siyang naglaladlad. haha. malayo na ang narating ng mukha ni shena. haha. congrats =)

    • Ikaw Doc! Aligaga ka! Kung saan saan kita nakikita nagkalat lately! wahahahahahaha

      Kamusta ang Hot Doctor ng Pilipinas?

    • maraming salamat po! Tenkyu din sa bisita.

  11. LIKE🙂
    nice meeting you po🙂
    magkasunod pala tayo ng stub number🙂

    • haha, maraming salamat po!

  12. kapal ng kilay ko

  13. kapal ng kilay ko :8

  14. taray ha


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: