Posted by: Oliver Lee | April 19, 2010

Much Ado About Nothing

Lately, (which means kanina lang) napagisipisipan ko na ung mga recent posts ko pala e tungkol sa mga pinupuntahan ko. Nagpunta sa ganito, kumain sa ganyan, nanood ng ganito, parang wala na ung random thoughts (na asa title ko naman, at binibigyan kita ng 3 seconds para icheck… 1…2….3…. ok na? ok balik na tayo) na dapat e inilalagay ko dito. Umasa ako masyado sa mga pinupuntahan ko para may maishare sa inyo (at naisip ko din na care nyo naman kung san ako nagpupupunta dba?) at mai-blog.

Kaya ayun, kanina e nagiiisip ako kung ano bang thought meron ako ngaun. Strong opinion na pwedeng ishare. Good wisdom o aral sa buhay…. teka, wala kayong maaasahan sakin na ganun. O basta un, magfocus na lang kayo dun sa unang dalawang sinabi ko. Siguro naman kahit papaano e may ganun ako. At ito ang naisip ko:

Kewl ba?

At dahil sa wala akong naisip e naisipan kong maghanap ng sounds na ganyan, at ito ang nakita ko. Akalain mong iba-iba pala talaga ang sound nila sa iba’t-ibang bansa. Nakakatakot ung mga German, parang straight from a horror movie lang. Isipin mo pag may ganun kang maririnig dito sa Pilipinas, either tiktik or manananggal ang iisipin mo.

Magtrip kaya ako. Save ko as mp3 tapos uwi ako sa probinsya tapos iplay ko sa gabi, hahaha.

****

Nababadtrip na ako ng onti sa wordpress. (WordPress, nababasa mo ba ito? Ha?!) Ang hirap magshare ng kung ano anong ewan. Most kasi e nakahtml, e sensitive si wordpress, ayaw nya ng html plug-ins. Boo!

Biruin mo, maguupload ako ng mp3, ayaw. Buti na lang nakita ko si Fileden.com (hindi ito adbertisment, snshare ko lang kasi baka may mangailangan din) na pwedeng maghost ng files at ng kung ano-ano pa.

Ang isa kasi sa inayawan ko sa blogspot e hindi ako makagawa ng post using Word. Si wordpress, 1 click lang. Tapos pag nagaadd ako ng media file e kuntodo drag ako sa image, mp3, or video para lang malagay ko sya sa dapat nyang kalagyan. Nasolve naman un ni wordpress, kaso nga, aun, at the cost of my html plug-ins. Wala tuloy akong cbox.

Ayoko namang mag-datkom/file host, ayaw kong gumastos (Hi Leonard! Remember our talks? Haha. Ayoko pa talaga gumastos at di ko pa nakikita ang magiging benepisyo sakin ng pagiging datkom). Besides, bano ako sa pagdesign ng website. Kung magggawa ako ng site, black at white lang ang makikita mo, puro sourced pa kay google images ang mga piktyurs pangdesign. Stick drawings lang ang kaya ko, ampangit pa. Stick drawings na pangit, ako lang ang may talento nun.

Pagttyagaan ko muna si wordpress, may fileden naman akong nakita e, pero one of these days, sumosobra ka na, i keel you….

****

Pang 49th post ko na pala ito so naisip ko dapat e medyo kewl ung 50th post ko. May ipopost na ako, kaso wala pa ung dvd ng pics na nakuha courtesy of Zaide (kasi naman, convert mo na sa photoblog ung blog mo. Teka, bakit ba ang pakielamero ko?). Pag-aaralan ko na din kung pano gumawa ng slideshow dito na IAALLOW NI WORDPRESS (haha, ampf, antindi ng galit) para maishare ko senyo. Naisip ko pala na dapat e eeengglizh ung language na ginagamit ko pag places kasi may porengers pala na nagbabasa. Tulad nung sa Palawan misadventures namin, hanggang part 1 lang ata sya, hehe, kasi ung part 2 tagalog na, tapos part 3 english uli, ewan ko kung ano ginawa nya nung 2nd day.

OO, ung pinuntahan ko ung isshare ko as my 50th post… For a change lang ba….

Advertisements

Responses

  1. haru kuliglig ba yan??? parang nasa bukid lang hehehe

    wait ko ang 50th post mo… :0

    • yes, haha. Buti na lang hindi German ang mga cricket sa Pilipinas, nakakatakot ang sounds, ahha

  2. Gandahan mo yung 50th post mo ha!! 😛

    • I’ll do my best na wag mambasag, ehhe

      • wag ka mambasag!!! :))

  3. Buti nalang shinare mo yang site kasi problem ko rin pano mag upload ng mp3 sa site ko, potangena pag kumakanta me napipilitan pa tuloy akong gumawa ng video. Salamat sa info.

    Kthanksbye!

    • hindi rin ba pwede sa blogspot?
      Kasi daw, music video na ang gawin mo.

  4. Haha, actually medyo naiinggit nga ako sa Wodpress users eh. Ang professional kasi ng dating, pang writer kasi talaga. Yung Blogger kasi parang more on Casualan lang. Kaya super user-friendly! Pag kukuha ka ng sarili mong domain, kailangan maintenance nun. Haha goodluck!

    • Sa blogpsot kasi flexible, either pwede mo syang ipresent as casual or professional din.
      Ayokong gumastos, period, save, no erase, haha.

  5. Animal, katakot yung German crickets. ASWANG.

    • haha. pramis, gusto ko syang isave sa celfone tapos ipplay ko sa province pag gabi na, haha

  6. words of wisdumb? lol! peace batchi!

    • yes, you nailed it batchi!

  7. at ako naman nababadtrip sa dotcom ko. hindi ko alam kung paano ilagay ang music sa mga entry ko. alam ko yang fileden.com na yan. ekshelli ginamit ko rin siya ng wordpress pa ako kaso ayun dito sa dotcom ko ayaw tanggapin. pfftttt.

    hindi ko muna nipakinggan ang audio mo kasi grabe ang headphone dito sa compshop. hahaha!

    • hahaha. san ba nakahost ung blog mo? dba wordpress.org gamit mo?

  8. Dito ko kaya patugtugin ang sound na yan…gawin kong ringtone? Maapreciate kaya ng mga arabo?

    • Haha. Ung german crickets gamitin mo mommy ayie, hehe

  9. German Crickets FTW. Wahahaha. Apir!

    • Yes, kahit mga aleman na crickets e nakakatakot. haha. Salamat sa bisita.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: