Posted by: Oliver Lee | April 15, 2010

The “Enchanted Kingdom” Adventure

Pasensya na, dapat nung Monday pa ito e, kaso sinipag tinamad ako, ehhe.

So aun nga, dahil family day ng company ni Zaide, isinama nya ako together with Ann sa kanilang event sa malayong lugar ng Enchanted Kingdom. Pang nth time na namin to sa Enchanted pero ito pa lang ata ung time na kaming apat ung magkakasama. Ay, kasama pala si Jen, hahaha.


Wala si Zaide, photographer’s curse, ehhe.

Since maaga kami nakarating sa EK, nagphotoshoot si Zaide sa parking lot ng EK. E napagtripan ko ung mga bus dun, kaya nagpapiktyur ako dun. Ang trip e kunyari e nagtatawag ako ng pasahero. Nagulat kami sa resulta.


Insert angels singing here

Sabi ni Zaide dahil daw sa araw, sabi ko naman, sadyang mabait ako, wehehehe.

So nung nagopen na ung park, for starters, we rode ung roller coaster na maliit. Pampagana lang ba ng dugo, hehe. Pero, nagstart lang ung fear ko nung sumakay kami ng anchor’s away, pero hindi dahil sa ride itself.


Anchor’s Away!

Nung sumakay kasi kami, knkwento ko sa kanila na pinagtripan ko ung dati kong bisor nung sumakay kami dito. Asa dulo kasi kami, at since gago kami nung kaofficemate ko (Hi Jhune!), pinagitnaan namin ung bisor namin. Nung sumakay na kami, nkapatong ung braso nung bisor namin sa braso namin (gets?). Pag asa dulo na, ung pag kami ung asa taas, tinataas namin ung braso namin so feeling nung bisor namin nalalaglag talaga sya (hehehe). At dun na nagsimula ang aming morbid na usapan. Pano pag sumuka ung isa samin, e di straight na mabubuhusan ng aming stomach bile at almusal ung asa diretsong tapat namin. So habang nakaride e tawa kami ng tawa, until napansin namin na may bata (9 – 12 years old ata) sa tapat namin, sa kabilang dulo. At hindi maganda ang kulay ng kanyang mukha. As in feeling namin e suka mode na sya. Worse, straight ko syang katapat. So kapag nagdecide syang maguwak, maliligo ako ng uwak nya. Buti na lang at nakayanan nyang sikmurain ang sikmura nya hanggang matapos ang ride, whew!

Yun nga, so after ng aming brush with almost-being-showered-by-barf, naghanap kami ng ride na wala sa arawan dahil sobrang init. So two choices, Rialto or si 4D Theater. Una naming pinagtripan si Rialto. Speed Racer ung palabas.


Go Speed Go!

Aun wala lang, tamang nalamigan naman kami sa loob. Hehe.

At since ayaw nga naming masilayan ng araw ang aming delicate skin, nanood muna kami sa 4D Theater at nagkaroon kami ng startling revelation sa isa’t-isa.


4D Discovery Theater

At ang palabas ay:


Diego, Boots and Dora

At naexcite kaming apat. Hahaha. Pare-pareho pala kaming gusto si Dora, haha. Para lang kaming tanga, balik pagka-4 years old. “Swiper, no swiping!”

So after ng onting libot at pagdating ng 1130AM, naglunch na muna kami sa Amazon Grill. At dahil dyan….

FOOD REVIEW POWER UP!

Aktuwali, hindi ko naman alam kung nakakatulong senyo to, o akmang “Food Review” ung section title kapag sa pagkain. Kaya dahil dyan, papalitan ko na sya ng title na:

LAMON POWERS ON!

So un nga, since gutom na kami, ito ang idinikta ng aming mga sikmura:


Pork Barbeque with Mashed Potato

Order ni Ann and opkors, Zaide. May misyon si Zaide na kainin lahat ng Pork Barbeque ng mga kainan sa Pilipinas ^__^.


Fried Chicken with corn and carrots for Jen


Salisbury Steak with mashed potato for me.

Ung pork barbeque, saucy sya. Ok naman ung timpla nung marinade nila. Medyo sweet sya, perfect for kids, not for barbeque enthusiasts (I think). Ung fried chicken nila ay di ko natikman dahil madamot si Jen. Ung Salisbury steak, so-so. Ok naman ung burger, pero hindi sya lasang grilled. Parang may kulang. Juicy naman sya, hehe. Nagcompliment naman sila nung gravy, pero un nga, parang something’s missing. Wala ung parang grilled taste, di ko masyadong naramdaman ung pagiging steak nya, ehhe.

LAMON POWERS OFF!

So after eating, nagpahangin muna kami courtesy of Flying Fiesta, kung un ung tamang name nya, hindi ko kasi matandaan, haha. Basta naupo kami dun tas nagpaikotikot sya.


Where’s Gago?

At dahil gusting magphotoshoot ni Zaide sa Grand Carousel, sabay sakay na rin kami, hehe.


Bilis mauunahan tayo!

So after magpiktyurpiktyur ni Zaide, at dahil sobrang init naman talaga na para bang finocus ung araw sa EK, malakas ang benta ng Ice Monster.


Staple food ko ang Watermelon + Corn Flakes sa Ice Monster, hehe.

After naming mag Ice Monster ay nagphotoshoot uli si Zaide at naglibot-libot sa EK.


Libot lang po…


Hindi ka kaya matakot kung isang triceratops ang magbigay ng boxed tissue sayo?
Tapos tignan mo ung piktyur ng inuubo, sa tingin mo inuubo ba talaga siya?

At after naming maglibot libot ng onti, at ng free pizza from Zaide, (Yey!) ay napagpasyahan naming sumakay ng Space Shuttle Max. Kaso, ayaw ni Ann at ni Zaide (chickenwads….) kaya kami lang ni Jen ang sumakay. Pero buti na din lang at di sumakay si Zaide kasi walang magppiktyur samin.


Kasalukuyang tinatawag ang lahat ng deity, including Spongebob and Patrick Star

So after naming magride sa Space Shuttle at magphotoshoot sa taas ng Ice Monster (hehe), sumakay na kami sa Rio Grande Rapids. Basaan time! hehe.

Ngayon, hindi ko lang alam kung galit si Poseidon kay Jen dahil sa aming lahat na nakasakay (included ung 5 stranger na kasama namin sa ride) e sya lang ung nabasa. And when I say basa, I mean ligo talaga, haha.


“Release the KROPEK!” I mean, “KRAKEN!”

At dahil gabi na, inabangan na namin ung fireworks at nagphotoshoot uli si Zaide, hehe.


Kewl!

After nung fireworks, sumakay na kami sa Ferris Wheel, o ang sosyal nyang name na Wheel of Fate.

Nga pala, nakita namin si Angel (same company sila ni Zaide… at Jen nga pala, ahha) sa pila ng Wheel of Fate. Ngayon, si Zaide, kinanta ung jingle ng Angel Condensanda nung nakita si Angel. So dinare namin sya na everytime makikita namin si Angel, kakantahin nya ung jingle ng Angel Condensada. E since nakasabay nga namin sa pila si Angel, ayun, sinumpa na ata ung jingle maker ng Angel Condensada, haha.


Clockwise: Angel, Jen, Ann, and sexy-back

Nung nakasakay na kami, ang topic of discussion e (with matching na malakas ung hangin) anong mangyayari kung biglang nagloose ung screw at nalaglag ung sinasakyan namin. Meron bang safety precautions involved once matanggal ung gondola? Magkano kaya ang ibabayad samin ng EK? Mafeature kaya ang buhay namin sa MMK? At ano ang magiging title para kami ung manalo sa pahulaan ng title?


The Peyris Weeel.


Aerial Shot from the Wheel

At bago umuwi, a little photoshoot at isang farting parting group shot.


Posers. Hahaha.

At since photoshoot nga, eto ung ilang shots na kinunan ni Zaide. At kung napansin nyo na wala sa piktyurs si Zaide kundi sa group piktyur lang (due to photographer’s curse nga, hehe), kaya uunahin ko na siya.


Pornographer Photographer Zaide


Ann


Me


Jen

Haha, joke lang, ito talaga ung piktyur nya.

Kung gusto nyo palang iview ung piktyurs ni Zaide (pramis walang bayad, nagsusumamo na ako senyo), ito ung link ng flickr account nya.


Responses

  1. inisip din namin dati ng mga friends ko, siguro masayang magsukahan sa Anchor’s Away. haha

    mapunta tayo sa pagkain, nakakagutom. gusto ko nung salisbury steak. yum! yum!

    • haha, after sukahan, napunta sa kainan, eeeew,
      pero un nga, bumabagabag pa rin sakin, meron na kayang nagsukahan sa Anchor’s Away.

  2. Photoblog po ba itong napuntahan ko?! Anyhow inihaw, muka namang super enjoy kayo kasi mag hapon kayo dyan at higit sa lahat sino sa mga kasamang mo chicks ang shinoshota mo? Walang natanong lang naman..

    • Hahaha. Mas madali kasing magkwento pag may piktyurs e, hehe. Crossover to ala marvel vs capcom.
      Wala akong sinosyota dyan, eeeeww.
      Isang mahabang istorya na may kasamang beer ang kelangan para ipaliwanag kung bakit sila ung palagi kong kasama.

  3. Galing ako dito 2 months ago. Haha hindi ko sinakyan yung Anchor’s Away at Space Shuttle. Takot talaga ako. Buti nalang hindi kayo nasukahan/nagsukahan! Super messy talaga nun. Kadiri pa.

    Hmm, mukhang masarap ang mashed potatoes nila ah.

    Hindi ba kayo nag try ng Jungle Log? Haha! Dun pa lang lula na ako. Hindi talaga ako matapang pagdating sa rides!

    • Ayaw nila magjungle log e, ewan ko kung bakit. sabi ko nga before riogrande, mag jungle log muna para isang basaan na lang.

  4. putek na poste ito oh. nakakarelate ako sa pighati ng isang photographer. ganyan lagi si ako eh. wala ako lagi sa picture. bweset!

    anyways, hindi ka talaga nag-enjoy eh. hindi ka nag-enjoy promise. sobrang hindi talaga.

    hindi pa ako nakakarting sa ek. at oo. ang loser ko na ata talaga. amp! gusto ko rin dyan. saakyan ko laht ng rides! waaaaah!

    • haha, photographer’s curse.
      Hindi naman masyadong enjoy, slight lang, haha. Libre kasi e, pati food libre, ahha.

  5. lol bakit mo tinakpan ung logo ha???? arent you proud to be a _ _ _ _ _ ee??? =))

    • baka kasi mawalan ako ng trabaho at sabihing im fraternizing with the enemy, haha.

  6. ang gwapo gwapo nmn ni lee lagi sa blog niya =))

    • Hehe! Meron pa pala ako dito yung wet look ng likod mo…

      • galit nga kasi si poseidon sa kanya.

    • syempre blog ko to e, kelngan mahalin ko ng onti sarili ko, hehehe.

  7. Re: Second Pic -> parang kukunin ka na hehehe JOKE

    • Lumobo si santino hahaha!

    • sadyang mabait lang ako, hehe. =p

  8. i love the flying fiesta shot!

    i payo mo sa kaibigan mo na photographer wag sumama sa mga walang dalang camera tulad nyo hehe para may kuha naman siya kahit paano harhar

    • may kuha naman sya, onti nga lang, at camera phones ang gamit, hehe.

  9. Oliver: Wow! parang si Oprah lang kung mag endorse hahaha! Natawa ako dun sa release the KROPEK mo ah… hahaha!

    • ayaw mo yun, haha. Kaya dahil dyan, kelangan mo ng iupdate ang flickr account mo. =)
      at maghanda ka na bukas, hehe. ilalagay ko din dito ung gagawin natin tom.

  10. hahaha kawawa si jen sa mga pictures nia😛
    May mga kuha din si zaide sa camera ko, kayan di naman siya kawawa fully😛

    • at narealize ko din na like ko nga si Dora hahaha😀 naenjoy ko siya sa lahat ” Butterfly swiper, no swiping!!! ”😛

    • oo alam namin un na may piktyur sya sau, haha

  11. Pansin ko lang, lagi tayong apat sa mga lakad hihi..sana next tym maging walo tayo with partners =))

  12. napagod ako sa scroll down hahahaa

    mukhang ininjoy nyo talaga ang EK

    • sori naman, haha. kelangang sulitin ang libre =p

  13. woot! ek! gusto ko ulit pmunta dyan pero ayoko ng sumakay sa space shuttle, last time kasi, bigla kaming tumirik. tsk. haha. at ang cool ng second pic, parang may mga alien na bababa galing sa langit haha.

    • ay, kasama ka dun sa nung biglang tumigil ung space shuttle?

  14. antagal ko nang huling nanggaling dito. the last time eh sinugod ako sa clinic due to whiplash ata yun hehe. napansin ko lang ang konti ng mga tao ha hehe. and good for jen for wearing enough fabric underneath mahirap nang may ma reveal na di dapat haha. galeng galeng ng subheads — lamon powers on and off. superheroes lang na tomguts?

    • hala, bakit ka nagkawhiplash?

  15. naaliw kasi ako sa bababaan ng timber or log ba yun? eh dadausdos pala. ayun nauna katawan ko naiwan ang ulo haha!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: