Posted by: Oliver Lee | April 7, 2010

Awts!

Ang sakit ng panga ko, specifically sa lower right jaw, dahil may nagiinepal na wisdom tooth. Kaya bawal akong sapakin, sampalin, i-kiss, o hawakan “telenovela-style” sa kanang bahagi ng aking mukha.


Bad trip pa kasi 8th months ng pamangkin ko kahapon. Syempre may handa, at hindi ko naenjoy ng husto ung pagkain. Ang malupit pa nun, nasuksukan pa kagabi ng tinga ung ngipin ko sa may upper right jaw, kaya para akong tangang nagtitinga kahapon (uy rhyme! Tangang Nagtitinga!).  Kaya ayun, tulo ng tulo ung laway ko habang asa lababo (take note may bisita kami) at hirap na hirap magtanggal ng tinga. Hindi ko naman matoothbrush ng todo kasi nga natatamaan ung lower right jaw ko. (gross na ba? i can still go on if you like.)

At dahil nagiinepal sya, sinearch ko kanina kay pareng wikipedia kung bakit wisdom tooth ang tawag sa kanya.

They are generally thought to be called wisdom teeth because they appear so late—much later than the other teeth, at an age where people are presumably “wiser” than as a child, when the other teeth erupt.

– from pareng Wikipedia

Yun lang pala ang arte nya kaya wisdom tooth ang tawag sa kanya. Kala ko naman madadagdagan ng 1MB ang utak ko. Bakit di na lang “later-in-your-life tooth” o “dun-sa-sulok tooth” ang tawag sa kanya? At “presumably wiser” than as a child?! weh?

Reading ung ethyl alcohol etymology nya, mas gusto ko ung tawag niya sa spanish. “Muela de juicio”. “Molar of judgment”. O diba, parang cartoons lang?

Pare 1: Pare, ang sakit ng panga ko!

Pare 2: Sumakit ung pagkatanga mo?

Pare 1: Tanga, panga!

Pare 2: Tanga-tanga ka rin, gago ka pala e!

Pare 1: Ampotah, masakit ung right jaw ko, tumutubo ung molar of judgment ko.

Pare 2: Moral of judgment? Cool. You’re right Joe! And I’m Moral of Justice. Tenenen!

O ang cool diba? Parang nagevolve lang ung powers mo, or parang nag super-saiyan 3 ka lang.

Baka un ung dahilan ng wisdom tooth. Para madagdagan ka ng wisdom na may iba pa pala syang pangalan. Para sa susunod na tanungin ka, hindi wisdom tooth ang sasabihin mo kundi ang spanish term na “Muela de Juico” or, kung feeling powerful ka, ang sosyal na “Molar of Judgment”. O para ipaalala na kahit maganda ang ngiti mo sa mga tao, sa loob-loob nito ay may nasasaktan (o , ang galing kong magkonek no?!).

Going back, narealize ko na nung binabasa ko ung etymology ng wisdom tooth sa wikipedia, walang tawag sa Filipino. So, with the powers vested in me by my new Right Molar of Judgment,  I hereby bequeath the name:

“Totoy Molar”

Ikaw, tumubo na ba ung totoy molar mo?


Responses

  1. hahahah… potah… natawa ako ng nakanganga dito

    • wow, ambilis, haha. Kaka-post ko pa lang.

  2. Mine is still not fully out
    may week na sumasakit cya talaga so i know how u feel

    just to add up we got four wisdom tooth
    at d sila sanay sabay tumutubo

    masakit sya pag tumutubo kase the whole set of teeth are adjusting para maka pwesto cya.

    so since college days up to now inde pa tumutubo ng buong buo ang wisdom tooth ko

    good luck naman dba

    • grabe namang wisdom tooth yan.
      so dapat sobrang lawak na ng wisdom mo, NOT! hehehe

    • just a thought, (pinagisip mo ko langya ka, hehe) meron kayang taong sabay sabay tumubo ung wisdom tooth nya?

  3. wawa ka naman, di mo na-enjoy yung handaan kasi tumubo yung totoy molar mo. lol

    haha!

    kyut, totoy molar.

    • Hehe.
      Pero ano ba talaga tawag sa tagalog ng Wisdom tooth?

  4. Hanep, tumutubo na si Totoy Molar! Binata ka na! Congrats! Papabinyagan mo pa ba yan para mabasbasan!

    • pag hindi na sya masakit, bibinyagan ko to ng isang masayang ice cream, haha.

  5. Hahaha this is a funny post. Nag-ngingipin ka! Yun ba tawag dun, haha! Hindi ko alam kung nag suffer ba ako tulad ng kalagayan mo nung nagkaruon ako ng wisdom tooth. Hindi ko maalala! Basta pag masakit ipin, kahit isa lang, badtrip na kagad kasi hindi mo makain gusto mo!

    Ang kulit ampota. Molar of Judgment!

    • Nag-ngingipin, parang bata lang, haha

      • Haha oo! Nag-do-drool ka pa! Baka kailangan mo ng bib! Haha!🙂

  6. hahahha at natawa ako ah, haha. at may natutunan ako, molar of judgment, ok ipagkakalat ko yan.haha. at may pahabol ka pang totoy molar pucha. hnggang ngayon ntatawa pa din ako.ahm siguro 17 ata ako nung tinubuan ako ng wisdom tooth, then, may tatlo na ko. isa na lang totoy molar ang iniintay ko. haha

    • o di ba. classy! pag kasama mo ung friends mo, “sorry, i can’t join you. I’m having my molar of judgment.”
      O di kaya,
      “Sorry, di ako pwedeng sumama kasi tumutubo si totoy molar” =p

  7. ako inoperahan ang totoy molar ko recently dahil sa tinga. I bet ganyan din manyayari sayo. Ganto ang proseso, may makinaryang ikakabit sa bunganga mo para lumaki ng bongga tapos hihiwain ang gilagid mo ng walang anesthesia tapos tatanggalin ang totoy molar, finish!

    hihihihi

    • wag naman sana, haha. patubo pa lang e, let’s give it a chance =p

      • grabe naman un! Jepoy! bongga na ibinuka ang bunganga mo! LOLz

  8. ang gagu nito. bweset tawa ako ng tawa sa totoy molar! anubeh! kaasar ka! lintik na molar of judgement yan! paepal. naninira ng araw. hindi ka tuloy makakain ng masarap. ewan ko kung totoy molar yun eh. basta masakit talaga di ba? ewan! gusto ko na hugutin at alisin! grrr!

    • basta masakit sya.
      Kahit takam na takam na ako sa halo-halo.
      ang init pa man din ngaun.
      anyway, ngaun e onti na lang ung sakit nya. di na ganun tulad nung una na sa sobrang inis ko e nakagawa ako ng ganitong post, haha.

  9. ahahha. almo hbang binabsa q eto nkangiti lang aq d whole tym !ehehhe..

    haii salamat sb nga nla pagtapos ng luha my ngiti na sslubong!! ayieee….

    hnd p ata kta na aad! add kta s mdlas kong tambyan! so expect more of me hir🙂
    (en dont 4get d meryenda ok) hehhhe

    • nangingiti ka ba dahil sa sakit na nararamdaman ko? hahahaha.
      maraming salamat! saka na ung meryenda, hokei? pagtyagaan mo na lang muna ung mga pix ng pagkain sa ibang posts ko, hehe. =p

  10. slight! ahaha..
    hnd p lumalbas ung wisdom q, cguro llbas un pag ugod n aq! hehe..tatampalin q xa pag lumabs xa! haha..

    aruyy ang kuripot nmn pla ng bgong kpitbahy q! ahaha.. xge xge ok lng diet nmn aq e! hehe

  11. so di ka rin pde lumaklak ng pagkalamig lamig na tubig or softdrinks?

    • sa ngaun po e pwede na, hehe. Di na sya ganun kasakit.

  12. Ay hahaha natawa naman ako sa Totoy Molar masyado sigurong MALAKI ang TOTOY MOLAR mo kaya masakit bwahahaha

    wisdom teeth are stupid

    • haha, natawa ako dun. “wisdom teeth are stupid”. Panalo!

  13. napadaan lang. Zooom..🙂

    yung ipin kong isa, nasa dulo, totoy molar din siguro. hindi masyadong kita. ang tagal lumabas, buti hindi baliko tubo. hehe.

    goodluck sa ipin mo.

    • Hehe! Thanks po sa pagdaan, sana maligaw ka uli ^__^

  14. […] kami mamaya ni Totoy Molar. Move over Pacquiao-Margarito. Hindi si Totoy Molar na ikinwento ko dito. Sa right yan e. Ang kaaway ko e ung sa left na counterpart […]

  15. Whaha nice one😀 nkakaasar tlga. Aco nga 16 plang pero tinußuan na. Bat ganun😦


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: