Posted by: Oliver Lee | April 6, 2010

The “TGIF” Adventure

Dahil ayokong mawalan ng saysay ang bakasyon ko,  ako ay nakihitch sa double date ng nanay at tatay ko with our family friends, night ng Easter Sunday, hehe. Sa TGIF sa Robinson’s Place, Ermita ang date at since first time kong kumain dito, e nagppiktyur piktyur ako ng kinain namin.

FOOD REVIEW POWER UP!

Dahil first time kong kumain dito, hinayaan ko silang umorder at pinaikot ang aking ulo ng 360 degrees para masdan ang loob ng nasabing restaurant. Pipiktyuran ko sana sina mama kaso ayaw daw niyang sumikat sa cyberworld, hehe.

Kaya pinagtripan ko muna ung placemat nila na hindi ko din alam kung bakit ko ginawa.

After a century, dumating na ung inorder namin nila na:


Fried Mozarella

Hatol: Bleh.

.

.

.

Hehe, ok eto na. Nothing special about it. Breaded mozzarella sya na dineep fry. Actually, parang mas nalasahan ko ung mantika, tapos ung bland na lasa ng mozzarella. Don’t get me wrong, love ko ang lahat ng klase ng cheese (except ung mga inaamag-type), pero parang mas ok ung naka stuffed crust na mozzarella sa pizza. Kelangan mo talaga ung Marinara sauce (salsang hindi. Red sauce, Tomato, onions, etc.) para magkalasa sya. Basta, nakakasawa sya, parang mas mantika than on cheese.


Chicken Quesadilla

Hatol: Bleh.

Parang nung kinakain ko to e nagpapakamexican syang hindi (hindi ko sya mafigure-out! Haha). Lasa naman ung chicken (na nung kinakain ko e para akong kumakain ng chicken sandwich) and with tomatoes on the side. Medyo nakakasawa after ng isang slice. Walang dating.


Buffalo Wings

Hatol: Ok lang.

May zest naman ung buffalo wings nila, spicy kaso parang hanggang skin lang ung lasa. Parang hindi ko nalasahan ung pagkabuffalo dun sa laman. Mas masarap ung buffalo wings ni mama (biased ba? Haha), mas malaki pa =p.

EDIT: Naghahanap ako ng link about sa buffalo wings ni mama, kaso wala akong makita. Asa picture lang pala sa Facebook, hehe.


Mama’s Buffalo Wings – handa nung New Year

Going back…..


Friday’s Shrimp

Hatol: Pwede!

Masarap ung tartar sauce nila saka juicy ung shrimps. Tamang-tama ung timpla tapos sprinkle-an ng lemon, either ung dish mismo o ung sauce (ung ginawa ko e nilagay ko sa sauce para maglaban ung asim ng lemon saka ung lasa ng tartar sauce, ok naman ung experiment ko, hehehe). Ung fries e ok lang, nothing special about it, pero ung breaded shrimps, the best.


T.G.I. Friday’s Mini Burger

Hatol: Pwede!

Critical ako pag burger ang kinakain. Comfort food ko yan e. Una kong tinikman ung patty mismo. Makapal sya, juicy at beefy. Reminds me of Monster Burger, pero mas juicy to. Lasang grilled, pero ok ung pagka grill nya, hindi ganun kasunog or lasang uling, tamang-tama. Tapos tinikman ko ung bread, at ang sarap! Haha. Sweet ung bread nila, at aaminin ko na nung una e medyo apprehensive ako kung ano magiging lasa nya. Usually kasi (or sa mga nakain kong burgers) e walang lasa masyado ung bread para manaig si burger patty. Pero nung tnry ko sya, masarap. Ok ung over-all combination, nagcomplement si patty at bread. Mabigat nga lang sa tiyan, haha. Pero sulit naman at ok ung lasa.

FOOD REVIEW POWER DOWN!

After kumain at mag-down ng multiple glasses of coke (sulit talaga sakin ang bottomless hehe), ay napagpasyahan ng umuwi. Pagsakay namin ng elevator papuntang basement parking lot (asa ground floor kami), biglang umakyat ung elevator imbis na pababa. Lo and behold, nastuck kami sa gitna ng 1st floor at 2nd floor. Buti na lang at made of glass si elevator kaya nakita agad kami ni Manong Guard at niradyo agad na nastuck ung elevator.

Feeling ko pinaglaruan ni Manong ung controls kaya nastuck

Mga 10 minutes din ata kaming nagmukhang tanga na nakatayo sa loob at tinitignan ng mga tao kung bakit kami tumatambay sa gitna ng 1st at 2nd floor bago umandar uli si elevator. Pasalamat sya at nakakain na kami’t busog kaya wala kaming ganang magreklamo.


Advertisements

Responses

  1. Once pa lang ako kumain jan at hindi ko naappreciate hehehehe

    • naappreciate ko kasi libre, haha.
      Steaks ata specialty nila dito, kaso ammahal.

  2. ang zuzyal zuzyal naman!!! Libre mo naman ako dyan one time 😀

    • libre lang po yan, nakihitch nga lang po ako sa date nila.
      Saka teka, ikaw kaya diba ung laging kumakain dito? ung sa post mo na nagpagupit ka ng mohawk-turned-semikal, hehe.

  3. tsalap tsalap!!!

    • lalo na kung libre, haha

  4. ang hatol ko sa yo: di mo syado trip ang american food haha! pero ang importante eh nagustuhan mo yung hamburger nila. tsaka buti na nga lang busog na kayo when you got stranded sa elevator. at least di kayo magkakainan pag nagutom kayo.

    • trip naman, kaso pilit kasi ung mozarella cheese at chicken quesadilla e, hehe.
      buti at busog na kami, dahil kung hindi ay kakain ng mura at sama ng loob ung nagooperate ng elevator, haha

  5. scary ang nangyari sa inyo sa elevator ha…

    • oo, buti walang claustrophobic samin, hehe

  6. Hi there! First time here. Haha, alam ko tong TGIF na to sa Rob Ermita! Thanks for sharing us their menu, now we know what to avoid.

    Dyan sa TGIF mukhang masarap lang, okay ang presentation pero ang lasa tamang okay lang. Yung malilimutan mo kagad paglabas mo ng Resto.

    Excited ako nung unang kumain dyan pero nung natikman ko yung food, parang ayos lang. Hindi to die for, katulad ng iba na mas mura naman.

    Haha, matatawa siguro lahat ng taong makakakita sa inyo!

    • haha galing! Yes sa Rob Ermita po ito.
      Yup, parang wala ung feeling na dapat makain mo uli.
      Salamat po sa visit!

  7. Once pa lang ako kumain sa TGIF dito sa Abu Dhabi–mabigat sa tyan kse ang lalaki ng serving nila. Pag uwi ko sa pinas i-tatry ko yung monster burger na yan, hindi TGIF ha.

    Masarap talaga ang libre.

    • Pwede naman magshare, andito kmi, hehe. opkors, pag libre go lagi ng go! =p

  8. ang bongga. nastuck sa elevator. nangyari na rin sa akin yan eh. kaming dalawa lang ng tita ko sa loob. eh aba. syempre. pinilit naming buksan ng bonggang-bongga ang elevator. at thank god, nabuksan din namin. wapak!

    magkano kaya binayaran niyo sa restawran? mukhang mamahalin! hakhak!

    • nalibre lang po, hehe, alaws akog pera pambili dyan sa TGIF na yan.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: