Posted by: Oliver Lee | March 31, 2010

Chiksilog Blog Contest


Ito nga pala ang ipinapasa kong entry para sa contest ni Xienahgirl ng chiksilog.com.
Basahin mo ang post ko kung pano ako napadpad sa ganyan.

.

.

.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung paanong concept ang maganda at unique ang ipapasa ko para mapansin naman ako ni Ms Xienahgirl. Dapat ung may dating, may angas, may ibubuga, at may bukas pa (huwag damdamin, ang kasawian…..).

Umaga pa lang, iniisip ko na kung panong concept ang gagawin ko para kahit papano e unique ung blogpost na gagawin ko. First time ko ito at minsan lang ako sumali sa mga pakontest kontest na yan. Hindi kasi ako madalas palarin sa mga ganyan (at sana naman e huwag namang mangyari dito). Tignan mo yang lotto, tagal ko ng tumataya, di man lang ako manalo, kahit balik-taya lang.


Tulog….

Bumangon na rin ako kasi kelangan ko pang pumasok sa work. Pagdating ko sa work, siyempre hindi pa rin naalis sa isip ko ung pakontest na un. Ewan ko ba. Kelangan ko ng isang matinding idea para ok naman ung post ko. Para may chance ba. Kaya ito ang ginawa ko sa station ko para makaisip naman ako ng pwede kong ipangsali na post sa contest ni Ms xG.

Kaso tinanggal ko din agad, baka pagalitan ako ng boss ko, hehe.

Ganun pa man, hindi ko pa rin maalis sa isip ko ung pakontest ni xG. Habang asa work, un pa rin ang tumatakbo sa isip ko (hindi kaya siya napapagod…. ok I know korni, haha). Dinikit ko na nga sa tyan ko e, baka may madigest na idea, may magamit ako. Kung meron kasi, at least pwede kong sabihin na nakakapagisip ung tyan ko. May silbi ung kinakain ko.

Kaso bigo. Wala pa rin akong naisip na kahit anong idea. Kahit ano pang dikdik ko sa utak ko at feeling ko e naging powdered form na siya, wala pa rin akong mahita. At ang solusyon ng walang maisip:

After work, ito ang ginawa ko. Syempre, nahiya naman ako. Ako lang ang umiinom at kumakain, baka sabihin wala akong modo. Kaya binili ko sya ng coke:

Syempre, pinakain ko na din ng mangga, baka sabihin madamot ako:

Tapos may naisip ako. Painumin ko na din kaya ng beer, baka siya na mismo ung magbigay sakin ng winning idea!

Kaso hindi siya nagsalita e (dapat ata nagchongke ako, hehe, joke, bait kaya ako). Ayun, naubos na si mangga’t bagoong at friends ng wala pa ring naiisip na magandang idea para ipangkontest. At para hindi na makadagdag gastos pa, ganito muna ang ginawa ko:

Haha, at least nakatulong!

.

.

Then it hit me, I just spent a day with xG! May idea na ako na pwedeng isulat. Kaya ayun,nagmadali akong umuwi para magsulat. Kung pwede lang ifreeze ung utak ko para hindi mawala ung ideang naisip ko, ginawa ko na. Pagdating ko ng bahay, binuksan agad ung PC at nagsulat agad ako at sinave. Gusto mong mabasa? Click ka dito.

Advertisements

Responses

  1. Naisip ko rin sumali jan kaso narealize ko bakit pa ako mag-eeffort eh mukhang mananalo ka na hehehe

    • nge. sali ka na. ikaw pa! sabi ko nga sau malas ako sa mga kontest na ganyan, hehe.

  2. Awts at sumali ka talaga sa contest ni xg ha. Lol… Ihihingi n LNG kita. Lolx

    ka close ko yang si xg. Ganda nyan in person lolx may pic nya ako sa wallet ko…. Lol

    • haha, bakit di mo sinabi kagad?! nagisip pa tuloy ako, haha.

  3. Shit Shit nakalimutan ko mamya na pala ang deadline nito…Fukiness!!!!

    • haha. aabangan ko ung post mo, hehe.

  4. nagbasa… at natuwa sa aking nabasa…

    babalik ako.. 🙂

    • marami pong salamat! bibisita rin po ako sa inyo, hehe

  5. grabe hehe

    • wala na kasi akong maisuot e, haha

  6. lumeleveling na sa effortness ng pagbloblog ang friendship ko hehe 😉

    • wala na nga kasi akong t-shirt na maisuot. ganun talaga pag kapit na sa patalim.

  7. wow. ang cute nman nitong naisip mo hahhaa. lalaki ka pala?

    • haha. pano mo naman naisip na babae ako? May picture naman ako dito sa site a, haha

  8. ang galing naman nito.
    malamang sa alamang. ikaw na panalo. ang effort nito. tapos nakakatawa! wafakels!

    • haha. marami pong salamat! Inadd kita sa blogroll ko, ganda ng site nyo. =p

  9. hahaha ngayon ko lng nalaman na lalaki ka kala ko babae, parang tnwag pa ata kita before na ate? ahhahaha

    • kelan po? bakit ganun? may mga piktyur naman ako dito a, haha.

  10. ahaha. aliw ang date nyo ah. natawa ko, pramis. nasiyahan yata sya sa coke. haha. ang kulet.

    • hehe, tenkyu!

  11. ayy sayang sayang hindi aq nkahabol!! trip q ang mga kontest na e2! hehe.. gus2ng gus2 q umepal.. wla lang msaya kya sumali db! nyahaha..

    nga pla ung fren q my pkontest din 500 pesos ang prize. bka gus2 u din sumali ahihihi.. http://www.kumagcow.com ang site nya 🙂

    • wala na kasi talaga akong maisuot na t-shirt e. hehe
      hmm, sige tignan ko po. =p

  12. nice entry! 😀

  13. nasabi ko na ba sa iyo na mahal kita?
    natawa ako
    😀

    confirmation email has already been sent
    thank you for joining the chiksilog blog contest!

    • Yes! Mahal ako ni xG! haha. May nagmamahal na sakin! (halata na bang pinagkaitan ako ng pagmamahal? haha)
      Yes I received the mail kanina, thanks!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: