Posted by: Oliver Lee | March 28, 2010

The “PLM – El Pollo Loco – ‘Jojo Timberland’Adventure”

Oo, Jojo Timberland, nag-concert sya dito. Di mo alam? Kwento ko sayo.

.

.

Nanood kami ng Shockvalue 2 concert ni Timbaland na special guest si Justin Timberlake at napadaan lang si Jojo (ikkwento ko din teka lang) sa MOA kahapon (Saturday). Nakakuha kasi kami ng 4 na bronze tickets courtesy of our friend Cristy (Tenkyu Cristy!). Pero bago un, nagpasama muna si Zaide sa PLM kasi balak nyang mag Master…. als. ^__^

Nung nakarating na kami sa aming Alma Mater e hinanap na namin ang Office of Admission for Graduate Schools. Since hindi namin alam un at ayaw ko naming magmukhang tanga e nagtanong na kami kay staple manong guard.

Lee: Sir san po pwede mag-inquire for requirements sa Masteral?

Manong Guard: Sarado po ang office ngaun, weekend. Balik na lang po kayo sa Monday.

Buong akala ko naman e tumawag muna itong si Zaide sa PLM bago magpunta. Ansaya dba? Sinabi ko na lang sa kanya na tawagan na lang ang Office of Admissions para sa kung ano mang katanungan nya. Tol, kakaimbento lang ng telepono at celfone kahapon, try natin. okei?

Anyway, piniktyuran ko na lang si PLM para kewl.

After magstay ng ilang minuto sa PLM (gusto pa magstay ni Zaide, ngaun alam ko na kung bakit nya gustong magPLM uli, dude mayroon tayong tinatawag na Bantay Bata), nagpunta na kami ng MOA para tumambay. Kelangan ko rin pala ng haircut dahil dalawang linggo na akong sinsabihan ng tatay ko na:

“MAGPAGUPIT KA NGA!”

Since naaawa na ako sa vocal chords nya e umayon na ako, hehe. Kaso nagugutom na kami kaya napagdesisyunan naming kumain muna. At since El Pollo Loco ang unang tumabad samin (actually gusto talaga naming kumain dun, magaling akong impluwensya sa pagkain, I think), dun na kami kumain.

Ung last post ko na kumain kami dito, (SM Megamall branch nga lang) hindi ko na napiktyuran kasi nga gutom na kami, kaya I made sure na piniktyuran ko sya kahapon.

FOOD REVIEW, POWER UP!

Since may tiwala si Zaide sa order ko, umorder kami ng dalawang two-piece Chicken Combo Meal. Dalawa ung side dish na kasama, so dalawang spanish rice ung side dish na inorder ko. Pag kakain ka, word of advice (na ngaun ko lang narealize at susundin ko next time, Zaide kain uli tayo) dapat ung isang side dish e ung beans, kkwento ko din kung bakit.


The food

So aun na nga. Masarap ung manok dito pramis! Tamang tama ung salsa sa manok. Kung hindi ka masyadong mahilig sa maanghang e meron naman ung regular salsa. Hindi rin naman ganoon kaanghang ung hot salsa. Basta, hot salsa + chicken = yum!

Pero bago ka ngumasab, and to have a masarap na experience sa pagkain, ganito ang gawin mo sa pagkain mo:

  1. Ilatag ang tortilla. Two yan so 1 lang gagamitin mo.
  2. Maglagay ng side dish. Meron silang Spanish rice, regular rice, beans, corn, stuff. So sa case namin, rice lang.
  3. Maglagay ng chicken.
  4. Lagyan ng salsa.
  5. Bilugin ang ginawa.
  6. KUMAIN! Make sure na nakasalo ung pinggan kasi for sure may maglalaglagan sa ginawa mo.


Prepare!

Kinulang kami sa tortilla, bitin! Hehe. Pero un nga, kinain na namin sya in a traditional way. Tamang lamon.

FOOD REVIEW, POWER DOWN!

After kumain, e nagpagupit na ako at wala pa akong lakas ng loob na magpiktyur dito ng before at after. Baka hindi ko kayanin ang panlalait nyo at gawin nyo akong social paraiah, haha.

After magpagupit, hinantay na namin si Apple at Jan na kasama naming manood ng concert. So nag Xbox muna kami (na sanhi ng pagkakasakit ng aming mga kamay, langyang controller yan, pang PS lang ata talaga kami) at pinanood ang Earth Hour concert mainly because of Diana Menezes. Hindi ko napiktyuran, bad trip. Ang napiktyuran ko na lang e ung fireworks.


Earth Hour Fireworks

8pm kasi ung start ng concert at nagkita kita kaming apat sa entrance sa concert ni Timbaland. OO, concert ito ni Timbaland at hindi ni Justin Timberlake. Bakit ganun, mas may buzz ung pagdating ni JT dito kesa ke Timbaland, e concert ni Timbaland to. Feeling ko naramdaman ito ni Timbaland, na ikkwento ko din…. teka lang, wag kang atat.

Jan, Apple, and Zaide at the concert grounds

So 8pm kami pumasok sa grounds at naghintay ng PAGKATAGAL TAGAL! Mga bandang 830 ata e pumasok si KC Montero, Angel Rivero, Ramon Bautista at ewan ko kung sino na ung isa. Natawa ako kasi mas nagsigawan ung mga tao nung si Ramon Bautista ung nagsalita, hehe, mas marami syang fans. Tapos pinasok nila ung ONE ata un na tumambling tambling doon at ang Philippine All-Stars na tumambling tambling din. After nung performances nila e naghintay na naman kami ng PAGKATAGAL TAGAL. Ang sakit-sakit na ng mga paa namin. At dahil dyan, narito ang ilang mga napagusapan:

  1. Jumejerbaks pa si JT kaya hindi makapagstart.
  2. Ang dahilan ay dahil sa kinain nyang panis na Adobo. (oo, napanis ung Adobo).
  3. Rumound 2 sa Jerbaks sa JT.
  4. Nawalan ng tissue paper sa pinagjerbaksan nya.
  5. Napansin naming na walang pakialam ang mga tao kay Timbaland. Puro si Jojo at JT ang inaabangan.

Tapos may nagmiketest. Sumigaw ung mga tao kasi kala start na uli. May sumigaw sa likod namin:

“Andyan na ata si Jojo Timberland”

Nagdalawang-isip kami kung tama ba ung concert na pinasok namin. Or baka may morphing time sila na ginawa na hindi namin alam.

So ayun, may pumasok uli na mga DJ, na hindi ko kilala (si Sarah Meier ata ung isa, di ko sure) at inintroduce na si Timbaland. Masaya naman ung beats nya at nabuhay naman ung mga tao. At Narito ang aming mga obserbasyon:

  1. Lagi nyang tinatanong kung mahal namin sya: “Do you love me?” Tapos sisigaw naman ung mga tao. Kulang ata sya sa pagmamahal. At naramdaman nya ata na si JT lang ang inaabangan talaga.
  2. Ilang beses nyang inuulit ang tanong nya. Pag may tanong sya, 3 beses nya lagi tinatanong. Ankulit nya, may attention deficit ata.
  3. Bingi sya. Bukod sa ilang beses na nyang inuulit ang tanong, sisigaw pa siya ng “I can’t hear you”. Either dahil nakahead phones sya kaya hindi kami naririnig or nabingi na talaga sya.
  4. After nyang sumigaw, ng “I can’t hear you” e sisigaw sya ng “I can’t see you.” Nabulag ata. Buti hindi nya sinigaw ung “I can’t smell you.”
  5. Tapos kung meron daw ba kaming flashy things like glo-sticks na pwedeng itaas kasabay ng beats nya. Nabulag na nga ata talaga.

Hehe, in fairness e ok naman. Napasayaw, napakanta at napatalon niya naman kami. Tapos may kyut pa sa harapan namin, so solve din, hehe.

After ng ilang kanta e napadaan si Jojo. Oo, dumaan lang talaga siya. After ng duet nila ni Timbaland, kumanta siya ng “A Little Too Late” na sinabayan naman ng mga tao. As in may audience participation. Pagtapos niyang kumanta, nagthank you at umalis ng stage. Punyeta.

Di man lang nag-stay kahit 5 kanta. Alam nya kayang isa siya sa rason kung bakit gusto kong manood ng concert ni Timberland, ay ni Timbaland pala.

Tapos ayun, si Timbaland uli. Nagpatugtog, kumanta. Napansin ko lang na synesynthesize lagi ung boses nya. Either nakalunok sya ng pito kaya ganun ung boses nya, or sinasapian sya ng masamang espritu pag kumakanta sya.

Tapos nagbackup si JT sa “Apologize” backstage kaya tamang inexcite ung mga tao. Sigawan lahat. Tapos kumanta na uli si Timbaland mag-isa. Tapos pinakita sa screen si Derek Ramsey habang kumakanta si Timbaland. SOBRANG ingay pala pag may grupo ng babae sa harap at tabi mo. “Si DEREKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKK!!!!!!”.

Tapos aun pumasok na si JT. Buti naman at maraming kinanta si JT, hindi katulad ni Jojo. With matching piano pa nung kumanta siya. Last song ni JT at Timbaland ay “SexyBack” at “Promiscuous Girl” na talaga namang ok. With matching fireworks pa. Sigawan ung mga tao. May video na kinuha si Zaide, kaso hindi ko alam kung pwedeng iupload un. Calling Ma-anne, pwede ba un?

After kumanta nagtanong uli si Timbaland kung mahal namin sya. Kawawang Timbaland….


Responses

  1. in all fairness..nice post😀 hehe

    • Onga infairness… di ko na itutuloy comment ko at masisira pagkabida mo wehehe!

      • Teka, wala naman akong binasag senyo a, kaya ba sya maganda? =p
        Pero tenkyu! Mga tunay kayong kaibigan, bwahahahaha!

  2. i had the feeling isa ka nga sa mga dudumog dun sa concert na yan hehe. and i agree na jumejerbaks pa si JT noon kaya delayed.

    • haha. Nanood ka din ba? Nabiyayaan kasi ng free tickets, at wala akong gagawin for a saturday, so why not coconut dba? ^__^

  3. ay akala ko jujo timberland concert..

    • bakit naman jujo? hehe

  4. haha totoo naman kaya may mga nanood lang sa concert na yan kasi si JT at jojo ang inaabangan ng mga tao hehe ;)oo maganda ang post mo na ito lee kasi wala kang sinirang kaibigan hahaha😛

    • e kasi nilibre kami ni jan ng dinner, haha. kaya good spirits ako nung ginawa ko to ^__^

  5. Blow by blow talaga ang iyong kwento, at nasa MOA lang din ako nun hindi ka text sayang naman, papalibre sana ko sa EL POLO whutever na yan, tutal may common friend naman tayo😀

    • haha, kung ganun man e sayo ako magpapalibre. dukha lang po ako…. *sniff

      • SUs! May dukha bang puro kain ang ginagawa?!

      • natataon lang. saka ung iba libre pag pinupunasan ko ung sapatos nila, tapos tamang kalog ng 3 piso sa kamay sabay kanta. Pag wala talaga sasayaw ng “nobody” sa kalsada habang nakahinto ung mga sasakyan, ahha.

  6. Buti ka pa…nung nagpunta si JT dito sa Abu Dhabi mejo mahal ang ticket eh so kebs na lang…

    Tas nung nag concert si Timbaland (for free) sa park, hindi naman ako nakapunta, mas pinili kong matulog!

    Antanga ko noh? heheheh!

    galing ng kwento mo ha!

    • ngek, haha.
      sinukat ko si JT at Timbaland sa kung saan kami nakatayo, mga half-inch lang ata ang laki nila. Buti na lang may big-screen monitors. =p

  7. gusto ko snang mpanuod yang concert n yan lau nman smen..grrrr

    • bakit boss tiga san ka po ba?
      Marami pong salamat sa bisita, hehe.

  8. sarado ang office ng weekend??

    • sabi ni manong guard e. Pinapabalik kami ng monday. Sabi ko ke zaide twagan n lang nya

  9. di pero halos lahat ng kakilala ko eh nagkakandarapang pumunta haha! may pasok kasi ako at di na pwedeng tumayo ng ilang oras. matanda na si kuya.

    • uy napaghahalataan na, hehe


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: