Posted by: Oliver Lee | March 25, 2010

Bakit?

Simula ata noong napagdesisyunan kong magsulat ng kung ano-anong tumatakbo sa utak ko e walang mintis at lagi kong naririnig yung tanong na:

Bakit ka nagsusulat?

Bata pa lang ako, hilig ko na ang pagbabasa. Naaalala ko noon, di pa ako nag-aaral, meron akong 2 Batibot books na tntreasure (naks!). Ung isa e tungkol sa pamilya ng baboy na ung bunso e iba ung buntot. Basta ang moral lesson non e kahit ano pa ung buntot mo, baboy ka pa rin masama ang racial discrimination. Ung isa naman ay tungkol sa isa namang pamilya ng aso (or pusa?) na ung bunso ay sobrang liit at payat (naka-relate ako e), tapos biglang nasunog ung bahay nila, at dahil maliit sya e sya ung nakalabas ng bahay para humingi ng tulong (aaminin ko, morbid na ung utak ko nun at tinatanong ko kung bakit di sila namatay e natrap na nga sila, e diba mabagal rumesponde ang otoridad). Moral lesson naman non e kahit maliit ka maliit ka na talaga at wala ka ng magagawa may importansya at may magagawa ka na di kaya ng iba.

Nung nag-aaral na ako, mga grade 2 siguro, e binigyan naman ako ng isang book na collection ng fairy tales. Makapal siya, english, tapos walang pictures. Tapos ung fairy tale e hindi Disney-fied. Tipong kinukuwento talaga na nahulog ung witch sa bato bato sa kwento ng Rapunzel, bloody ung pagkamatay nung fox sa Little Red Riding Hood and so on. Lagi kong nire-read un, paulit-ulit. Matagal din bago ko siya napagsawaan hanggang sa di ko na alam kung asan na siya. Ito ata ang dahilan kung bakit ako ganito. The formative years, hehe.

Noong elementary, every school year, may bagong set of books. Tuwing bakasyon, bago pa magstart ang school year, nabasa ko na ung mga kwento sa Reading for English at Pagbasa sa Filipino. Pati ung mga kwento sa Christian Living pinapatos ko pag tapos ko na ung dalawa (ngunit parang walang epekto sa aking pagkatao? Hmmm…..).

Noong grade 2 to 4 ata e naglalaro kami ni Noel (Hi August Alvarez! haha, special mention)  ng super mario sa papel. Alam mo yon? Magddrawing ka ng 5 floor level sa 1/2 pad based sa Super Mario (kahit pagsamasamahin mo ung World, 2, 3, at USA) tapos papasagot mo sa kaibigan mo. Kung naglalaro ka ng super mario, ano ang gagawin mo based sa stage na dnrawing ng kaibigan mo. Anong kaugnayan non? Ewan, di ko rin alam, bigla ko lang naalala e.

Ok, going back. Apat kaming kinausap ng principal namin nung grade 6 na gagawa daw ng school paper (Parang mga nanalo lang sa StarStruck, haha). First un kasi wala talaga kaming school paper. Pinaka exercise na namin sa pagsusulat ang formal theme. Ang title daw ng paper ay “Michaelans” (btw, sa San Miguel Catholic School ako nagelementary sa may Malacañang). Four pages, ilalabas every grading period. Depende sa happenings sa school. Kaso hindi nagmaterialize, last batch na pala kami ng school, magsasara na siya. Bumaba kasi ung enrollment rate nung pinasara ni Ramos ang dating free-for-all na daanan sa Malacañang (un ang intindi ko) at may mga offices ata na umalis near Malacañang kaya apektado ung enrollment rate ng school. Most kasi ng students e mga employees ng Malacañang or mga anak ng mga nagttrabaho sa offices near Malacañang. Hindi na kinaya. Useless ung project. Kaya bilang ganti, tnreat na lang kmi ng principal namin sa every month na field trip kaya oks lang.

Pagsabak naman sa High School, unang araw pa lang e nagsign-up na agad ako ng Journalism as an optional subject. Tuwing 1st at 2nd year kasi, optional lang ang journalism, extra-curicong curricular lang. Pag tapak mo naman ng 3rd year at 4th year, pwede mo siyang gawing elective, so tuloy-tuloy na ako nun. Tanggap ko na noon na hindi pwedeng drafting ang maging elective ko dahil elementary pa lang ako e sandamakmak na panlalait na ang nakuha ko sa itsura ng sulat ko. Ang consolation ko na lang noon e pag naririnig ko na kapag pangit ang sulat ng bata, nagiging doktor. Well, ako ang living proof na mali ang theory na un. Kids, kung pangit ang sulat niyo, tanggapin na lamang ng maluwag sa loob, mmkei?

At un nga, doon na ako natutong magsulat at ng kung ano-ano pang kalokohan. English pala ung paper namin noon. For first year and second year, hawak namin ang “The Glow”, every grading period ang labas. Pagtapak naman ng third year at fourth year, “The Mapazette”, ung official english school paper. Gumawa pa kami ng mock paper na “The Mapaziette”, na sa SS1 at SS2 lang ata namin nilabas (oo, akalain mong asa special science 1 class ako?). Ang forte ko noon e copywriting (na narealize ko din na baka kaya ako nilagay dun e dahil hindi mababasa ng teacher namin ung sulat ko pag nag articles ako) at headline making (“Mangangaso, nag akyat-bahay, kinagat ng aso!”, “Bulag, nagdilim ang paningin, nakapatay!” , “Photographer, nakunan!”, “Matador, chinop-chop!”). Kaya pag may contest, alam na namin kung saang category kami. Minsan, napapasulat din ng features, news. Pero  mostly pag kailangan ng article, sa features ako nagsusubmit. Wala kasing rules doon, hindi katulad sa news. Malawak ang lisensyang magsulat.

Pag-apak ng college, hindi ako sumali sa university paper. Alam ko kasi magiging busy ako (nye, nye nye) at hinding hindi ko maipapasok ang pagiging staffer sa schedule ko. Besides, mas mahigpit na sa college, unlike sa high school na kahit di ka magpasa ok lang (or dahil mabait lang ang teacher namin?).

Pero kahit hindi ako nagpaper noong college, doon naman ako namulat sa blog. Tulad nung asa about me, nth time na nga ito diba, hehe. Pero kung tama ang memorya ko (na wala akong tiwala) ang unang una kong blog ay sa thespoke (at hindi ko na makita ung site, kaya walang link). Parang naka 3 or posts lang ata ko dun. Masaya din kasi puro porengers ung mga nagcocomment. Hindi ko na maalala kung bakit di ko na tinuloy.

Meron pa ako nun, gumawa ako ng personal site ko. Diba nauso nun ang lycos, angelfire, etc. Ung sakin, ginawa ko sa geocities (wala na atang geocities ngaun). Personal site. Nagsusulat din ng kung ano-ano. Sayang di ko nasave ung articles ko, di ko tuloy mapagtawanan sarili ko, (haha). Basta ang naalala ko nun e may about me na may malaking stick figure na naka-hi tapos may sumbrerong pula. Parang tanga lang.

Tapos nung nauso ung friendster, un din, nagsulat din ako sa blogs niya, pero wala, nagkatamaran. Sa multiply din, aun, rest in peace, haha.

Tapos, after oh so many years and unforeseen circumcision circumstances, gumawa ako ng blog sa blogspot. Sa blogspot ko ito unang inumpisahan, inilipat ko lang sa wordpress kasi ayaw gumana nung blogger for word, booo! hahaha. Mas madaling magpublish from word to wordpress (haha, nanira pa). Buti na lang may mga naiisip pa akong isulat. At after almost a year, ay sumali sa iba-ibang blogging community at nakirambol.

So, going back sa tanong sa taas, ang sagot ko e:
“Bakit ba? Brain cells mo ba at kamay mo ang ginagamit ko sa pagsusulat? Trip trip lang, walang basagan ng trip. And World Peace! Tenkyu!”

P.S. At oo, hindi ako magsusulat sa kung anong nangyari kay Anne Curtis. Crush ko un e, hehe.

Advertisements

Responses

  1. wow pare! profound… lol!

    • batchi, text or call me pag avail ka, i have something to tell.

    • Hehe! Pa-rehab na natin tong kaibigan natin… baka makasakit… =D

      • Samahan mo ko? hehe

      • Sori! Next time na lang ulit haha!

  2. Binasa ko talaga sya mula umpisa hanggang huli! Ikaw na ang writer fine! hihihi

    • Haha, salamat at sumasakay ka sa kalokohan ko. Haha. Pero feeling ko hindi talaga fiction ung last post mo, peace! ^__^

    • sang rehab mo gusto lee? =))

  3. So galit ka na sa akin nyan kasi binaboy ko si Anne Curtis wahaha peace!

    • OK lang, sntrikethrough mo naman e. At least nalabas mo ung saloobin mo. Baby steps! Hahaha

  4. haha. bata pa lng din ako, mhilig n ko mgbasa kaso di nman ako naging magaling na writer, tsk. gumaling lng ako bumasa. yun lng. haha.

    • hehe, ako din naman e, ang alam ko lang e mas gumaling din akong magbasa, ^__^

  5. At talagang last mention si Anne Curtis? Hehehe, ang haba ng kwento–heheh. Gusto ko yung Fairy Tale Book na hindi Disney-fied. Yun yata yung original ng Grimm Bros. eh. Sayang, mas siguro magandang basahin yung ngayon. Makatotohanan.

    • Basta green ung cover nung book na un e. Hindi ko na alam kung san napunta ung book, sayang.

  6. dumdidumdidumdidum ilang taon ka na ba? parang alam ko yang mga sinasabi mo lalo na sa batibot books LOL! tsaka yung super mario sa papel haha

    • oi bata pa po ako (or so I like to think). asa kalendaryo pa naman ^__^

  7. hala parang puppy na inoopress haha! ganyan talaga pag age ang topic


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: