Posted by: Oliver Lee | March 21, 2010

The Watering Hole – Banchetto Adventure

Ang galing ko ng gumawa ng title no? Hehehe. Napakaunique!

.

.

.

Ayun nga, gaya ng sinabi ko, nagpunta kami ng Rome. Nagkita kami ni koopal Zaide sa SM Megamall for our departure flight (hehe, talagang pinanindigan no?). Aktuwali, dapat cancelled tong lakad na to, kaso sadya kaming mga gago kaya itinuloy pa rin namin. Anglalabo kasing kausap nitong mga kaibigan namin, ewan ko ba, haha.

Nung nagkita na kami ni koopal, nagpunta na kami sa El Pollo Loco. Ito ang isa sa mga pinaka the best, super, uber sarap na kainan, ahhaha. Hinding hindi ako magsasawa sa manok nila. Walang pictures kasi gutom na gutom na kami, hehe.

After kumain, nagkayayaang uminom at pumunta sa Watering Hole sa Shangri-la. Hindi pa kasi kami nakakapunta dun kahit ilang taon na kami sa Ortigas. (aktuwali sa Makati na si Zaide, ako na lang naiwan sa Ortigas) Syempre, dahil sadya nga kaming gago e pinasunod namin si Manster Jen. Hindi ko na sasabihin kung ano ung dahilan kung bakit sya biglang napasugod, haha. Baka wala ng maniwala samin pag totoo na. ^__^


Jen and Koopal Zaide


Eeewness, haha

At un nga. Umorder na kami ng SML at tokwa’t baboy as pulutan. Tapos nagpalibre ako kay Zaide ng mangga’t bagoong hehe. Nung dumating si Jen ay umorder siya ng additional pulutan, Pork Sisig. Mukhang mali ata ng rinig ung waiter, ang binigay kasi samin, SISIGBUYAS.


Sisigbuyas


Hindi masyadong nagalaw si Sisigbuyas.

Nung kinalkal ko siya e parang puro sibuyas lang ang nakikita ko. Parang 85% sibuyas ata ung content nya. Sana nag onion rings na lang kami. At least alam namin na sibuyas ung inoorder namin.

At un nga, after naming lait-laitin at bigyan ng bagong pangalan ung Pork Sisig nila as “Sisigbuyas”. Napansin namin na 12mn na at nasa Ortigas kami, nagdesisyon kaming magpunta sa Emerald Ave for Banchetto!

Halos 2 beses ata kaming umikot para tignan kung san masarap at napagdesisyunan namin na bumili dun sa stall na napansin namin na ang haba-haba ng pila.

Tandaan: Kapag nasa mga food stalls, doon bumili sa maraming taong nakapila. May dahilan kung bakit doon sila bumibili. At may dahilan din kung bakit walang bumibili sa ibang stalls.

At un nga, doon kami bumili sa “Monster Burger”. Meron silang dalawang size. Ung quarter pounder na P75 at Half Pounder na P130. We decided na umorder nung half-pounder at ipahati na lang sa 3.


Look at that Patty!


Andaming burger patties!


Napagod ng maghintay ung resident photographer namin.

After ata ng 10-15 minutes bago naibigay ung order namin. Nung makuha na namin ung burger, bumili kami ng isang slice ng BLUBERRY CHEESECAKE! Oh yeah! Burger and BBC, bliss….


May small and mini version sila ng BBC.

P45 ung isang slice nung maliit na BBC, tapos P80 ung isang slice ng malaki. Binili namin ung isang slice ng malaki. After buying, naghanap kami ng table na available kaso punuan. Kaya nakimasa na kami at naupo sa steps ng PLDT-Ventus since marami din naman nakaupo at kumakain dun.


Hinati lang sa kalahati ung burger, sabi namin 3 e.


And the BBC. Pwede na bang model ung mga kamay ko? Ahhaha


Para kay Ann, tinira namin. Pero kinain ko, ahhaha.

Nakalimutan ko ung name ng stall ng BBC, pero kung sino ka man, pakitamisan ng onting-onti ung cheesecake. Kasi parang wala akong maramdaman at nalasahang cheese nung sumayad ung BBC mo sa lalamunan ko.

Bukas pala ang Banchetto from 12MN – 9AM (I think) every Saturday sa kahabaan ng Emerald Ave, Ortigas. Peace out!


Responses

  1. hahhaa sa susunod d n ko maniniwala sa inyong dalawa ni zaide haha
    grabe d niyo man lang naconsider na babae ako 10:30 n ko umalis ng bahay😛

    at thanks pala lee sana nicrop mo n lng ako, nageffort ka pa burahin face ko sa pix dito hahaah

    • weh, babae ka?
      ahh, sino kaya ung nagpahintay tapos hindi naman dumating?
      karma mo yan, cancel ka kasi ng cancel, haha.

  2. i miss emerald ave ortigas!!!! yung cheesecake hindi mukhang cheesecake hahaha mukha lang siya blueberry na may icing.

    • Dapat ata irename nila ng Bluberry Icing with a dash of Graham crackers, haha

  3. Nice naman ng trip ninyong magkakaibigan! Hehe🙂

    • Thanks po for the visit!

  4. wala nga ako sa gig niyo na ito pero mentioned padin ako, di lang mentioned ha wasak! haha😛 anyways natouch ako sa tinira niyong burger slice for me pero mali yung title mo dun sa tokwa’t piggy harhar😛

    • Oo namali lang ng sulat. Tokwa’t Ann, este Baboy pala….

      Dear readers:
      Ann = Magz.

      Sige subukan mong magpalit pa ng pangalan, Bwahhahahaa!

  5. Nagutom naman ako jan! Parang ang sarap ng burger! Yummmm!

    • Hehe, thanks po for the visit.
      Masarap ung burger pramis, hehe. Nakakadisappoint ung blueberry cheesecake. Ang sarap pa namang tignan.

  6. Taga ortigas din naman ako baket hindi to alam yang monster burger na yan. Siguro hindi lang afford ng maliit na sweldo ko ang burger na ito.

    • Nge, kayo pa, e kaka Palawan nyo pa lang po, hehe.
      Sa may tapat po sya ng Strata 2000 pumepwesto, kung hindi sya nalilipat ng pwesto, hehe

  7. sarap naman ng mga pagkain, parang nagugutom ulet ako. dapat pala nung umorder kayo ng sisig sinabi nyo, paorder kamo ng sisig na sibuyas ung may konting laman.. hehe

    • Hehe. Epic Fail nga po ung sisig nila. Mahal pa man din sibuyas lang pala laman =(

  8. mabenta yang burger na yan’
    lage ako sa banchetto’ try mo yung sausage fiesta! schublig! : )

    • Un ba ung stall na may manong foreigner na umiikot sa banchetto at nagaabot ng flyers?
      “Ye mayt wenne try diz?” hahaha
      Sige next time, try ko naman un.

  9. add kita sa blog list ko..

    • Thanks po! at salamat sa pagbisita.
      have visited your site, ang kata nyo pala ser! ^__^

  10. hmmm di kaya nadaanan ko pa kayo sa banchetto nyan last friday? kakadisappoint yung sisigbuyas no? hehe. di ko ma-gets ang bliss ng burger and cheesecake pero kanya kanyang food trip yan haha! i applaud the visual aid — labels and all

    • Thanks po!
      Baka po, hehe. dalawang beses kami umikot sa banchetto before buying e.
      Sucker kasi ako sa burgers at bluberry cheesecake e, bliss sakin un. haha.

  11. Paborito kong mag-shot jan sa Wa-Ho (Watering Hole) kahit nakakasawa na yung pulutan… Sarap magkwentuhan jan eh kasi hindi masyado maingay at matao…

    • traumatic lang para samin ung sisig, haha

  12. officially I’m in makati na. you can tell your friends na may banchetto rin dito sa ayala area. sa may salcedo villange nga lang. tsaka mga bored and rich housewives ang nagtitinda.

    • hmm matry nga dyan minsan… bored and rich housewives, ay, i mean, food sa banchetto, ahhahah

      • please let me correct ng konti lang po… the one in Salcedo is one of the weekend markets in the metro but it is not called Banchetto… salamat po…

  13. May banchetto kaya sa goodfriday? Hehe

    • i doubt. baka wala nyan.

  14. Ann and Jhen , pansin nyo parang nilait tayo ni Popoy dito? Koopal, Manster and Tokwa’t Ann…

    • Natural akin to no, dapat ako bida, hehe. Aykendoo watevah ay want! haha

      • tama ka zaide.wag na popoy ang itawag mo sa kanya!! haha kelangan magisip ng panglait kay lee!!! =))


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: