Posted by: Oliver Lee | March 14, 2010

The “Metro by Tokyo Tokyo – Texas Bbq Bar – Secret” Adventure

Dahil pogi ako at akin tong blog na ito kaya wala kang control sa kung ano-anong shit ang sasabihin ko…..
.
.

.

.
.

Un lang, gusto ko lang ilabas un, hehe.

Para sa iyong kasiyahan at pandagdag cause sa paglabo ng iyong mata, narito ang aming adbentyur last Friday, March 12.

Metro by Tokyo Tokyo

Nagpunta kami ng Metro Tokyo. The End.

Texas Bbq Bar and Restaurant

Nagpunta kami ng Texas Bbq Bar and Restaurant. The End.

Secret

May secret adventure kami. The End.

The End. Tenkyu!

…………..

…………..

…………..

…………..

……………

Ok fine. Ito  na.

Intro

Dahil ayaw umalis ni Ann nung Friday nung ako ang nagayang lumabas at bigla na lang sinabi sakin ni Zaide na aalis kami kasama sina Mond, Angel, at Ann, dumiretso ako ng Glorietta after work. (Inaya ko si Ann, umayaw. Inaya sya ni Zaide, umoo. Do you smell something fishy? Or you smell something is up? Pick your poison.) At dahil may bago akong shades/glasses, pinagtawanan nila ako (kaya mga PI kayo, bwahahaha). Anyway, dahil pogi naman ako sabi ni Ylmas at hinihintay namin si Mond at Angel, tumingin kami ng dog soap sa Park Square dahil naghahanap si Ann. Meron ata syang tick problem na hindi namin alam. Kaso nagutom ako, at since bigla kong sinambit na “Tara mag-dinner na tayo”, e tila bang umaliwalas ang mukha ni Ann at parang nagsibabaan ang mga anghel sa langit habang kumakanta ng Hallelujah.

Nung sinabi kong sa Mang Inasal kami kumain, it’s Zaide’s turn naman to lighten up his face (aktuwali gusto ko ng silaban ung mukha niya, kaso may utang ako, kaya, teka, wettaminit…..). Kaso ung Mang Inasal ay kelangan pang umakyat ng MRT. At dahil kami ay buff, lean, sporty, at super-fit, napagpasyahan namin na sa Army Navy na lang kumain dahil ayaw naming umakyat ng MRT (sira kaya ung escalator). Isa pa, may crush kami ni Zaide doon (at Zaide, running count for the number of smiles she gave is 3-0 favoring on me, bwahahaha!). Kaso mo, wala ung crush namin doon, kaya lumipat na lang kami sa ibang resto. At dahil ayaw ni Ann kumain ng Japanese food, nagpunta kami sa Metro by Tokyo Tokyo.

Metro by Tokyo Tokyo

Nasa baba lang naman ng Army Navy ung Metro at gumagana ung escalators kaya ok lang na puntahan namin siya, knowing that we are buff, lean, sporty and super-fit. Masaya dito (or ung experience namin) dahil napilitan gumamit ng chopsticks si Ann, kaya tuwang-tuwa kami na kahit anong hirap kumain e nagpursigi si Ann, makakain lang. Hindi ko na napiktyuran ung food kasi nga gutom na gutom na kami. Kaya ito lang ung nakuha namin.

Tissue at Chopstick ni Metro

Cover ng Menu nila

Ung nakaprint sa lower-left ng placemat nila.

While waiting for the food. Ganyan kagutom si Zaide, hawak nya ung chopsticks kahit wala pang pagkain.

Lady Gaga and Boy Gago.

At un na nga, after a century or two, dumating na ung food namin. Ang inorder ko e ang walang kamatayang Tonkatsu Don (pork), Torikatsu Don (chicken) for Ann, at Saboro Style Pasta (pasta with beef and asian sauce) for Zaide. Wala akong makita sa google na pix nung food e, sori. Pero napicturean ko na nung tapos na kaming kumain ni Zaide.

Aftermath

As usual, hindi naubos ni Zaide ang food niya (kaya di ka na kasama sa SM). Sa kanya ung white bowl sa dulo. At since hindi naubos ni Zaide, alam nyo na.

The aftermath of the aftermath. So basically, the after-aftermath.

Dito na namin hinintay sina Mond at Angel. Habang naghihintay ay nagpapapicture ung katabi naming table. Being the envy persons that we are, syempre, hindi kami nagpahuli. Kinuha ko ung coaster for remembrance, first time e.

Texas Bbq Bar and Restaurant

Nung dumating na sila Mond at Angel, nagkayayaan na to drink and stuff. Actually, hindi ko na alam kung saan kami napunta, haha. Sabi nila sa may Burgos daw un. Basta alam ko asa Makati pa kami, may mga nakita akong picture ni Binay e. Si Mond ang bahala kung san pupunta. After checking out the bars and restos there, nauwi kami sa Texas Bbq Bar and Restaurant.

Group pic (na wala ako kasi ako ung kumuha) bago pumasok.


Zaide with the dugee. Ay, hursee pala.


May props na hat ung cactus e. Condom nya ata un, haha.

After settling in, we ordered some beer and some pica-pica. Si Keith Martin pala ung kumakanta dun sa Bar, di namin agad napansin. At syempre, kinanta nya ang once-national anthem ng Pinas na Because of You.


Posing bago pumasok


Ung menu nila. We ordered Nachos and Onion Rings saka Beer.

Nung halfway round 2 ata namin, umuwi na ung dalawang gels. Hahabulin ata nila ung MRT… literally, hehe.

Ubus na!

After umalis nung 2 gels, naground 3 kami sa beer. Tapos napagkasunduan na umalis kasi may pupuntahan kami. Kaya after magbill-out, lumabas na kami at tumungo sa aming destinasyon.

Secret

After lumayo-layo ng onti, nakarating na kami sa aming pupuntahan….

…………..

…………..

…………..

…………..

……………

Pero secret nga, kaya di ko na sasabihin kung saan. Basta meron akong ítem na galing dun sa pinuntahan namin. May picture din pala ako, tignan mo na lang pag nagkita tayo, kung sino ka man na nagbabasa nito. Kaya next time Mond, Zaide, alam mo na ha…..hehehe.

P.S.: Congrats pala to Pacman for beating Akon, hahaha.

Advertisements

Responses

  1. Ayus… magaling ka nang gumawa ng blog. =D

  2. FYI nga pala… I agreed na 3 times ka nginitian pero di ko cnabing hindi cya ngumiti sakin… *eat that*

    • You and your imagination….

      • Hahaha! lakas ng fighting spirit ah…

      • Un na lang ata meron tayo e, ahha

  3. hahaha masyadong machika tong blog mo..san nga kayo nagpunta after texas grill?!!!! 😛


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: