Posted by: Oliver Lee | February 15, 2010

20 Things

Naalala ko may blog pala ako, hehehe….

Napakatamad Napakabusy ko kasi lately, hehehe. Ung huling post ko e tungkol sa pagwwhine hinaing ko sa pagoovernight sa office. Pero ok na yun, nabawi ko na ung overnight ko.

Ylmas, the lazy dog

A lot has happened since then (congrats ke Jen at Ers, ito na ung isa sa mga signos na hindi naipakita sa pelikulang 2012, mwahahha. Peace!). At since wala akong maisip na isulat dito, kukuha ako ng idea mula sa mga blog na nababasa ko tuwing nasa office. Makiki-uso ako, bakit ba.

20 Random Fucks Pacts Packs Things About Me.

1. Ako ang bunso sa tatlong magkakapatid. Ako lang ang boy. (Kung mapapansin mo, sa ibang mga blog, ito rin ang simula nila. Kung gagaya lang ako ng idea, lulubus-lubusin ko na, hehehe.)

2. Sarado na ang elementary school (R.I.P. San Miguel Catholic School) kung saan ako grumaduate. Kami ang huling batch. Wala na daw kasing gwapong mag-aaral sa skul nila. (ung school namin e katabi ng San Miguel Church sa San Miguel (malamang), Manila. Malapit sya sa Malacañang.)

3. Noong elementary ako, sumali ako sa Karate class sa school namin. Grade 1 or 2 ata ako nun. Kuntodo uniform ako nun, with matching belt pa. Akala ko e magiging kasing-galing ko ang Maskman o Bioman after nung class na un. 1 beses lang ako pumasok kasi sumakit katawan ko, hehehe.

4. Nung Kinder ako, ako ang valedictorian ng klase namin (much contested pa ata un, ung katunggali ko hanggang ngaun e may sama ng loob ata sakin, hehe. Peace, you know who you are). Tapos nung Grade 1 1st honor, tapos every grade e bumababa ung honor ko, haha. Hanggang Grade 5 lang ata ako may honor, pagdating ng Grade 6, Loyalty Award na lang. Sabi ko kasi nun, it’s their time to shine, hahaha.

5. Private School ung pinasukan ko noong elementary, public school naman ako nung High School (Victorino Mapa High School, awa ng Diyos bukas pa siya). Medyo malaking adjustment nangyari sakin nun kasi iba ung culture (read as kal/tyur as per dept head ng English namin noon na si Mrs. Adriano). Nung elementary kasi kami e iniiwan namin ang bag namin sa room, hindi pala ganun sa High School, kelangan mo palang dalhin kasi iba-iba ung room. Ayun, ang genius ko no?

6. I took up journalism as an extra subject when I was in my 1st Year and 2nd Year HS (halata na ba? hehe). Regular subject ko na siya nung 3rd and 4th year ko. Frustrated ako noong Elementary kasi wala kaming school paper, kaya nung 1st year, nag-signup agad ako. Bawi naman kami sa monthly field trip nung elementary.

7. Stemming from number 6, nung Grade 6 kami, tntreat kami palagi sa field trip nung Principal namin. Kaming klase lang ang laging may field trip every month. Minsan nga e naging weekly pa ata un. Ang paggala sa malls ay isa sa itinerary (minsan nga only e) ng field trip namin.

8. Copyreader ako noon sa School Paper. Awa ng Diyos e nananalo naman ako sa mga contest na sinasalihan namin noon (Issulat pa sa blackboard ung name mo sa hallway. Colored chalks! Sosyal!) Weird kasi dapat ang copyreader at editor-in-chief ay iisa, pero in our batch hiwalay, mas gusto ko kasing mag-correct sans the sakit ng ulo. Aktuwali, ok din nun, kasi di ko na cncheck articles nung mga kasama ko, so in short, bum ako sa school paper, haha. Nakita siguro nung teacher namin na mapamintas ako at tamad magturn-over ng articles hahaha. Pero all around naman ako kasi pwede ako sa news, features,  editing at headline creation with matching sukat (tandaan, ang M at W ay malaki ang points) at sub words (Insert your name here writes 30) na pwedeng gamitin. Tipong “Dalawang bulag nagkatitigan, dedo!”, “Bading nadamay sa away, napasubo!”, “Buntis na photographer, nakunan!” (I can go all night long like this, haha. English pala ung paper na sinalihan ko, gusto ko lang ung headlines na ganyan para may impact, haha)

9. Member ako ng Boy Scout nung High School at Elementary at ROTC nung High School. WALA, as in wala akong natutunan sa knots! Natuto naman ako ng Flag Folding at Compass Reading basta ililimit lang natin sa North, South, East, at West. Noong 3rd year ako e officer na kami ng Boy Scout kasi walang Boy Scout na 4th year noon (or meron kaso di ata active, i dunno). E nung 3rd year kami cumpolsary na ang kasali sa ROTC, kasali sa Boy Scout. Kaya aun, higher officer kami nung Boy Scout sa mga officer namin sa ROTC. Pero mabait naman kami, hehe, wala nga lang silang hawak samin pag Boy Scout kami. Nung ROTC naman, MP Commander dapat ako, kaso hindi ako nag-finals kaya naging NonCom ako. Ok lang, habol ko lang naman kasi nun e wag mag PE, hehe.

10. Puro school ang binabanggit ko kaya iba naman. Kapag nauubusan ako ng words or nagagalit, nag-eenglish ako. Like this! hehe.

11. Minsan akala ng ibang tao nasisigawan ko sila (which is true! hehe), napapalakas lang talaga ung boses ko minsan, lalo na pag nagpapaliwanag at hindi ako maintindihan. Inis ata tawag dun, ahhaa.

12. Noong 3rd year ako, isa akong dakilang epal sa computer room ng school namin, hahaha. Noong 2nd year kasi at 3rd year, kinuha akong extra para gumawa ng articles para sa website na ginagawa ng school para sa SEAMEO (Southeast Asian Ministers of Education Organization). E naging tambayan din kasi namin ung computer room, ayun, hehehe. Ako lang ang isa sa mga katangi-tanging estudyante na nakakapaglaro ng Pokemon sa room habang may nagkklase, hehe.

13. Mahilig akong magbasa, medyo marami akong books sa bahay. Bata pa lang ako mahilig na akong magbasa. Noong grade 2 ako, meron akong book ng fairy tales na walang pictures. As in puro words lang talaga. Tapos un ung talagang fairy tales na dark, wala syang touch of Disney whatsoever, kaya siguro twisted din utak ko ngaun, haha.

14. Noong pacollege na ako, pumasa ako sa entrance exams ng UST for Accountancy. Kaso for some stupid reason, biglang ayoko na dun. Ang reason ko ata nun kasi bahain, saka math ung accountancy. Sinabi ko lang na pumasa ako sa 2 kong ate nung day after nung last day of enrollment. Nagalit sila sakin, kasi hindi pa lumalabas ung resulta nun sa PLM, at pag nagkataong hindi ako pumasa sa PLM, wala akong college. Talagang sumugod kami nun sa UST at kinausap nung ate ko ung parang dean ata dun sa admissions or something. Basta ang nangyari, nalagay yata ako sa waiting list. Buti na lang lumabas na din agad ung results sa PLM.

15. Kaya IT ang kinuha ko kasi naexpose nga ako masyado ng sobra sa computers nung High School. Natuwa ako sa paggawa ng mga website. Tapos pwede ka pang maglaro, san ka pa? hehe.

16. Madali akong maligaw. Hindi ko masyadong natatandaan ung mga lugar unless 3 or 4 times na akong magpupunta sa lugar na un.

17. Hindi ako lamigin at madali akong pagpawisan (ito ata ung effect nito). Nung nagBaguio kami nina Zaide (read related post here) naiwan ko ung jacket ko kaya napilitan akong bumili ng jacket sa Baguio. Akala ko kasi lalamigin ako ng sobra sa gabi. Turns out, nainitan pa ako, hehe.

18. Pag pupunta ako sa isang lugar, as much as possible, gusto kong kumain sa lugar na wala sa Maynila (e.g., fastfood). Or pag sa mall naman, kumain sa restaurant na di ko pa nakakainan. Pag nagttravel kami sa ibang lugar, tumitingin ako sa internet ng mga blog entries or sites sa mga recommended restaurants in that area para kung pwede naming puntahan, kakainan namin.

19. Hindi ako nakakatagal sa beer. Mas nakakatagal ako sa hard drinks.

20. Mahilig ako sa video games (obvious ba?). Pero gusto ko sa games, ok ung storya (kung meron) and/or ung gameplay. Recently, naturuan ako ni Sol na maglaro sa Arcade ng Dance Mania, mas ok ata ako sa wave kesa mag-stomp sa Dance Revo. Ako ay currently busy sa pagsave sa universe from Collectors at Reapers… part 2, hehehe….

Whew! Hirap pala mag-isip dito, haha. Til next time! (Read: pag sinipag at may nanakaw naisip na akong isulat uli)

Advertisements

Responses

  1. At akalain mong naisulat mo lahat ng iyon??? wahehehehe…buti pala pumasa ka sa PLMkung hindi wala kang college hehe

    • onga hehe. Hindi ako makakapagaral, ^__^


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: