Posted by: Oliver Lee | April 7, 2009

****

Antok.

Yan ang nararamdaman ko ngaun. Bakit naman kasi sa hinaba haba ng oras e ngaun pa ako inantok, at hindi mamayang gabi pag patulog na ako. Ang weird, kasi pag gusto mong matulog, hindi ka antuk-antukin. Ngaun naman na kelangan e gising at alert ako, saka ako dadalawin ng sobrang tindi na antok. Biruin mo un, saka mo mafefeel ung pagod at bigat ng mata at sakit ng ulo. Pero pag gusto mong matulog, saka naman gising na gising ang diwa mo.


****

Holy week na. Andami na namang magbabakasyon sa kung saan saan. Ang sarap magbiyahe sa Maynila, walang trapik! At dahil bakasyon, punong-puno na naman ang Bora at Puerto Galera. Hindi ko enjoy ang beach pag masyadong madaming tao. Parang ung peace kasi at serenity nung atmosphere hindi mo mafeel (or bitter lang ako kasi wala akong pera na pampunta dun, hehe).

****

May kelangan akong aralin na bagong sumthing para sa trabaho ko. Gusto ko siyang basahin, kaso inaantok ako. Interesado ako, kaso sumusuko utak ko. Isang paragraph pa lang bumabagsak na mata ko. At kelangan ko pang ireread ung first paragraph kasi hindi ko maintindihan. Basics at fundamentals pa man din so kelangan mo talaga syang maintindihan. Sobra kasing wala akong idea dito sa kelangan kong aralin. Sana lang e tyagain akong aralin to at sana e maging daan ito para maging mayaman ako (bwahahahaha!).

****

Ngayon ko lang naapreciatte ung mga self-help sumthings (books, audio, poster, flyers, kariton, at kung ano ano pa). Ok din naman pala. Dati kasi e hindi ko maintindihan kung bakit may nakakaapreciate ng ganun. Although naapreciate ko na sya (onti lang, alam ko na kung bakit kelangan ng tao ng ganun), hindi pa rin ako magkaroon ng initiative to pick a book and read one. Gusto ko kasi, ung may interes ako at initiative to dwell some time on it. Iba ung appreciation at accomplishment pag galing talaga sau. Hindi tulad pag pinilit mo ung sarili mo, hindi mo maappreciate ung ginawa mo kahit pinagpaguran mo pa.

****

Alam mo ba na pag ang isang artikulo e hinati hati ng ganito e walang maisip isulat ang writer. Kasi maraming idea ang nagpapop sa utak nya, pero wala siyang mapiling isang topic na pwedeng ijuice for ideas to write. Ibig sabihin, kung ano na lang pumasok sa utak niya, un ang issulat niya. Ibig sabihin wala siyang idea how to glue his topics together kaya para madaling mag lipatlipat ng topic, may mga separator at ganito siya kung magsulat. At ang ibig sabihin kaya ganito…

Magulo ang utak.

Advertisements

Responses

  1. oh we call this a Random Type of Blog 🙂

    Nicely done! Ayan ngayon alam mo na, na hindi ka nag iisa na masipag sa trabaho! wahahahahahaha dahil nandito rin ako!

  2. syet bro! nag ba blog ka na pala! i didn’t know 🙂

    and, meron ka pang how-to travel ha. didn’t know you love travelling din pala. trip tayo, inggitin natin si umleo. haha

  3. baket asa gitna? ala lang. kala ko in chronological order to.

    pwede pag mga ganitong post, magpicture ka ng sarili mo nang makita naman kita. masochista kasi ako eh, gusto ko inisin sarili ko. hahaha. peace!

    ano CDO na to chong. hehehe

    – JDI


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: