Posted by: Oliver Lee | April 2, 2009

The Do-It-Yourself Palawan Trip! (day 2)

Since English ang post ko for Day 1, pwede bang tagalog na dito... Hirap e... hehehe…. Sa mga future post na lang ako mageenglis englisan, wokey?

So for Day 2 (tagalog nga dba?), gumising kami ng 6AM dahil pupunta kami sa now world famous na underground cave o mas kilala bilang Puerto Princesa Subterranean River. Kelangan naming gumising ng maaga since two hours ang byahe from our place to the site. We just took our breakfast on the road na lang. Syempre si Mang Armando (insert telenovela sound here) ang naghatid sa amin. The night before, Mang Armando had us buy some mineral water for the trip to underground river kasi mahal daw ung tubig sa Sabang port, tapos magdadala na lang sya ng cooler. Also, we bought na rin some snacks para sulit.

Here are some pics along the road. Kung mapapansin nyo e bukas ung bintana, mas presko kasi sa aircon (not that the aircon is malfunctioning). Saka hndi mo magagawa ito sa Manila no. Ito ung pure fresh air talaga!



Jan and Apple having breakfast.


Joas and Airene having breakfast.

Zaide…. wala un lang, sya lang ung nandito.

Me! Stolen shot by Zaide habang nageMTV moment ako.

Gaya ng sinabi ko kanina, we opted to have the windows down dahil sa fresh air at dahil din sa mga lugar na ito na nadaanan namin.

Below photos taken by me:

On the road
A bukid

A bukid too!

Valley Skyline


The Sun is rising!

Below photos taken by Zaide, Joas and Jan (at kung bakit ako lang ang merong sariling section for photos taken by me, wag kang umangal at ako bida dito, hehehe):


View from the back. Medyo kulay pink (or violet?) kasi from the inside ang kuha, tinted ung salamin ni Manong.


Bundok! From the inside din na kuha.


Sunrise shot.


Sunrise shot too!


Isa pang bundok/cliff/land formation.

After 1 1/2 hours dumaan muna kame sa isang Tourism Information Center dahil kelangan magparegister. Manong took care of our registration kaya ang resulta:


Yeah!


After magparegister, may mga 30 minutes uli na ride to reach the port. May parang isang office uli dun where you will pay for the boat rental and the fee for the underground river tour. I think it was round P780 ($16.289), not sure though (dapat pala sinulat ko). Anyway, regulated naman ito ng DOT at lahat ng kelangan nyo e dun nyo na babayaran.

At the port.

The port.

While waiting for our turn to ride our boat. Malaboy-band na kuha ni Zaide.

So it was our turn to ride the boat at syempre, pictures pictures uli. Mga roughly 1 hour (45 minutes I think) ung boat ride namin to reach Sabang beach:Maraming scenes na pwedeng picturean while on the boat so get your cameras ready. For the pictuers that we have taken, just check my Facebook account. Tamad pa kong gumawa ng photo album (re: Flickr) account e, kaya dun na lang muna.

Arriving at Sabang Beach, sobrang ganda, pramis! (ang panget nung sentence ko, hehe) Yun nga lang, preserved itong area na ito kaya bawal maligo (*sob). Isa pa pala e siguraduhin nyong wala kayong dalang plastic bag at secured ang bags ninyo. Bakit? Kasi kukunin ng mga unggoy (literally, hindi magnanakaw kundi unggoy talaga). Lalo na ung mga pagkain or small things like handbag and stuff. May mga tao namang nagbabantay dun sa area kung san nyo pwedeng iwan ung bag nyo, pero all the same, mas maganda e ingat na din kasi mahirap makuha at baka iaakyat sa mga nagtataasang puno dito. Meron din palang mga nagkalat na bayawak dito pero hindi naman nila kayo aanuhin, syempre, wag nyo din aanuhin. Walang anuhan.….

Sabang Beach view on your right.Sabang Beach view on your left.
.
The unggoy, ay mali, ung waiting area pala. Dito niyo pwedeng iwanan gamit nyo.
There’s your unggoy. Madami yan pramis, asa mga puno, bubong, etc.

The bayawak! Kala namin hindi gumagalw, tapos biglang umangat ulo, hehe.


To get to the subterreanean river, lalakad ka pa ng mga 3 – 5 minutes to get there (gusto mo 1 day, asa sa
u na un kung gano ka kabagal maglakad).
Merong registration kang susulatan. Walang fee, sulat ka lang kung sino ka, edad, job and stuff. After that, ito na ang bubulaga sau.

Entrance to the cave.
Bago pumasok sa cave.

Wala kaming nakuhang picture sa loob kasi sobrang dilim. Actually, pwede kaming kumuha e, kaso ung may hawak nung spotlight (ung nasa harap pa nila Joas, we were 8 in the boat) akala niya ata e disco ung pinasukan niya kay ang gulo gulo nung ilaw. Pero cool naman sa loob.
After namin sa loob (mga 1 hour din siguro), e nagpicture picture muna kame before leaving. Balik kame sa boat namin (si Manong number 16) at dun na kame naglunch sa may port. Marami naman kainan dun at restaurant kaya ok lang.


Ang next problem namin e kung san kami pupunta. Expected kasi namin e pwedeng magswimming sa Sabang Beach. E hindi naman pala. On the road to Sabang Beach, we passed some swimming pools with hot springs. Balak kasi naman e sa hindi naman maalat na tubig magswimming dahil nga nung 1st day namin e sobrang beach kung beach talaga ang ligo. Si cool na Manong Armando (inset), nagsuggest samin. Baka hindi kami mapreskuhan kapag sa hot springs kami naligo kasi mainit nga naman ung panahon. So tanong namin siya kung meron ba syang alam na pwedeng puntahan na swimmingan. Suggest nya samin e sa Iwahig Prison Camp. Yes, sa Iwahig Prison Camp! E since may tiwala naman kame ke Manong Armando na hindi kami ipapasalvage, umoo na kame. Medyo matagal nga lang ung byahe (mga 2 hours din ata) so tulog muna kame ng onti habang nagmamaneho si Manong. At dahil may tulog, may picture! Pero di ko na ilalagay dito, hehehe. Check nyo na lang facebook account ko.Ang galing ni manong magsuggest ng place. Turns out, ito pala e destination ng mga tiga-Palawan tuwing weekends. Dito sila nag swswimming, picnic and stuff. As you can see on the picture on your left, sobrang clear ung tubig. Ung mga cottages on the left and right are for the families who go here every weekends. Kaya lang kami nkapasok e dahil kakilala ni Mang Armando ung mga namamahala sa prison camp, ok naman sa loob, mababait ung mga tao, wag kayong matakot. P10 lang ang entrance fee dito. Malupit pa nyan pinagluto nila kami ng inihaw na manok w/ matching kanin sa halagang P300 ata (can’t remember na e, pero lam ko round this figure, at bahala na kayong mag currency conversion, hehe).

The water here is used by the camp para i-irrigate ung farms nila downhill. Running ung water at may mga isda pa pero maliliit lang. To make the river deep, they have this plywoods to cover ung daluyan nung tubig to the farms. Ang saya kasi nung nagpunta kame e kami lang ung tao. This part of the camp was made for tourists (may souvenir shop nga e) and families around the area as picnic grounds, swimming, etc. Hindi naman magulo sa loob. Para ngang ang cool nung mga preso dito e. Saka sobrang peaceful, tahimik talaga.

Here are some pictures taken at said site:


Group pic kuha ni Zaide.Group pic from afar na kuha din ni Zaide.

Super clear water!

Dyesaballs Zaide na nagtetext.

AURA POWER!Ito ung upper part nung river.

Ito ung left side ng river, mga cottages ung asa left part ng pic.

Ung aso na resident sa Iwahig, ung sinakyan namin, and ung souvenir shop at the left.

Mga 4PM or 5PM na ata kami umalis ng Iwahig and mga 7PM na kami nakabalik sa Lola Itang’s. Manong Armando charged us P3500 ($72.77) for the trip which is sakto lang kasi sobrang layo talaga nung mga pinuntahan namin. For dinner, kumain na lang kame sa Chowking after a quick shower sa pension house. We opted to walk pauwi from Chowking to see the the night life at Puerto Princesa, at naghahanap din kasi kami ng mabibilhan ng booze, hehe. Again, many choices for dinner sa area so just walk around and see the sights.That concludes our 2nd day at Puerto Princesa. Don’t miss the third and last post for our misadventures at Palawan!



Responses

  1. da best ang palawan! sana maayos nila ang airport nila.

    • Onga po e. Nakakamiss ang palawan. Hopefully matuloy ung balik namin sa august.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: