Posted by: Oliver Lee | April 2, 2009

Blogs, Blogging at Butiki.

Kanina pa ako nagbabasa ng mga blog ng kung kanikanino at sino sino. Kanina pa rin ako tawa ng tawa kasi ang kukulit ng blogs nila.

Wala lang nashare ko lang.

Hindi naman sa ineexpect ko na maging ganun ung blog ko. Gusto ko na lumaki sya sa kung anong hugis at porma sa natural na paraan. Nashare ko lang kasi narealize ko na ang dami palang magaling magsulat na noypis sa internet. At thriving pala talaga ang blog community ng noypi’s. Palibhasa ang alam ko lang na gamit ng Internet sa buhay ko e magbasa ng news, check ng email, facebook, at research kung kelangan. Hindi ko rin nakahiligan ang internet online games e, ewan ko kung bakit. Sobrang open-ended kasi, ayoko ng ganun, tapos bibili ka pa ng prepaid cards or sumthing. Not that I have something against it. I mean, I’ve tried pero wala e. Di ako nahook.

Going back to the blogs, tnry ko kasi na dati na magblog, kaso tamadz lang talaga, hehehe…. Saka ung una kong pinasok na blog ata dati e panginternational. O perception ko lang un? Kasi mga nagcomment, inglesero’t inglesera, naubusan ako ng ingles. Aun, after ng 2 o 3 post ata iniwan ko. Sa kanila na un. hehehe….

Pansin ko din na marami rami rin palang nagVVlog na pinoys. Senyo na lang. Wala akong lakas ng loob sa ganun e, hehe… Pero mukhang enjoy, ngunit subalit hndi ko kaya ung ganun. Try ko munang kumain ng buntot ng butiki. Di ko lam kung ano epekto nito, bigla na lang pumasok sa utak ko.

Speaking of butiki, nung nagbabakasyon ako dati sa Pampanga, ung pinsan ko e pinaghuli ng butiki para iihaw ung at kainin ng pinsan ko. Yeach… Gamot daw sa hika. Mga 13 years ago na ata to, pero graphic pa din sa memory ko. Na-ukit ata. Me scientific basis ba to? O mawawala lang un hika mo dahil sa psychological torture na dadaanin mo kasi kakain ka ng butiki? Parang kabag, di ba gingulat ung mga un para mawala?


Responses

  1. hmmmm dapat nilagyan mo ng mga link ung mga binabasa mong blog para makita ko kung sinong makukulit yang mga yan…


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: