Posted by: Oliver Lee | April 1, 2009

Mag Blog kaya ako (for the nth time)

Siguro mga pang 4 or pang 5 ko ng attempt to na gumawa ng Blog. Lagi akong naguumpisa, pero di ko naman natutuloy or nafofollow-up pa ng entries. Thespoke, Friendster blog, etong blogspot na to at kung ano ano pang naisip ng ibang tao na pwedeng sulatan ng kung ano ano. Either maraming ginagawa, walang time, walang available na PC kapag may idea ka na, or tamad. Bet on the latter.

I never really understood (or tried to understand for that matter) ung concept ng blogging. Dapat ba may theme ka an uniform to all your posts? Pag travel themed e di ibig sabihin kelangan alis ako ng alis, san naman napunta pera ko nun diba? Bills pa lang na binabayaran ko, halos lahat e dun napupunta. Kung thoughts marami ako nun, kaso walang PC na available. So either mawala na lang or napapalitan ng ibang walang kwentang bagay. Rambling thougts ba….. what’s a hypotenuse?

Isa pa, dapat pagnagblog ako, kelangan may design. Medyo mahalaga to, kasi, pag pangit ung posts ko, at least may maapreciate man lang sila visually. Pangit na post + pangit na design = tae.

May isa pa pala akong concern, ung frequency ng post. Dapat ba everyday, twice a day, every other day, birthday, Father’s Day, Mother’s day, Valentines Day, all souls day, insert-your-word-here day (actually marami pa akong pwedeng idagdag dito e, kaso baka maumay ka). Pag aasahan ako na ako’y sisipagin na magblog, wait ka lang ng mga 2 years siguro for the new post.

Kaya ito, pang nth attempt to write a blog. Sana masundan agad. Siguro magpopost na lang ako pictures dito. Pwede naman un diba? Wag ka ng umangal wala na akong idea e.

Nga pala, para na rin maengganyo ako, kung sino man magbabasa nito, me alam ka bang free templates para di na ako magdesign? Mahina ako sa ganun e. =)

Advertisements

Responses

  1. Test

  2. the frequency question, hmmm… sa mga summit na na puntahan, it can be everyday, once a week, or twice a week, when it comes to blogging, for vlogging it can be twice/once a month.

    You should post an entry na like twice a day or more than once a day… kase mga readers mo or mga visitors mo maguguluhan, hindi nila mababasa lahat ng post mo kapag ganun… give them time to read and to comment then after nyan ok n yan! don’t worry help kita mag grow ang blog mo 🙂

  3. ay bakit lang sya ang help mo sa blog???

    lee, just write whatever is on your mind. you don’t need a theme if you don’t want to. it can be diary-like or theme-based.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: