Posted by: Oliver Lee | August 11, 2014

Ipis and the Titan

Sinimulan ko na palang panoorin ung isang series na matagal ko ng hinohold panoorin. Japanese siya at uunahan ko na kayo, hindi siya porn. Anime sya at Attack on Titan ang title nya. Ayoko nang isearch kung ano ung Japanese title nya at tamad akong mag-google. Kaya mo na yan, malaki ka na.

Hindi ko sya masimulan panoorin kasi nga Japanese yung series. Ayokong magbasa habang nanonood. Hindi ko maappreciate yung drawing (weh?) at hindi ko makita ung facial expression nila habang binabanggit yung mga linya nila. Sayang ang acting! Also, hindi ko siya mapanood sa office (ito talaga yung real reason, hahahaha!). Hindi ko kayang magbasa sa maliit na screen! Buti na lang meron na nung english dub. Kahit papaano ay nasimulan ko nang paunti-unti yung series.

Maganda yung series. Nakaka-hook din. Kalahati pa lang ng season yung naka-english dub kaya ipinagpatuloy ko na lang sa bahay. Pinanood ko na ung mga karugtong na Japanese dubbed. Tama naman yung pagkakadub at tuloy-tuloy naman yung flow ng story.

Napa-isip din ako kung ano yung gagawin ko kung naharap ako sa same na sitwasyon. Feeling ko maninigas na lang ako sa takot. Isipin mo, fixed na nakangiti lang yung mga mukha nila tapos bigla ka na lang kakainin na para kang gumagalaw na Choc-nut. Walang nguya nguya, lunok agad. Malas mo pa pag naputol appendages mo sa pagkagat nila. Mas malas pa yung nakagat na yung kalahati ng katawan mo, inapakan ka pa. Double whammy!

Kung maging Titan naman ako, feeling ko, ako yung pinakapathetic na Titan. Kanina kasi sa sala namin, may dumaang ipis na tumatakbo. Nag-feeling Titan ako (uunahan ko na kayo, hindi ko siya kinain) at tinry ko syang apakan. Kaso ambilis tumakbo nung ipis. Buti na lang hindi sya nagfeeling na Survey Corps* at lumipad papunta sakin dahil punyeta siya at ako ang tatakbo, haha! Walking ipis is ok. Flying ipis, that’s another story.

Hindi ko napatay yung ipis since mabilis nga siyang tumakbo. Nagising at napatingin sa akin yung dalawang aso ko at tinignan kung bakit ako nag-ingay.

Tumigil yung ipis malapit sa cabinet. Hindi gumagalaw. Feeling ko naramdaman nung ipis na tinitignan ko siya at nung dalawa naming aso. Siya naman ang napatigil sa takot (I think). Tinry ko uli syang apakan, with matching bwelo pa.

Walang nalandingan na ipis ung tsinelas ko. Mabilis siyang nakatakas, pumasok sa ilalim nung cabinet.

Tinignan ako nung dalawang aso namin at bumalik sa paghiga.

At kung makakasalita sila, feeling ko sasabihin nila ay “pathetic”.

siggy

*Yung mga pumapatay sa Titan. Nag-aala Spider-man kung mag-swing swing sa mga building.

 

Posted by: Oliver Lee | January 9, 2014

Product Placement

Bumibusiness man ako.

Seriously, hindi ko inakala na magiging totoo itong ginagawa namin. Dati sobrang pangarap at kwentong lasing lang to pero ito na sya, totoo na.

Oo nga pala, bago ka tumuloy, ito ay isang shameless plugging post. Parang MMFF movie lang. Isang malaking product placement.

Nagopen na ang aming stupidly fun toy store!

Well not exactly a physical store, but an online one. Isa sa mga plans namin ang magkaroon ng physical shop pero isa-isa lang. Darating din kami dyan. I hope and wish.

Guys, I present to you RARUAN Toys and Hobby!

RARUAN Toys and Hobby

RARUAN Toys and Hobby! Click to go to our Facebook page

I hope you can spare some time to visit our site at http://www.facebook.com/raruantoysPH. Currently,we are offering Evangelion units and R2Q5 from Star Wars but we will be slowly expanding our product line. For more details, please visit our website! (Ano pwede na ba akong salesman? Hahahahha!)

Nakiki-usap na din ako sa inyo at nagsusumamo na i-share ang aming website. I would really, really, appreciate all the help to get the word out that we are open for business hahaha! Additional thank you na din kung iffollow nyo ang aming social accounts.🙂

Ok, tapos na ung product placement ko, haha! Don’t worry, minsan minsan ko lang isisingit ang product placement dito sa blog ko DO BUY YOUR TOYS AT RARUAN! this will still be a personal and sometimes always, stupid, non-sense, blog.

This year, I think, started right for me and I do hope it did for you too! Thank you and hope you have a wonderful 2014!

Older Posts »

Categories

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 211 other followers