Ok break muna sa Singapore adventure. Kelangan ko tong isulat. Baka makalimutan ko, hahaha.
Lately, madalas kong mapanaginipan na may assignment ako sa english na hindi ko nagawa. Lagi kong napapanaginipan na nasa school pa daw ako. As in paggising ko e tinatanong ko din ung sarili ko kung nasa school pa din ba ako at ano ung assignment na kailangan kong gawin. Ang weird lang talaga kasi naiiwan ung pakiramdam paggising ko, tapos nararamdaman kong nakaoverdrive ung utak ko sa pagiisip kung ano ung assignment na un at kung nasa school pa ako.
Kelangan ko na bang bumalik sa school? At anong problema ng utak ko sa english at un ang naisip nyang subject? Bakit hindi math? or science?
May utang ba ako sa english teacher ko?
Thank you for letting me waste your time. We’ll be back to regular programming on my next post. Kthnksbye!


Recent Comments